Hindi sa lahat ng pagkakataon nasa tabi mo sila. Isa sa mga napatunayan ko pa, 'Once your husband is a cheater he will always be a cheater.' - Shaye Wisteria Mercedes-Loyala
Another life with my own path without a man and a son in my side. - Shaye W...
Isang araw ako na hindi pumasok para maiwasan ko si Kenjie sa trabaho. Nag bonding lang kami ni Asa sa mga pansyalan sa Osaka na sikat sa mga turista. Sa sobrang tagal ko na nga dito sa Osaka,Japan ay ngayon lang naman ako nakaka pasyal na may kasama.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naka ngiti lang ako boung araw na kasama ko si Asa sa aming pag papasyal hindi alintana ang ginawa sa akin ni Kenjie sa motel.
"Buti naman pumasok ka na ang dami na ding gagawin sa mga 'yan."
Itinuro ni Rona ang mga papers sa desk ko na sobra ngang dami. Medyo malawak ang office ko kaya naman hindi ako nasisikipan.
"Oo naman ano. Pang isahang araw lang ang sakit ko."
Palusot ko sa secretary ko na alam ko na hindi na naniniwala sa sinasabi ko.
"Bumisita ang boyfriend mo ma'am kaya wala ka ng isang araw. Nakita kita sa isang mamahaling restaurant kahapon panay pa ang ngiti at tawa mo sa kaharap nong poging lalaki."
Mahaba niyang sabi sa akin. Nag pasya na ako pumunta muna sa ladies room para nag bawas ng magkasalubong kami ni Kenjie sa exit ng mga restrooms.
Ako na mismo ang lumampas sa kaniya at pumunta na sa cubicle ng mga babae. Bumalik sa isipan ko ang pangyayari na ginawa ni Kenjie sa akin.
Sana kung magtatapat naman siya ng kaniyang totoong nararamdaman ay sinabi nalang niya ito sa akin ng personal at mahinahon hindi sa paraang ginawa niya sa motel. Maiintindihan ko naman e kung sasabihin niya ng maayos sa akin. At maliwanag na maliwanag pa na may boyfriend ako siguro alam naman na niya 'yon nakita na niya mismo ang lalaking mahal ko ano pa ang gusto niya? Hindi ko siya maintindihan.
Matapos akong mag punta sa cubicle ay nakita ko nanaman ang pag mumukha ni Kenjie sa kaniyang table. Iniwas ko nalang ang tingin ko at dumiretso na sa office ko. Pagkapasok na pagkapasok ko palang ay sinalubong na ako ng head ng support team na hindi ata napapagod tumayo kanina ko pa din siya nakikitang nakatayo sa loob ng office ko.
"Watashi ga jinin shi, anata ga sapōtochīmu no sekininsha ni shōkaku shitanode, watashi wa koko ni imasu."( I'm here because I'm resigning and you are promoted to be the head of support team.)
Chill niya lang na sabi sa akin habang ako hindi pa din makapaniwala sa sinabi ng head ng support team sa akin and personally pa talaga niyang sinabi sa akin pwede namang pasabi nalang niya sa secretary ko o kaya ang may matataas na posisyon. Bakit siya pa mismo para ipa mukha sa akin na deserving ako o nang aasar lang siya. Ah hindi ko din alam. Tatanggapin ko nalang kaysa sa mawalan ako ng trabaho.
Umalis na pala yung babae na kausap lang ako kanina hindi man lang niya ako binigyan ng time para mag bow.
Lumipas ang ilang araw na madaming trabaho sa Support Team na masakit sa ulo at mabuti nalang may na kwekwentuhan ako at CEO pa mismo ang nakwekwentuhan ko sa kagandahang palad ay napapayuhan niya ako sa kung ano ang dapat gawin sa mga bagay bagay.