CHAPTER 2: THE MYSTERY GUY

4 0 0
                                    

Chloe's pov

Mommy aalis na po ako” sigaw ko kay mommy dahil nasa labas na ako at papasok na ng kotse.

Ingat ka anak!” sigaw din ni mommy habang may pakaway pa sa bintana sa taas. Kinawayan ko nalang sya pabalik at tyaka tuluyan nang umalis ang aking sinasakyan.

Nakita kong kakadating lang ng sasakyan ni Daddy bago kami makalabas ng gate at nakita koding kasama nanaman nya yung mga lalaking trabahador nya daw. Mukang mga adik kaya hindi ako masyadong lumabas ng bahay.

Anyways, Papunta ako ngayon sa Café’. Actually late na ako dahil ang usapan naming oras ay 4 pm. Its almost 5 pm. Nakatulog kasi ako dahil napuyat ako kagabi kakanood ng kdrama.

Pagdating namin doon ay pinaalis ko na ang driver namin. “Kuya, wag nyo na po ako sunduin mamaya, mag tataxi nalang ako” sabi ko

Sige po ma’am. Ingat ka po.” Sabi nya at tumango nalang ako sa kanya.

Pagpasok ko ng Café’ ay hindi ako nahirapang Makita sila Carl at Jenny dahil may sarili kaming pwesto ditto. Which is sa dulo at wala masyadong tao.

Carly, Jenny” tawag ko sa kanila. Ngunit nakabusangot ang kanilang mga muka.

Sorry na, nakatulog kasi ako eh” pinangunahan ko na sila.

Okay lang. Dapat nga nagpahuli na din kami eh may ginagawa pa naman ako” sabi ni Jenny.

Haynako ako din” naiinis din na sabi ni Carl

Asan nga pala si Jessica? “ tanong ko

Yun nga teh, wala pa sya kanina pa.Haynako ewan ko ba dyan kay Jessica baka pinag titripan lang tayo” bulalas ni Carl.

Ano ka ba baka naman may inasikaso lang” sabi ko a tyaka kinuha ang cellphone at tinawagan si Jessica.

The number you have dia-“ pinatay  ko na agad bago pa ituloy ang sinasabi ng call center

Ilang beses ko pa syang tinawagan peri hindi talaga sya sumasagot.

‘’Haynako, um order nalang tayo” nawawalang pag asang sabi ni Jenny.

tama” Pag sasang ayon namin ni carl.
Dumating na ang order namin pero hindi parin dumadating si Jessica

Nang pumatak ang 7 pm ay nagpasya na kaming mag siuwian.

Mukhang walang balak sumipot yung kababata mo “ natatawang sabmbit ni Carl.

HAhA baka may ginawa lang. Sige na bye bye, ingat kayo!” paalam ko sa kanila ni Jenny.

Sa kaliwa ang punta ko at silang dalawa namn ay sa kanan. Magkalapit lang din ang kanilang mga Village kayat sabay silang umuuwi.

Nang tuluyan na silang makasakay ng taxi ay naglakd muna ako ng kaunti dahil wala masyadong sasakyan na dumadaan at nakakabagot mag hintay.

Napadaan ako sa isang kanto na may papasok. Naningkit ang aking mga mata ko dahil may naaaninagan akong isang lalaking naka jacket na black na papalapit sa aking direksyon mula doon sa madilim na daan. Hindi ko Makita ang kanyang muka pero base sa paglalakad nya ay muka syang galit.

Hindi ko alam kung bakit nakahinto lang ako at pinag mamasdan ang lalaking iyon. Maya maya lang ay nagulat ako dahil huminto sya ng ilang saglit, lalo akong nagulat ng bigla syang kumaripas ng takbo papunta sa akin.

Nanlaki ang aking mga mata at agad agad ding tumakbo papalayo. Mabuti nalang at saktong may dumating na taxi. Agad ko itong pinara habang tumatakbo at saka ako sumakay.

Napaka lakas ng tibok ng puso ko at hinahabol ko ang hininga ko nang pumasok ako sa taxi.

Manong paki bilisan nalang po, sa BrInix Village po ako” hinihingal kong sabi sa taxi driver.

Tumango naman sya at nagmaneho.
Tumingin ako sa likuran at sinilip kung humahabol parin ang lalaking naka jacket na black . Pero nakita ko syang nakatayo lang sa kanto sa tapat ng street lights habang nakaharap sa taxi na sinakyan ko.

Medyo kinilabutan ako. Nag buntong hininga na lamang ako at tyaka pumikit.

Nang makarating ako sa bahay ay nasalubong ko si Dad na may kausap mula sa kabilang linya. Agad nya itong binaba at binaling ang atensyon sa akin.Malamang yung mga tauhan nya yun. Napapasunod nya ang mga tao dito dahil mayor sya. And at the same time naman, tumutulong din sya.

Anak, andito ka na pala. Kamusta ang bonding nyo ng mga kaibigan mo at si Jessica?”

Tanong nya. Kilalang kilala ni daddy si Jessica dahil anak ito ng kanyang matalik na kaibigan noon. Subalit namatay na sya kaya itinurng na rin ni daddy na anak si Jessica at welcome na welcome sya ditto sa aming tahanan.

okay naman po ,dad. Akyat na po ako pagod na din po kasi ako eh” paalam ko na lamang.

Nginitian nya ako at ako naman ay tuloy tuloy na umakyat sa aking kwarto, at dahil nga siguro sa pagod, ilang minuto lamang ay nakatulog na ako.

THE MYSTERY GUYWhere stories live. Discover now