Chapter 9

24 2 0
                                    

CHAPTER NINE

'Arena'

Nakatuon lang ang atensyon ko sa kutsilyong hawak ni Miss Seira ngayon. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang magmultitasking sa klase namin ngayon, she was discussing some stuffs about guns habang nakatingin lang sa akin at pinaglalaruan ang kutsilyong hawak ng dalawa niyang kamay.

Kanina pa ako nag-iisip ng paraan kung paano siya madisdistract. Mayroong parte sa akin na alam kong makikita ko na lamang ang lumilipad na kutsilyo maya maya. I have to stop her eye contact. Bukod sa nakoconscious ako ay nahihirapan na din ako dahil nakatingin din sa akin lahat ng mga kaklase ko.

"I know you're all good with guns. But..." napa-angat ang tingin ko sa kaniyang mga mata. Sh*t. Bago pa man ako tamaan ng kutsilyo niya ay dumukdok ako sa lamesa. Crap. "Just thinking if you're good with knives. By the way, nice stunt Autumn." She smiled, devilishly. Napaikom na lamang ang aking kamay.

Napatingin ako sa sticky note na galing kay Winter. I was about to thank him grudgingly pero baka pag-initan lang ako lalo ni Miss Seira kapag ginawa ko iyon.

'Think you've messed up with her. Poor Autumn....'

"Penny for your thoughts, Autumn?" She was smiling ear to ear. Alam niyang inis na inis na ako. Ilang beses na akong napapapikit dahil sa init na nararamdaman ko. Patience, Allie! Patience.

Para akong nakawala sa kulungan ng matapos ang klase namin sa kaniya. This time no flying knife for her goodbye but knives all over the classroom. Hindi ko alam kung paano niya nagawa yun pero nang ibulos niya ang mga sako sa paligid ay yoon ang sumalubong sa aming lahat.

Bago pa makaalis sa kinauupuan niya si Winter ay agad akong humarang at napabalik siya sa upuan niya.

"Mind to tell what happened, Winter?" I glared at him.

Kanina pa kami naglalakad sa mapunong lugar na ito. Nang umihip ang hangin ay napahawak ako sa sarili ko dahil sa lamig na naramdaman ko. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naglakad ako sa kagubatan at hindi ko maitatanggi na kinikilabutan ako.

"Nasaan na ba tayo?" Wala akong narinig na sagot sa kaniya.

Tumakbo ako at umakyat sa puno tsaka tumalon sa harapan niya. I cupped his neck with my hands, gritting my teeth. Isinandal ko siya sa puno at unti-unting ibinabaon ang mga daliri ko sa kaniya. He's not fighting back. Nakatingin lang siya sa akin habang sinasakal ko siya. Nag-iwas ako ng tingin at dahan-dahang kinalas ang pagkakasakal sa kaniya.

"You don't belong to us, Autumn. You can't." Kumunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon. Nararamdaman ko na naman ang pagtaas ng dugo ko sa mukha. "You just can't"

Naglakad siya palayo. Hindi na ako muli pang nagsalita at sinundan siya ng tahimik. Tumingin ako sa paligid nang makita ko ang isang board na nakasulat ang 'arena'. Nilagpasan lang namin ang guard na nagbabantay at nagdire-diretso. Napahinto ako nang mapukaw ang atensyon ko sa lugar kung saan ko nakaharap si Andromeda. Ang lugar na ito ay ibang iba noong araw ng festival, makulay at puno ng kaligayahan ngunit ngayon ay isang malungkot na presensya ang nararamdaman ko.

"Watch out!" Napatingin ako sa isang kutsilyo na lumilipad patungo sa direksyon ko. Sinipa ni Winter ang binti ko dahilan upang bumagsak ako at mahalikan ang lupang tinatapakan lahat ng dumadaan dito. Ano bang mayroon sa kutsilyo at mukhang araw araw akong sinasalubong ng mga ito?

Mayroong isang pares ng sapatos ang nasa harapan ko. Tumayo ako at bumalandra sa akin ang pagmumukha niya. Sh*t. Bakit nandito tong babaeng to? Inilabas ko ang baril ko at itinutok iyon sa kaniya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'll be your manTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon