CHAPTER TWELVE

1.4K 128 13
                                    

CHAPTER TWELVE

HE released me from his hug and gently wiped my tears from my face. My eyes welled up when I saw him smile.

"A-Art . . ."

"Are you okay now?"

Instead of answering him, I slowly touched his hand up to his face. "T-totoo bang nahahawakan kita?"

"Hmm." Tumango-tango siya. "And don't ask me why because I don't even know. Maybe that old woman made this."

Hindi ako makapagsalita gawa ng mga nangyayari. Noong una ay naglaho ang kamay ni Art, tapos ngayon ay nagagawa ko na siyang hawakan. Marami akong gustong itanong at sabihin, ngunit walang lumalabas sa bibig ko dahil alam kong si Aling Selya lang ang makakasagot n'on.

Kita ko ang pagtayo ni Art at ang pagtingala niya sa langit.

"Umuwi na tayo. You need to rest, Paigne. Let's go."

Umiling ako. "Kailangan ko pang pumasok sa trabaho, Art. Napapadalas na ang pagliban ko. Baka tanggalin na ako sa trabaho."

Napabuntonghininga ako. Hinayaan kong maapektuhan ng problema ko ang trabahong bumubuhay sa akin.

"But you're physically and emotionally tired. You also need to rest."

"Pero kailangan ko ring magtrabaho, Art. Dahil kung hindi, hindi ako makakapag-ipon para sa susunod na pasukan."

He deeply sighed. "Okay, but I'll take you to work."

Tumango ako at hinayaang ihatid niya ako.

Habang nilalakbay namin ang daan, hindi ko maiwasang ma-awkward. Masyadong nakakabingi ang katahimikan.

Isang gabi na naman ang ginawang pagdamay sa akin ni Art. Sa tuwing nasasaktan ako, siya ang laging nandiyan para pagaanin ang loob ko. I let out a heavy sigh. Ngayon ako nagsisi sa ginawang pagsigaw ko sa kanya kanina.

"Art," basag ko sa katahimikan.

"Hmm?"

"I'm sorry about earlier. Hindi dapat kita pinagsabihan ng mga gano'ng bagay."

He gave me a half smile and nodded.

"Do you still remember what I've told you before?"

I gave him a confused look.

"The past, present, and future tense."

"Ah," simpleng saad ko.

"Forget your past, enjoy the present, and prepare for your future."

Napabuntonghininga ako. Hindi talaga siya nauubusan ng mga makabuluhang salita.

"Sana nga gano'n lang kadali, Art!" I deeply sighed again. "Kung nakikita natin 'yung past and present, sana gano'n din sa future, 'no? Para alam natin kung kailangan pa ba nating ituloy ang isang bagay."

"We're here."

"Ha?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko namalayang narito na pala kami sa PDG Bakeshop.

Stars Above Us (Soon To Be Published Under MPop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon