CHAPTER 6
NAKAUPO si Evilleise sa sofa na nasa loob ng opisina ni Pedro habang naglalaro ng games sa cellphone niya.Bored na bored na siya,pagkatapos kasi niyang inspeksyunin ang opisina nito kung may kahina-hinala ba ay naging busy na si Pedro sa mga papeles na nakatambak sa lamesa nito.
Hindi na siya nakatiis at tuluyan ng humiga sa sofa.Tiningnan niya ang oras sa cellphone niya at nakita niyang malapit na palang magtanghali.Napatingin siya kay Pedro na hanngang ngayon ay busy pa rin sa kung anumang mga binabasa at pinipermahan nito.Wala ba itong balak kumain?
Bumangon siya at tumayo.Bibili siya ng pagkain sa labas.Tinungo niya ang pintuan ng opisina nito.
"Where are you going?"
Napalingon siya kay Pedro at kita niya ang naka kunot nitong noo.May hawak itong papeles habang nakatingin sa kanya.
"Bibili lang ng pagkain"
"Gutom ka na ba?Magpapa deliver na lang ako",binitawan nito ang papeles na hawak at inabot ang telepono.
"No need.Ako na,wala naman akong ginagawa dito"
"You sure?"
"Yes"
"Okay,basta bilisan mo lang",paalala nito at binalik ang telepono.
Tuluyan na siyang lumabas ng opisina nito.At katulad kanina ay halos nakasunod ang mga mata ng mga empleyado sa kanya ni Pedro.Sarap dukutin ng mga mata,eh!Kahit nakaka ilang ay taas noo siyang naglakad with her poker face.
"Totoo 'yong narinig ko!Asawa siya ni Sir!"
"My,oh my!Really!"
Nakahinga siya ng maluwag nang tuluyang makalabas sa kompanya ni Pedro,the whispering were gone.Para siyang nakawala sa hawla.
ABALA si Zyd dahil sa napakaraming trabaho na nakatambak sa mesa niya kaya hindi niya masyadong napag tuunan ng pansin si BB.Gustuhin man niyang makipagkulitan dito ay hindi niya magawa,tatapusin niya muna ang lahat ng nasa mesa niya para wala ng makakapigil sa kanya na kulitin ng kulitin at inisin si BB.
Napa angat siya ng tingin dahil bumukas ang pintuan ng opisina niya.Ngingiti na sana niya sa pag aakalang si BB na 'yon dahil lumabas ito para bumili ng pagkain.
Nag-iba ang timpla ng mukha niya nang makitang ibang tao pala 'yon.Mas lalong sumama ang mukha niya nang mapag sino iyon.Sh*t!Ang babaeng 'to na naman!Kailan ba siya nito titigilan?
"Zyd,darling!",bati sa kanya ni Ishia.
"What are you doing here,Ishia?"
"I missed you"
"Get out",taboy niya dito.
"No!I missed you so much,darling!Didn't you miss me?"
Ilang beses na ba niyang pinagtatabuyan ang babaeng 'to?Ishia is beautiful,elegant and sophisticated,ito 'yong mga tipo niyang babae pero wala siyang gusto dito.Masyado itong maarte at napakasama pa ng ugali.Nagsisisi siya kung bakit pinagbigyan niya ang mga kaibigan na i-date ito,simula noon ay hindi na ito pumapalya sa pagpunta sa kanya sa opisina niya.Ishia assumed na girlfriend niya ito which is not.Kahit ilang beses niyang pagsabihan ito ay hindi ito nakikinig.
Lumapit ito sa kanya at hahalikan sana siya.Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na napa-atras.
"Ehem!"
Sabay silang napalingon ni Ishia sa tumikhim.Namutla siya sa nakita.
Paktay!Si Commander!
MABILIS na napatayo ang sekretarya ni Pedro nang makita siya.Hindi ito mapakali.
BINABASA MO ANG
His Despicable Wife
ActionEvilleise was having her time as a police officer when someone came into their house and introduced himself as her groom.It was all their parents plan. She was all ready to decline the marriage but then she got a new mission.And that mission is her...