Chapter 10

0 0 0
                                    

      Di siya nagdalawang isip na pumasok sa kwarto nito since di naman naka lock  ang pinto nito.

   Nakita niya ito sa ibaba ng kama nito habang yakap yakap ang sarili.

   Gilbert???

  Binigyan ng malungkot na tingin ng binata ang dalaga..
   Nilapitan niya ito para icomfort.. Hinaplos haplos nito ang likod ng dalaga.

    Nagkita kaming dalawa kanina, He wanted to explain and he also said that he loved me still,  pero sabi ko, na-natuto na ako s-sa kagagohan niya.. Ang hi-hirap palang ipakitang na-naggtatapang tapangan ka sa harap ng taong minahal mo...
  umiiyak nitong sabi saka

    Napasandal  sa balikat niya.

   Di mo rin alam kung gaano ako nahihirapan sa sitwasyon ngayon grace... Nakatulog ang dalaga sa balikat nito. Binuhat niya ito ng marahan para ihiga sa kama.

   Mas mabuti nang magtapang tapangan grace kaysa naman sa masaktan ka ulit.. Hinawi ng binata ang buhok ng dalaga nang marahan.... Payapang payapa ito tila bang walang problemang pinagdadaanan.

Gilbert...

   Napabuntong hininga ang binata sa bigla nalang nito pagsasalita habang tulog.

  Bakit ako pa grace? Bakit kailangan kong gawin ang mga bagay na to sayo ngayon??? There's a lot of questions coming in to his head right now, but he really don't know or any idea  what are the exact answers for all of those.

   Nag-iwan ulit siya ng note sa table bago siya lumabas ng kwarto nito. Pinuntahan niya naman ang kuya niya.

Bakit mo siya hinayaang lapitan ng gagong Jasper na yun, alam mo na naman ang sitwasyon niya diba? Nag-aalala na galit nitong tanong sa kapatid.

  Nakaupo ito habang may wine na iniinom.

    Ano ba ang dapat kung gawin makisama ako sa usapan nilang personal,  Ewan ko ba kung bakit hinayaan ko siyang maging parte ng buhay ni grace. At bakit ba apektadong apektado ka? Tanong naman ng kapatid niya.

   What are you saying right now?

Tiningnan siya ng kuya niya. Habang siya nakatayo lang.

   Oo nga pala, wala ka pa dito ng mga panahong yun, your still in states.

    Pero wag mo nang isipin yun, matulog kana lang, Alam kung pagod ka galing sa trabaho. Sabi pa nito saka uminom ng wine.

     Ipapahinga ko muna Ngayon ang sarili ko, pero mukhang may kailangan akong malaman ang pinagsasabi mo at kung anong meron sainyo ni Jasper.
    Sabi naman ng binata saka naglakad paalis.

  Nga pala may interest kaba Kay grace? Mukhang magaan ang loob niya sayo. Kailan pa kayo nagkakilanlan?

   Napalingon siya at binigyan ng seryosong tinggin ang kapatid niya. Pero pagkatapos nun umalis na siya without saying any word.

   Dumiretso na lang siya sa kwarto niya at nagtake ng shower. Pagkatapos ay natulog narin siya.
Heto nagbebreakfast
silang dalawa ng boss niya at panay ang paglibot ng paningin niya kung bakit hindi nila kasabay si Gilbert.
   Ito na ang ikatlong araw nila ng pagstay sa Bohol.

Hinihintay mo na ang kapatid ko grace. Tanong bigla ni dave

Ahh, nagtataka lang ako kung bakit di natin siya kasabay kumain.. Ani ni grace.

   Hindi yun nagbebreakfast ng may kasabay gusto niya mag-isa lang siya.
Kailan ba kayo nagkakilala? Dagdag pa nito sabay subo ng stake sa bibig niya.

   Kapit bahay ko siya sa condo na tinutuluyan ko.

  Ahh talaga, interesting..napatango tango lang ito.

   Siguro napansin mo naman na kakaiba siya. May ngiti nitong sabi.

  Ibubuka nya sana  ang bibig niya para magtanong kaso biglang nagring ang phone nito.

    Dahilan para magexcuse ito.
Tinapos niya nalang ang pagkain niya. Saglit pa ay lumapit sa kanya si Dave.

   Ahh grace, magstay kana muna dito, may importante lang akong lakad ngayon pero labas sa trabaho ito kaya di muna kita isasama ngayon.

  Ok sir. Patango tanga pa siya. Pagkatapos ay nilibot niya ang buong hotel habang nasa likod niya lang si Gilbert.

  Na nangako sa kanya na sasamahan siya ngayong araw.

  Pwede mo naman ako tabihan ahh bakit andyan ka sa likuran ako.

  [Wag ako ang alalahanin mo enjoy yourself today..]

Napangiti siya at napatingin sa binata.

Napadpad sila sa isang game room kung saan maraming pwedeng laruin.

   Ano game ka makipaglaro saakin? May ngiting tanong nito

    [Wala akong sinabing makikipaglaro ako sayo miss talkative.]

   Tiningnan niya ito ng masama. Itinago niya ang cellphone niya at bigla niya na lang hinatak ang binata.

   Hmm ang Kj, Wag kang Kj, ngayon lang tayo nagsama ng ganito. Hindi kita bodyguard noh...mag enjoy muna tayong dalawa kahit ngayon lang ok?
     Let's play billiard tapos bowling ang sunod. Tapos punta tayo ng mini bar nila.

Wala namang nagawa
ang binata kundi
sabayan ang dalaga..

Fastforward.

    Wow ngayon lang ata ako sumaya ng ganito, parang nakalimutan ko ang lahat..

    Thank YOU gi------ natigilan ito nang makita itong nakatulog na,

  Wow look at you mr. Suplado mukha kang anghel ngayon. Napabuntong hininga ang dalaga.

  Siguro nga Anghel ka.. Who's helping me to heal the wounds inside me. And Im very thankful for your notes and also that i have met you kahit malaki akong abala sayo, may ngiting sabi nito habang nakatanaw sa malayo... Bigla namang imihip ang preskong hangin na nagpagulo sa buhok ng binata.
Hinawi niya naman ito para ayusin.

  Pasensiya na kung pinagod kita ngayon.. Nakangiti pa nitong sabi...Andami ko nang utang sayo, wag kang mag-alala bilang kabayaran magmula bukas, i will be brave, i will be confident, i will never be affected
kung sakali mang
magkikita ulit kami, at hinding hindi ko narin siya pag-aaksayahan ng luha pa.

  Para bumalik kana sa dati mong buhay na walang umaabalang tulad ko gilbert...

   Alas dose na nang dumating si dave.. Kaya pagkatapos nilang dalawang kumain, balik trabaho naman sila at may pinuntahan ulit.  Iniwan niyang tulog pa si gilbert pero tenext niya ito nang makaalis sila.

Special LoveWhere stories live. Discover now