'Hello everyone! We are currently making our new song and the MV will be released soon. Thank you for supporting us!'
'Yan ang bago nilang update. Excited akong marinig ang bago nilang kanta at panoorin ang MV nito.
Agad akong nag-message sa grupo, 'Yay! Keep it up! We'll be cheering and supporting you forever!'. Ganyan lang ang lagi kong ginagawa kapag may update sila.
Sobra akong mag-fangirl. Tipong mag-me-message ako. I also do fanarts sa kanila and sine-send ko 'yon.
"Sana naman mapansin na nila ako. It's only my wish." bulong ko sa sarili ko. I've been doing it for at least a year.
"Girl, anong binu-bulong mo diyan?" tanong ni Gia, kaibigan ko.
"Ah. Alam mo na, may bagong update 'yong Craeddoz." sagot ko.
Tumatango-tango si Gia, alam na kasi nito na nag-fa-fangirl ako dito. Siya lang kasi ang ginugulo ko at nasanay na siya.
"Siya nga pala, why won't you stan them?" tanong ko, kasi kahit ngayon hindi pa rin niya ini-stan 'yong grupo.
She shrugged, "Hindi kasi ako mahilig mag-stan nang grupo. Pero I like their songs naman." sagot nito.
Nauunawan ko naman siya kasi galing din ako sa ganyan dati. Tamang pakikinig lang nang music sa isang grupo or artist and I don't stan. Ngayon lang ako nag-stan.
"Well, I'm not going to force you to stan them." saad ko at nginitian siya. Baka isipin niya na disappointed ako.
The bell rang at pumasok na ang aming guro. Intimidating ang guro namin sa subject na 'to kaya lagi akong nai-i-stress.
I grabbed my notes pati ballpen para mag-take down. Mahirap pa naman intindihin ang subject niya, which is, Physics. More on formulas kasi, pareho lang sa Calculus. Bakit pa ba ako nag-aaral? Lagi kong tanong sa sarili kapag ito na ang klase.
Ang Physics namin ay dalawang oras. Let's say lahat ng Science ay dalawang oras ang klase. Ang Math naman ay tig-iisang oras lang.
"Sis, okay ka pa ba diyan?" tanong ni Gia.
Tumango lang ako at patuloy sa pagsusulat sa mga formula na binibigay at ine-explain ng teacher namin.
Hm, might as well sketch. Pag-iisip ko. Sa araw-araw kong stress sa subject na 'to, ngayon lang ako nakapag-desisyon na mag-sketch sa likod ng notebook ko.
Sinimulan ko ang pag-sketch pagkatapos kong kopyahin ang mga formula. I'm not really good at drawing traditionally. Nasanay kasi ako na digital. I decided to draw Jaze sa Craeddoz. My bias.
Hindi na ako nakinig sa remaining 30 minutes sa klase. Nag-focus ako sa pag-si-sketch.
Nakatingin lang si Gia sa'kin, na para bang naubusan na siya ng hope sa'kin sa pakikinig sa subject na 'to. Oh well.
I busied myself by sketching until the bell rings para sa next subject namin, Literature.
Agad kong niligpit ang notebook ko sa Physics at kinuha 'yong Literature notes ko.
"Gia," tawag ko. "I made a fanfic about sa Craeddoz. Using my knowledge sa Literature about making stories." dagdag ko.
Lumingon si Gia sa'kin na para bang hindi siya makapaniwala na nakagawa ako ng fanfic about sa grupo. Hindi kasi ako 'yong tao na gagawa ng story. Hindi ako masyado mahilig magsulat.
"Pabasa girl." sagot ni Gia.
I gave her a smile, "Sure. Dadalhin ko bukas. Lilinisin ko muna 'yon mamayang gabi kapag hindi busy."
"Akala mo naman may boyfriend ka para maging busy ka sa gabi." saad niya na ikinatawa ko. Baliw.
"H'wag mo naman ipamukha sa'kin 'yan. Hahahaha!" sagot ko dito.
Tumawa lang si Gia sa sagot ko.
Agad kaming natahimik nang pumasok na ang Literature teacher namin. Intimidating as always.
Strikta siya pagdating sa grammars kaya pinagbutihan namin lahat para hindi siya magalit sa amin kapag may mali kami.
"Okay, class." panimula ni Mrs. Martin. "For this day's activity, I want you to make a story about Romance." dagdag niya.
Some of my classmates are disappointed sa genre. Well, I get them. Hindi pa kami nakaranas na magkaroon ng kasintahan.
But that didn't stop me from writing. Nag-isip ako ng title at plot bago simulan ang pagsusulat. Mrs. Martinez are watching us one by one, dito niya nakikita kung may kaya ba kaming magsulat ng story. Once na may mahanap siya ng may makasulat ng story, papasulatin niya ito ng libro at ipu-publish niya sa isang Publishing warehouse.
I'm aiming for that. Gusto kong magsulat lalo na't fanfiction.
Para ma-notice ako ng Craeddoz.

BINABASA MO ANG
Life Of A Fangirl || Fangirl Series #1 (on hold)
Teen FictionExplore Charlene's life as a fangirl.