CHAPTER FOURTEEN

1.2K 110 2
                                    

CHAPTER FOURTEEN

MATAPOS ang trabaho, hindi na ako mapakali. Parang gustong-gusto ko nang lumabas. Ayoko mang aminin, ngunit totoong gusto kong malaman kung naghihintay ba talaga sa akin si Lance sa labas. Katulad ng sinabi niya kanina, maghihintay siya.

Maghihintay siya. Sana.

Pagkalabas ko sa PDG Bakeshop, doon ay naabutan ko si Art na matiyagang nakatayo at naghihintay sa akin habang nakapamulsa.

"Paigne!"

Rinig ko ang pagtawag sa akin ni Art ngunit hindi ko siya pinansin. Inilibot ko ang aking paningin. Kung saan-saan din ako napunta, mahanap lang siya. Ngunit wala. Wala akong nakitang naghihintay na Lance.

"Paigne . . ."

Maluha-luha kong nilingon si Art. Sinundan niya pala ako mula sa pagtakbo. Sinikap kong pigilan ang luhang gustong lumabas sa aking mga mata. Ayoko nang makita ako ni Art na mahina.

'Here we go again, Paigne! Naniwala ka na naman sa salita niyang maghihintay siya. Niloko ka na't lahat-lahat, heto ka pa rin at nagpapadala sa mga salita niya!'

"Are you okay?"

Pilit akong ngumiti. "O-oo naman, 'no!"

"Pero iba ang sinasabi ng mga mata mo."

"H-ha?"

"Lips may lie, pero ang mga mata? Hindi."

Umiwas ako ng tingin. Hindi ko siya kayang tingnan nang direkta. Tama siya. I mean, lahat ng sinasabi niya ay tama.

"Look at me, Paigne."

Hindi ko siya tiningnan, hanggang sa maramdaman ko na lang ang palad niya sa aking pisngi at unti-unting hinarap sa kanya.

Kumorte ang ngiti sa kanyang labi bago ulit magsalita. "Just smile, Paigne. Nakakawala iyon ng sakit."

Katulad kanina, nawala na parang bula ang sakit na nararamdaman ko dahil sa ipinakitang ngiti niya.

--**--

DAYS had passed, matapos ang madugong finals ay masasabi kong makakahinga na rin ako nang maluwag.

Nang matapos kong ligpitin ang gamit ko ay bigla kong narinig ang mga kaklase kong nag-uusap-usap.

"Nakaka-miss si Ali," malungkot na saad ni Camille, isa sa mga kaklase ko.

"Oo nga! Sayang lang at lumipat pa siya. Wala na rin akong balita sa kanya, eh!" sagot naman ni Antonette.

"Ikaw, Paigne, may balita ka ba kay Ali? Kaibigan ka niya, 'di ba?"

"H-ha?" Muntikan ko nang mahulog ang gamit ko. Ano'ng isasagot ko sa kanila? Wala silang alam sa mga nangyayari at lalong hindi nila alam na hindi na kami nagkakausap.

"M-maayos naman siya," pagsisinungaling ko.

Wala akong ibang masabi at para na rin makaiwas ako sa tanong nila, mas pinili ko na lang na umalis agad.

Handa na sana akong lumabas dahil nakita ko si Art na naghihintay sa labas ng classroom namin, ngunit agad akong natigilan dahil biglang tumunog ang cell phone ko.

Nagdadalawang-isip ako kung sasagutin ko ba ito dahil unknown number ang nakalagay. Pero naisip kong baka importante ito, kaya't sinagot ko na.

"Hello?"

"Hello, Paigne?"

Nakilala ko agad ang boses na iyon. "Manang Rosy?"

"Ako nga, Paigne." Naalala ko, ibinigay ko pala ang number ko sa kanila noong magpunta kami sa bahay nina Art. "May ginagawa ka ba ngayon?"

Stars Above Us (Soon To Be Published Under MPop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon