There's a question that everyone always asks. If you can turn back the time, would you do it?
But everyone also has different answers to that.
'Yung iba, ayaw nila. Kasi naniniwala sila na everything happens for a reason. Kaya 'yung mga pagkakakamali nila noon ay dapat lang talaga na mangyari. Thankful pa nga sila dahil hindi raw sila magiging kung sino sila ngayon kung hindi nangyari ang mga 'yon.
Ang iba naman, gusto nila. Dahil gusto nilang matama ang pagkakamali nila. Na sa tingin nila, kung sana ay may naiba noon baka may mag-iba ngayon.
Pero kung ako ang tatanungin, siguro hindi ko alam ang isasagot ko. Sabihin na nating parehas sa nabanggit kanina ang kalagayan ko.
I do believe that everything happens for a reason, kahit gano man ka-cliche pakinggan. But nevertheless, there's always a thought that lingers in my mind.
Na what if—just a what if—what if there's only one thing that was different back then? Would everything be different now?
What if kinausap ko s'ya? What if nakinig ako sa rason n'ya? What if hindi ako lumayo? What if pinansin ko s'ya? What if we stay as friends?
Pero what if kung hindi s'ya naging gago.
I chuckled at myself. Yeah right, as if that would change anything. Kahit naman gano n'ya ko ginago no'n, it didn't change my feelings for him. Tanga. Sobrang tanga.
But that's why I still do wonder about the possibilities. About the could have beens. About the what ifs.
Kase what if I was just on time? What if I was just at the right moment? What if I wasn't . . .
"Late ka na."
Napatingin ako sa pintuan ko kung saan nanggaling ang boses. I smiled at her but ignored what she said. Patuloy kong tinitigan ang sarili ko sa salamin.
"Alam ko," tugon ko kay Rina, ang nakababata kong kapatid, habang inaayos ang buhok ko.
"And? So paghihintayin mo sila do'n? Wow naman ate, ilang taon kayong 'di nagkita-kita tapos papa-special ka pa," pabiro ngunit may katotohan na komento nito habang nakahalukipkip at nakasandal sa pintuan.
"Hoy! Ngayon lang naman ako mala-late 'no, maiintindihan naman nila 'yon."
"Ngayon ka nga lang ba talaga na-late?"
Napatigil ako sa pag-aayos. Napatingin muli ako kay Rina na ngayon ay may mapang-asar na mukha. Bastos talaga bibig ng batang 'to.
"Alam mo pasasalubungan sana kita ng libro ni Jane Austen pero parang 'wag na lang 'no?"
"Eto naman si Ate 'di mabiro!" lumapit pa ito sakin at niyakap ako. "Joke lang 'yon ikaw naman! Nag-text pa nga si ate Beth kanina eh, sabi n'ya take your time daw!"
"Talaga? Sabi n'ya?" sarkastiko kong sabi dito.
"Oo, sabi n'ya! Sabi n'ya rin n'ya nawa 'wag ka raw rumupok ngayong gabi."
Agad ko itong tinulak palayo para kumalas sa yakap n'ya. "Siraulo ka, lumayas ka na nga dito!"
Tatawa-tawang lumabas si Rina ng kwarto ko, halatang ligayang-ligaya sa pang-aasar sa'kin. Ilang minuto lang ay naririnig ko na naman ang mga yabag nito papalapit sa'kin.
"Rina sinasabi ko sa'yo tigilan mo ko ha," I said absentmindedly while applying the last touches of my blush.
"Nagtatalo na naman ba kayong dalawa?"
I was startled by the voice kaya napatingin ako agad dito. "Ma, ano pong ginagawa n'yo dito? Akala ko tuloy kayo si Rina. Pero 'wag kayo mag-alala, nag-aasaran lang po kami."
"Ah ganon ba, buti naman. Ang kukulit n'yo kasing dalawa eh. Pero gusto ko lang sanang ibigay 'tong mga 'to sa'yo." Ngayon ko lang napansin ang box na hawak-hawak n'ya. Agad ko naman itong kinuha mula sa kan'ya.
"Ano po 'to?" tanong ko habang tinatanggal ang alikabok ng kahon.
"'Yan 'yung mga naiwan mo no'n dito sa bahay bago ka pumunta ng Australia," sabi ni Mama tsaka ako binigyan ako ng ngiti. "Hindi ko ba alam sa'yo bakit tinabi mo pa 'yang mga 'yan. May mga plastic pa ng pinagkainan ata tsaka mga piraso ng papel. Ipapa-junkshop mo ba 'yan?"
Natawa naman ako sa reaksyon nito. Sa kan'ya ko talaga namana ang pagiging clean freak.
Binaba ko na ang box sa mesa sa harap ko. "Thank you, Ma. Mga abubot ko kasi 'to nung senior high. Kaya kahit na mukhang mga basura, tinatabi ko pa rin kasi importante sakin."
"Ah ganon ba. O sige, bababa na ko. Bilisan mo d'yan at baka hinihintay ka na ng mga kaibigan mo."
"Opo, Ma!" tugon ko dito. Muli ay inayos ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Pero hindi mapigilan ng mga mata ko na maglakbay papunta sa kahon.
Matagal na rin mula nang huling beses kong makita ang nasa loob nito. Hindi ko na natiis ang kuryusidad at napagdesisyunan kong buklatin ito.
Sari-saring mga balat ng candy, biscuit, pilas ng papel, iba pang mga papel na mga poster at ticket sa mga events sa school, ballpen na alang tinta, alang laman na bote ng kape, autograph book, at mga litrato ang bumulaga sa akin. Pero sa dami ng laman ng kahon, isang bagay ang litaw-litaw. Ang journal ko.
Binuklat ko ito sa pinaka-unang pahina at napangiti sa mga litratong nakadikit dito. Ang unang-una ay kuha pa galing sa beach kung saan kami huling nag-shoot para sa film festival na sinalihan namin no'n.
I flipped the journal more hanggang sa mapunta ako sa pinaka-unang entry. I smiled to myself.
I may not be able to turn back the time. Or know if I want to. But at least I have something that would remind me of how it was. Of how everything used to be.
Like a movie that features all the documented memories I have back then. Only it wasn't a film but written moments on papers scribbled by ink.
Nevertheless, I can still vividly remember the very first day I wrote in my journal as my fingertips touched the pages and as my eyes read the passages.
I took a deep sigh. It was just like yesterday.
Our yesterday.
———
BINABASA MO ANG
Our Yesterday
Teen FictionSix senior high school students from various walks of life in the Philippines join forces with a shared goal: to create a captivating film that will make a lasting impact on the upcoming film festival competition. As the group of aspiring creatives...