Minsan kahit anong pagmamahal ang ibigay natin sa isang tao, wala pa ring kasiguraduhan na masusuklian nila ito.
Pero handa ka pa rin bang maghintay sa pagmamahal niya kahit wala namang kasiguraduhan?
September 23, 2014.
Hi 7686!Naaalala mo pa ba tong araw na to? Ito yung unang araw na nalaman mong may gusto ako sayo..
"sir, crush po si Jasmine si Pat!
and when I saw your face that time, naka ngiti ka lang. Ngiti na hanggang ngayon patuloy kong minamahal..
Everything has changed.
We became awkward. Yung dating nagpapansinan, nagbabatian, nagaasaran, nawala na lang bigla..
Tipong back to zero.
Yung parang hindi na tayo magkakilala..
November 6, 2014
Hi 7686Naalala mo pa ba tong araw na to? Ito yung araw na sinimulan mo akong paasahin.
Pumunta ka sa harapan ko at nilahad ang kamay mo..
"maaari ba kitang isayaw?"
sobrang daming tanong sa isip ko noon.
Bakit ako? Bakit mo ginawa yun? Pinaglalaruan mo lang ba ako o gusto mo lang ba talaga akong umasa?
Ramdam na ramdam mo siguro yung kabang dumadaloy sa buong katawan ko noong mga oras na yun habang hawak mo ang kamay ko..
Sino ba namang hindi kakabahan? Eh kasayaw ko yung taong patuloy kong minamahal kahit nasasaktan na ako..
Siguro hanggang dito na lang talaga
Yung may gagawin kang isang bagay na magiiwan ng tanong sa isip ko at ako naman, patuloy na maghahanap ng kasagutan.
gusto ko ng matapos to..
November 21, 2014.
Hi 7686!Naalala mo pa ba to? Ito yung araw na nagconfess ako ng nararamdaman ko para sayo..
Hindi ko alam kung paano uumpisahan
Hindi ko alam kung paano sasabihin
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon mo
Hindi ko alam kung tatawanan mo lang ba ako
Hindi ko alam kung ire-reject mo lang ako..
But again, nag iwan ka na naman ng mga salitang naging dahilan para maguluhan ako.
"Paasa na kung paasa sa paningin mo. Basta kung makikilala talaga kita, magugustuhan kita .. It could be more than that .."
Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko alam kung paano ko tatanggalin to, kung paano ako iiwas sayo, kung paano mawawala ang nararamdaman ko para sayo..
Pagod na kasi ako eh...
November 26, 2014.
Hi 7686!Naalala mo ba tong araw na to? Ito yung araw ng fieldtrip natin.
I didn't expect na makakatabi kita kasi I was looking forward na malayo ang upuan mo sa akin.
Pero mali pala lahat ng inakala ko.. Tumabi ka sa akin nang walang alinlangan.
