Chapter 4

26 2 0
                                    

CHAPTER FOUR

'Leader'

Sikat ng araw ang gumising sa akin kinabukasan. Nakalimutan kong umuwi kahapon dahil sa kakaisip at pagliliwaliw dito sa Main. Kinuha ko ang telepono ko at nakita ang ilang missed calls galing sa magulang ko at sa mga kapatid ko. Tinignan ko ang messages na halos mag-iisang daan na sa dami. Binuksan ko ang message galing sa president ng block namin, nagbabakasakaling 'walang pasok' ang nakasulat roon. Pero ng makita ko ang nakalagay roon ay biglang sumakit ang ulo ko.

Kacey Raille Salves:

Pinatawag ng board ang parents mo. Nakita kasi sa CCTV na ikaw ang sumira ng emergency alarm. What was that for, Allie?

Nag-isip ako ng pwedeng ireply kay Kacey. Sa lahat ng ka-block ko, siya lang ang pinaka kaclose ko at ayaw kong ayawan niya ako dahil lang sa pagsira ko sa emergency alarm.

Allie Simpson:

Hindi ko maalala kung bakit ko yun ginawa. Galit ka ba sakin?

Titig na titig lang ako sa telepono ko, hinihintay siyang magreply.

"You look nervous?" tumingin ako sa nagsalita at ibinalik ulit ang tingin ko sa telepono ko. Agad akong nagtype ng mareceive ang message niya.

Kacey Raille Salves:

Allie, hindi ako ang galit. Ang board. Bakit mo ba kasi yun ginawa? Para makatakas ka? Saan ka ba kasi nagpupunta?

Allie Simpson:

Nagpunta kasi ako sa Salidu University

"Aish!" napahampas ako sa desk ko ng send button ang napindot ko imbis na ang backspace.

"Go on, ignore me while you still can!" bumaling ako sa kanya at tinignan siya ng masama.

"I hate you" sambit ko at niligpit ang gamit ko.

"Uh? What did I do, huh?" tanong niya at sinalat ang tsokolate sa mesa ko.

"Kung hindi mo ako inaya kahapon maglakwatsa! Edi sana hindi ko nasira ang emergency alarm para lang makatakas anmt sumama sayo! This is all your—"

"My fault? Oh, dear. Don't put the blame on me. Tinanong pa kita diba? Paano ang pasok mo? Pero ano ang sinabi mo? Okay lang yun. And in fact, hindi kita pinilit sumama. At hindi ko rin sinabi na sirain mo ang emergency alarm" natahimik ako at isinuksok lahat ng gamit ko sa bag ko.

"Blame yourself. And don't you dare find someone else to blame." sabi niya at nag walk-out.

Pagkadating ko sa eskwelahan, lahat ng estudyante ay nakatingin sa akin ng masama. Inignora ko na lang sila, ang mga bulungan at pagpaparinig nila.

Napahinto ako ng hilahin ako ni Kacey patungo sa girl's comfort room at inilock iyon.

"Pakiulit nga Allie. Bakit mo sinira ang emergency alarm kahapon? At saan ka nagpunta?" bungad niyang tanong. Lumunok muna ako bago sumagot dahil sa sobrang kaba.

"N-nagpunta ako sa Salidu University" nauutal kong sagot.

"Gosh! I can't believe you, Allie! Bakit ka nagpunta sa Salidu University?"

"Uhh.. Naglibot? M-may festival kasi sa kanila." yeah. That's right, Allie.

"Seriously? Allie, sinira mo ang alarm para makatakas ka at makapunta sa University na yun? Hindi mo ba alam? Kinakalaban nila ang mga taga-cross. Tapos ikaw? Basta basta ka nalang pumupunta dun? Paano kung pinagtulungan ka nila?"

I'll be your manTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon