His True Identity
Sign Language ba yung nakita ko?
You cant speak? Pipi ka
GilBERt?Agad itong napatype sa phone niya. Ilang sandali lang nareceive ni grace ang text nito.
[Ngayong alam mo na, so anong gusto mong sabihin? Nadissapoint ka ba? Tsk panigurado mawawalan ka rin ng interest sa katulad ko.]
Nasa bahay na siya, naalala niya lang yung nangyari sa kanila ni Gilbert kanina.
Oo nashock siya, pero di na ngayon. Di siya mapakali,
iniisip niya si gilbert,
baka kasi iniisip nito
na baka kamuhian
niya ito dahil may kapansanan siya.
Eh Wala naman siyang pakiaalam doon eh.
Kung ano pa man siya
ay tanggap niya iyon. Kasi mabuti siyang tao.Kausap niya ngayon si Sam. Through Video Call, in sign language.
Wag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano dyan Gilbert. Di mo kailangan ma depress,
kilala ko si Grace hindi siya ganong tao.Panu mo nasasabi? Eh
kailan mo lang siya
nakilala.Ano kaba gilbert, hindi
na sayo ibang tao si grace. Tanggap ka non,
nafefeel ko yun, ganon lang siguro ang naging
reaksiyon niya kasi nabigla
siya, At the same
time special case ka. Natatakot kaba? Hindi siya gaya ni Monique, Gilbert.Bakit ba ako nagkakaganito? Sabi niya sa isipan niya, Napayuko siya ng ulo, habang nakatapat sa laptop niya.
This kind of feeling kills me once at ayokong maulit pa yun..
Ok lang yan gilbert alam mo itulog mo muna ya----
Di natapos ni sam ang sasabihin niya ng makarinig silang dalawa ng katok.
Knocked..
Napatingin kaagad ang binata sa direksiyong yun.
Baka siya yan.. Sabi naman ni Sam.
Gilbert?? Alam ko naupset kita kanina, Im sorry. Bakit kasi di ko agad nalaman. Pasensiya na.
Oh, ayan na siya, Baka naman gusto niyang makausap ka. Cge magooffline na ako moment niyo yan.
Bumuntong hininga ang binata, habang nagpaalam na si Sam.Cge, gilbert Goodnight nalang.. Tatalikod na sana siya nang pagbuksan siya ng pinto ng binata.
Nagpakita ito ng papel na may nakasulat na "BAKIT?" malungkot ang mga
mata nito, pagkatapos
bigla nalang siyang
napayakap sa binata nang mapalingon siya dito. Yun lang kasi ang alam niya para icomfort ito. Medyo nagulat nga si gilbert sa ginawa nito, pero bumitaw din kaagad si grace.Ahhh sorry, gusto ko lang makipagusap, kung okay lang sayo?? Nagsulat ulit siya at ipinakita kay grace iyon.
Lets have a walk?
Tumango naman ang dalaga nang may ngiti.
Hindi kasi ako mapakali, iniisip kasi kita. At feeling
ko kasi di ako papatulugin nang naging reaksiyon ko
sayo kanina sobra akong natahimik iniisip ko kasi na...
ako tong sobrang daldal sayo, tapos ikaw siguro tong maraming gustong
sabihin, pero di ganon kadali, alam mo yun??? kung
nalaman ko lang kasi
nang mas maaga di kita pinahirapang magsulat ng magsulat saakin at isturbohin ka, tapos nung mga panahong katawagan kita na kailangan mo pang patapusin ako bago ka makapagreply, siguro nahirapan ka saakin. Kaya sorry tapos andami ko pang pagkakautang sayo.Napabuntong ang binata, bali nasa isang park sila, napatigil muna sila malapit sa isang poste ng street light at pagkatapos nagsisimula na siyang magsulat..habang nakatingin lang ang dalaga sa kanya at sa ginagawa nito. Maya maya pa ay ipinakita na nito ang sinulat niya siya papel.
I dont know what to say, you talked a lot. Stop worrying about my situation, its not your fault that i was born like this, and one more thing, i enjoyed doing the notes stuff. Wag mo ring isiping isturbo ka saakin kasi ganon rin ako sayo nung una di ka makatulog ng ingay ko, patas lang tayo ngayon, sadyang mas marami akong nagawa sayo.
Napangiti ng tipid ang dalaga.
Oo nga eh, di ko nga alam kong nakatulong yung unang note na ibinigay ko sayo, tapos yun pala dapat saakin yun.. Kaya salamat..
I appreciate little things, I read that one. I never thought someone would create something like that to a stranger like me.
Kinuha naman ng dalaga ang phone niya para magreply sa sinulat ng binata.
[Baka pagod kana magsulat, dapat kanina pa ako gumamit ng phone para sabayan ka]
Bigla namang nagsign language ang binata.Huh ano yun?
Napangisi ito sa kanya at agad na nagsulat sa papel.
Ok lang, umuwi na tayo, baka nilalamig kana.
Hmmm. Akin na nga yang papel mo.. Sabi nang dalaga saka nagsulat, tiningnan na lang siya ng binata. Saglit lang ipinakita niya na ang sinulat niya.
May alam akong pwede pampatanggal ng lamig, Tara!!!
Pangiti ngiti pa ang dalaga, pagkatapos niyang pabasahin yun bigla na lang hiwakan ng dalaga ang wrist ni gilbertHay naku, bakit ba pabigla bigla nalang and babaeng to, sabi naman ng binata sa isip niya, wala rin naman siyang nagawa kasi pinaghahatak siya nito at dinala sa isang lugawan.
Pagkaupo nila nagpakita agad ng sulat si Grace.Masarap ang lugaw dito,
Nakangiti lang ito, maya maya pa dumating na ang special lugaw na inorder ni grace sa table nila.Mukha namang natakam ang binata, inabot na nito ang kutsara at susubo na
sana nang tapikin ito ng dalaga.Teka lang, magselfie
muna tayo..Halos di makapaniwala ang binata dito. Seryoso siyang humarap sa camera ng dalaga.
Ngumiti ka naman. Sabi pa nang dalaga nang mapansin ang itsura niya.
Alas nuebe na sila nakararing ng tinutuluyan nilang hotel. Nasa elevator na silang dalawa.Stop smiling, di na nakakatuwa, sulat ng binata sa dalaga na kanina pa ngisi ng ngisi.
Nagsulat naman ito
ng responce,Ano kaba, masaya lang ako na nakatatlo kang order nung lugaw noh, natatawa pa nitong ipinakita yung sulat.
Bigla namang nagsign
language ang binata dahil sa pang aasar ng dalaga. Tapos sakto namang bumukas na ang elevator, agad itong lumabas.Hoy! Ano yun? Galit kaba Gilbert?? Naghahabol na sabi ng dalaga. Pero di siya pinakinggan nito.
Gilbert naman eh, sorry na,
inaasar lang kita. Hoy,
Pero di pa rin ito pinansin ng binata hanggang sa bubuksan niya na sana ang pinto niya nang maramdaman niyang hinawakan ni grace ang damit niya sa may likuran kaya napatigil ito.
Bumitaw naman ang dalaga nang mapansin na siya ng binata.Ahhh sorry, sorry ulit, sige good night, na enjoy ko ang gabing ito kasama ka, salamat... Gilbert. Cge papasok na rin ako.
Pareho silang tahimik na pumasok ng mga room nila. Habang nakahiga na si grace bigla siyang nakatanggap ng message galing kay gilbert.[I also enjoyed this night, thanks to you and good night:-)]
Napangiti naman ang dalaga sa smiley face nitong nilagay.
Patulog na si Gilbert, pero halata sa mga labi niya ang saya.
YOU ARE READING
Special Love
General FictionLove connects two heart even in a different kind of situation. True love comes in a special Way.