Early dismissal kami ngayon, dahil may meeting ang mga guro.
"Gia," tawag ko. Nilingon niya ako, "Ano 'yon?" tanong naman niya.
Gusto ko sanang itanong kung bakit niya sinabihan si Mrs. Martin na may gawa na ako. Nakakahiya tuloy kay Ma'am.
"Ah. Wala, nakalimutan ko 'yong itatanong ko sana." Sagot ko. Pinaniningkitan niya ako sa mata na parang alam niya ang dapat na itanong ko. Mind reader yata 'tong si Gia eh.
"You sure?" Tanong niya sa'kin. Tumango ako para 'di niya ako kukulitin. I can still feel na hindi siya convinced sa sagot ko pero isinawalang bahala ko na lang 'yon.
Lumabas na ako sa classroom, iniwan ko si Gia kasi may gagawin pa daw ito. Nagmamadali akong umuwi baka may bagong update ang Craeddoz. Parang binuhay lang ako para mabaliw sa grupo na 'to.
Tinext ko muna si Mama na uuwi na ako. Dumaan muna ako sa 7/11 para bumili nang makakain. 2pm pa naman.
"Ano kaya ang magandang i-snacks?" Tanong ko sa sarili. Oo, tinatanong ko din ang sarili ko pagdating sa pagkain.
Tumingin muna ako sa junk foods section baka may magustuhan ako do'n. Pagkatapos naman ay pumunta ako sa mga biscuits section. Mahilig ako sa biscuits lalo na 'pag plain lang ito. No flavour.
I bought two different foods, isang junk food at dalawang biscuit. Nagtitipid ako.
After kong pumila at bumayad sa counter ay agad na akong umuwi. Medyo malayo ang bahay namin. Ewan ko kung bakit ang iniisip ni Mama is 'yong trabaho niya. Kaya 'yong bahay namin ay malapit lang sa tinrabahuan ni Mama.
I don't commute kasi nakakasayang lang ng pera. "Kailangan nating magtipid. Lalo na't ang mahal nang school mo." 'Yan lagi ang pinapaalala ni Mama sa'kin.
"Dahil sa pagtitipid ko, hindi ako makakabili nang album sa Craeddoz." Bulong ko sa sarili habang naglalakad patungong bahay.
Nang makauwi na ako, binuksan ko na ang pinto at pumasok. I didn't lock the door since dito lang naman ako sa sofa at para hindi na sisigaw si Mama sa'kin. Just to open the door for her.
I put my foods sa table and also put my things sa kwarto ko. And after I settled down my things, bumalik ulit ako sa sofa and I opened the paper bag at took out the foods I just bought.
I grabbed my phone out of my pocket at nagsimula nang mag-scroll sa social media ko. Apparently, walang update ang grupo kaya in-off ko ulit phone ko at kumain na lang.
Habang kumakain ako ay nag-isip-isip ako nang panibagong plot sa story, sakaling may babaguhin man si Mrs. Martin sa story ko. Ayaw ko rin mag-message kay Gia ngayon baka mag-open up na naman siya sa dapat kong itatanong sa kanya.
Tatlong taon na kaming mag-kaibigan ni Gia, naging close kami no'ng Grade 9 kami. First impression ko sa kanya ay mataray at snob. Wala lang, intimidating siya sa mga panahon na 'yon eh.
So, back to what I'm doing. Nakapag-isip na ako nang bagong plot sa story. Madali lang ako makapag-isip ng plot lalo na kapag interesado ako sa story na ginagawa ko.
"So, after ma-notice nila 'yong character ko, dapat hindi muna darating sa point na halos i-welcome na nila ang character ko at palagi na silang mag-cha-chat. Hm, siguro dadaan muna sa strict lahat dahil isa lamang siyang fan." Saad ko sa sarili habang kumakain. Hindi madali ang pagbabago ng plot pero kapag desidido ka, magiging madali na lang.
Hindi ko namalayan na nakauwi na pala si Mama kung hindi niya lang ako tinawag. Nakatulala na daw kasi ako habang kumakain.
"Nako, Charlene. Masyado ka nang nabaliw sa grupo na 'yan, to the point na natutulala ka na." Saad ni Mama. Hindi naman siya galit.
***
Kinagabihan, napag-desisyunan ko na magbasa muna nang libro para malibang ko naman sarili ko. Naka-ilang chapters ako sa isang libro na binabasa ko. Which is 'yong The Selection.
The book itself is new to me, hindi kasi ako mahilig mag-browse para makakuha ng interesadong libro na bibilhin o ido-download.
After a few minutes, nilagay ko ulit ang libro sa study table ko at nag-browse ako sa phone ko baka may update. Pero wala pa rin.
I ended up sleeping early dahil wala naman akong ibang magawa.
BINABASA MO ANG
Life Of A Fangirl || Fangirl Series #1 (on hold)
Teen FictionExplore Charlene's life as a fangirl.