CHAPTER 23

8 1 0
                                    

CHAPTER 23


BORED NA BORED na siya sa kwarto niya.Napapagod na rin ang likod niya sa kakahiga.Si Pedro kasi masyadong istrikto,ayaw siyang palabasin ng kwarto dahil baka raw lumala ang sugat niya.Parang baliw lang ito,eh!

Inis na hinablot niya ang kumot na nakatabing sa katawan niya.Hindi na niya kaya!Nakakainis ang walang ginagawa.Bumangon siya at kinuha ang pantali na nasa side table at itinali ang buhok.Tinungo niya ang pintuan ng kwarto at binuksan para lumabas.

Mabilis ang bawat baba niya ng hagdan dahil wala si Pedro sa paligid kaya walang sasaway sa kanya.

"What are you doing?"

Natigil siya sa paghakbang at napatingin sa pinanggalingan ng boses.Kitang-kita niya ang naka kunot na noo ni Pedro halatang hindi nito nagustuhan ang nakita nito.Mukhang galing ito sa kusina dahil may dala pang tray ng pagkain.

"Bumababa ng hagdan",bale walang sabi niya dito at nagpatuloy sa pagbaba.

Mabilis nitong ipinatong ang dalang tray na may lamang pagkain sa center table na nasa sala at pumunta sa kanya paakyat ng hagdan.

"Ang tigas talaga ng ulo mo.Di ba sabi ko sa kwarto ka lang?Paano kung sumakit yang sugat mo?",sermon nito sa kanya.

"I'm bored.At ayaw kong makulong sa kwarto,nakakapagod"

"Hay,naku!Sana tinawag mo na lang ako,marunong naman akong magsayaw sigurado mai-entertain ka"

"Tss!Baka para kang tuod sumayaw kaya wag na lang",at nagpatuloy sa pagbaba sa hagdan.

"O,dahan-dahan baka malaglag ka",hinawakan nito ang braso niya at inalalayan siya pababa ng hagdan.

SINADYA NI ZYD na magtagal sa kusina dahil ayaw niyang maistorbo si BB at ang kaibigan nito.Naupo siya sa upuan at nangalumbaba sa mesa.

"Anyare sa'yo?"

Napaayos siya ng upo at napalingon sa nagsalita.

"'Tapos na ba kayong mag-usap ng bisita mo?",tanong niya dito.

Habang kumakain kasi ito kanina ay dumating si Lordjelyn para bisitahin ito kaya hinayaan niya muna ang dalawa.

Lumapit ito sa ref at kumuha ng malamig na tubig pagkatapos ay uminom.

"Oo.Kinumusta lang naman niya ako",ibinalik nito ang kinuha sa ref.

Nakatitig lang siya dito.Wala na kasi siyang ibang masabi kaya titigan na lang niya ang magandang mukha nito.Tumingin ito sa kanya kaya mabilis siyang napa-iwas ng tingin.

Tumikhim siya at tumayo sa kinauupuan."Mag..magpahinga ka na medyo malalim na rin ang gabi"

Bahagyang kumunot ang noo nito pero hindi na nagsalita at tinanguan lang siya bago lumabas ng kusina.

Napabuntong hininga siya at napahawak  sa dibdib ng tuluyan itong maka alis.As much as he loves to be with her he can't dahil parang aatakehin siya sa puso kapag malapit ito at baka hindi niya mapigilan ang sariling sabihin dito ang nararamdaman niya..This is all her fault kung hindi dahil dito he wouldn't feel this way dapat managot ito sa ginagawa nito sa kanya.Ginugulo nito ang utak niya pati na rin ang puso niya.

Ilang saglit pa siyang nanatili sa kusina bago umakyat sa kwarto niya.Pabiling-biling siya sa kinahihigaan niya.Hindi siya makatulog dahil maya't mayang sumusulpot sa utak niya ang mukha ni BB.Napa buntong hininga siya at inis na bumangon sa kama.Kailangan  niya yatang uminom ng gatas..

EVILLEISE COULDN'T sleep.Maya-mayang pumapasok si Pedro sa isip niya.Hindi naman siya masyadong makagalaw dahil medyo sumasakit pa rin 'yong tagiliran niya.

His Despicable WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon