Chapter 9: George

13 0 0
                                    

Geo

Napatingin ako sa babaeng kumatok ng pinto at sumilip na tila humihingi ng permiso kung pwede nya ba akong maabala.

"Yes?"

"Aa. Sir Geo, nandito po kasi si ma'am Lia. Gusto daw po kayong makausap.." saad nya.

Umigting ang aking panga at di ko mapigilang maikuyom ang aking kamay ng malaman na nandito sya.

"Pakisabi na may appointments akong ginagawa. Ayokong maistorbo." Utos ko bago binalik ang tingin sa mga folders na nasa table ko. I heard my phone ring at nakita ko ang pangalan ni Lia, I canceled her call at huminga ng malalim.

Obviously, hindi kami okay at galit ako sa kanya. Its been 3 days when she confessed to me that she is pregnant.

And I'm the father.

Hindi ko maiwasang hindi mapamura, how can she be so sure na ako ang ama ng pinagbubuntis nya?!

Years ago, after that incident.. Lia and Luis broke up. Tandang tanda ko pang lumuhod ang binata sa harapan ni Lia, pleading for her forgiveness, promising that it won't happen again, and telling her to take him back.

Kitang kita ko sa mata ni Lia na gusto nya ulit maniwala, magtiwala at tanggapin ang gagong iyon. She loved Luis.

"Minsan ka na nyang sinaktan physically.. Malamang uulit ulitin nya iyon." I stated when Lia asked me kung anong gagawin nya sa binata.

She should decide for that matter. Pero sa tingin ko'y bibigay muli ang dalaga at sa ideya palang na iyon ay naiinis na ako.

Kaya naman hindi ko napigilan pa. "Don't take him back. I won't save you again if he'll hurt you."

Hindi ko makita ang rason kung bakit gusto nya pa ang binata, siguro dahil mahal nya nga ito pero tang ina naman, papatayin sya ni Luis sa bugbog at sapak.

Hindi ko sya laging maililigtas. Kung sa inaakala nyang lagi akong nandyan para iligtas sya ay nagkakamali ito. Hindi ako laging makikialam.. "The moment you take him back, Lia.."

Umatras ang dalaga ng lumapit ako sa kanya. "You will regret it for the rest of your life." I said with conviction na tila itinaga ko sa bato iyon.

She will regret it. At kilala ko si Luis, hindi sya ganito sa mga dati nyang girlfriends.. Kay Lia lang. And its so dangerous.

Hindi na tinanggap ni Lia si Luis. At sa balitang iyon ay nakaramdam ako ng saya. I saw how she rejected Luis in his plead of taking him back.. I saw how she rejected his promises.

 Sa araw araw naming magkasama ni Lia at sa mga pagkakataon na iyon ay nakita ko kung anong nakita ni Luis sa kanya.

Hindi nagtagal ay nagkaroon ako ng nararamdaman sa dalaga. I don't know if its out of pity or more than that, basta ang alam ko Lia hold a special place in my mind and heart. And I even wished to have her with me.

Lia is a sweet and caring person. But its not just what I've fallen for.

May mas malalim pa. Malalim pang rason.

"Do you really love her?" Bored ko lang na tinignan si Luis. Wala akong balak na sagutin ang tanong nya. We are in the gymnasium of our school. Graduation practice ngayon at hinihintay naming matawag ang kanya kanya naming pangalan.

"May hawig sila ni Kath diba Geo?" Masamang tingin na ang pinukol ko sa kanya. He smirked at me. "It looks like history repeat itself sa ating dalawa."

Alam ko ang punto nya. Pero mali sya. Hindi na muli pang mauulit ang nakaraan para sa aming dalawa. "Kaya di ko mapakawalan ee. Dahil nakikita ko sa kanya ang babaeng mahal na mahal mo na mahal ko."

Good Night, LucyWhere stories live. Discover now