Kinagabihan, agad kong inayos ang aking bagong gawang fanfic para mabasa 'to ni Gia.
May mga errors akong nakita pero kaunti lang naman ito. "'Yong meet-up place, mali. Kailangan kong ibahin 'to." I mumbled as I kept looking for more errors.
Hindi madali ang pag-ayos ng isang story lalo na kung magulo ang plot nito. As I said earlier, I'm not good at writing stories.
Charlene: Mukhang hindi mo ito mababasa bukas.
Gia: Bakit naman?
Charlene: Kailangan kong ayusin 'to ng mabuti. Ang gulo ng plot.
Gia: I can help you with it.Pinag-iisipan kong mabuti kung kailangan ko ba nang tulong niya pagdating sa pagsulat. Hindi ko naman kasi siya nakikitang nagsusulat sa free time namin sa school. Pero nakikita ko siyang nagbabasa.
Charlene: Sige. Thanks!
Pagkatapos kong i-send 'yon ay bumalik ako sa paghahanap ng errors sa story ko. Sinimulan ko na rin ayusin ang plot.
I looked at my wall clock, it's already 8pm. Gano'n ba ako katagal mag-ayos?
I kept writing and writing hanggang sa mapagod ang kamay ko. Medyo okay na ngayon ang story. Medyo naayos ko na. Nilagay ko na sa bag ang notebook at natulog na.
Kinabukasan ay maaga ako sa school. Hinintay ko si Gia sa library. Yep, library ang meet-up namin ngayon.
It's still 6:30am kaya wala pang masyadong estudyante dito. A few moments later, dumating na si Gia. Kumaway pa ito sa'kin na parang bata.
"Here." Saad ko at binigay ang notebook. "Tell me kung ano pa ang errors sa fanfic na 'yan." Dagdag ko rito.
"I can write something naman sa notebook na 'to, 'di ba?" Gia asked. I nodded, pwede naman para 'di ko makakalimutan. Kapag kasi sinabi lang, makakalimutan ko 'yon.
Pumunta kami sa isang table at sinimulan na ni Gia ang pagbasa. Base sa expressions niya, nagagandahan ito. But there are times na kukunot ang nuo niya, to let me know na may lapses do'n sa part na 'yon. I grabbed my e-book at nagbasa na din.
Later on, the bell rang. Hindi muna sinauli ni Gia ang notebook ko, tatapusin niya raw ito mamaya.
"The story's good. May lapses lang. Pero don't worry may nilagay akong note do'n at suggestions na rin." Kaagad niyang sabi at ngumiti. Nginitian ko din siya.
First subject namin ngayon ay Literature. Pumasok na si Mrs. Martin dala ang aming mga papel sa activity niya kahapon.
Na-rate na niya pala. Mrs. Martin is a fast reader, kapag short story, ilang minuto lang matatapos na niya. Kapag novel, isang araw matatapos na niya depende kung hindi siya busy.
"Good morning, Class." Bati ni Mrs. Martin. Bumati rin kami pabalik. "I already rated your activity yesterday. And I found a few ones na maganda ang pagkakasulat." Panimula niya sa klase, "I'll be returning this to you. And to those na hindi naibalik ang papel nila, that means, nagagandahan ako sa gawa ninyo."
Kinakabahan ako baka hindi nagustuhan ni Mrs. Martin ang gawa ko. Hindi ko pa naman alam kung may lapses ba 'yong gawa ko o wala.
Nagsimula nang binalik ni Mrs. Martin ang mga gawa nang iba. Most of them are disappointed.
"Okay. Ngayong naibalik ko na ang inyong mga gawa, except sa kanila ni Charlene, Kent, Gia at Clarke. I want you to make another one." Saad ni Mrs. Martin na inereklamo nang iba.
"Kayong apat, hali kayo dito." Turo ni Mrs. Martin sa amin.
Agad naman kaming pumunta sa kanya. Lalo na si Clarke na nasa front row lang. Mrs. Martin talked about publishing our works, she made us write the activity yesterday para makita niya kung sino ang magaling magsulat ng story. Hindi lang daw 'yon one-shot kundi ipapagawa niya kami ng libro at ipu-publish niya 'yon. Ipapalagay niya rin daw ito sa library para mabasa nang mga estudyante.
"Uhm, medyo mahirap po sa akin ang genre, Ma'am." Saad ko dito.
Napag-isipan ni Mrs. Martin na papipiliin kami ng genre kung saan kami mas komportable at magaling. I picked the fanfiction since may gawa naman na ako. "Kailangan niyo ako para sa proof read." Saad ni Mrs. Martin sa'ming apat.
"Ma'am, si Charlene may gawa na po." Gia. Agad ko siyang nilingon at pinanlakihan ng mata.
Mrs. Martin looked at me and smiled, "Mind if I read your work, Charlene?"
Napalunok ako sa kaba, "N-Nasa kay Gia pa po ang gawa ko e. At saka, hindi pa po maayos 'yong story." Sagot ko dito.
"It's okay. I'll put some notes sa story mo, kung saan parte ang dapat mong ayusin at dagdagan." Ani Mrs. Martin.
It took me long enough to hand her my notebook. Si Gia kasi eh.
Kinuha naman ito ni Mrs. Martin at nilagay sa bag niya. And she assured me na wala siyang ilalagay na harsh comments.
And I sighed in relief.
BINABASA MO ANG
Life Of A Fangirl || Fangirl Series #1 (on hold)
Teen FictionExplore Charlene's life as a fangirl.