A Writer's Perspective

19 4 0
                                    

Nagbabasa ako ngayon ng libro sa wattpad ng manunulat na si Maxinejiji. Ang titulo ng kaniyang katha ay 'He's Inro Her' o kung tawagin ng iba ay 'HIH.'

Hinahangaan ko ang manunulat na nabanggit dahil sa napakalawak ng kaniyang isipan. Nagpapasalamat ako sa kaniya dahil ginawa niya ang isang karakter na nagbigay inspirasyon sa akin. Iyon ay si Maxpein.

Gusto ko si Maxpein hindi lang dahil may Deib Lhor at marangya ang kaniyang pamumuhay. Gusto ko si Maxpein dahil sa tatag ng loob niyang harapin ang anumang hamon sa buhay. Nababasa mo na matigas siya sa labas ngunit may ginintuang puso.

Napaisip ako, gusto kong may makabig na puso at may maka kuha ng aral sa akin tulad ng naging tugon ko matapos basin ang katha ng manunulat na si Maxinejiji. Gusto kong may magawa akong karakter na maging insperasyon din ng karamihan. Gusto kong maging bahagi ng buhay ng maraming tao.

Nais kong maging manunulat. Sa ganong paraan ay makakamit ko ang mga pangarap na nabangit. Lumikha ako ng isang pangalang katha at pumasok sa mundong peke. Isang mundong walang makakikilala sa iyong tunay na pangalan at ng tunay mong katauhan. Peke ngunit doon mo makikilala ang mga tunay na tao. Hindi ka huhusgahan, tutulungan ka kahit di mo kilala, at aaliwin ka kung lugmok ka kahit hindi nila alam ang dahilan.

Nagsimula akong sumulat. Baguhan kaya inaasahan kong wala pa akong makukuhang atensyon para bumasa ng aking gawa. Sumulat ako, naghintay na may bumasa, ngunit sa kasawiang palad ay wala pa.

Naghihintay sa 'notification' na may mababasang 'someone reacted on your post' o 'someone commented on your post.' Nagulat ako ng may makitang isa sa aking hinihintay. Hindi ko alam ang mararamdam. Nais kong magtatatalon sa tuwa kahit isa lamang iyon.

Maraming bumagabag sa aking isipan. Nagustuhan ba non ang aking katha? Nakabig ko ba siya? Naparamdam ko ba ang nais kong iparamdam sa kaniya? Nagkaroon ba kami ng koneksyon matapos niya itong mabasa?

Ginanahan akong sumulat ng mga sandaling iyon. Sinabi ko sa sarili ko na kahit pa kakaunti ang bumabasa, ay magpapatuloy ako. Walang makakatigil sa akin dahil gusto ko ang ginagawa ko.

Iisipin ko na dito naman talaga nagsisimula ang lahat ng manunulat. Konti pa lamang ang bumabasa pero alam ko kalaunan ay may magbibigay halaga din sa mga sulat ko.

Tatatagan ko ang aking loob dahil may mataas pa akong daan na tatahakin na alam kong hindi magiging madali. Magiging malakas ako para sa mga naghihintay sa aking mambabasa na hindi pa ako kilala.

Maghintay kayo, paparating na ako.

Salubungin niyo ako at tanggapin.

Mahal ko, mambabasa ko.







Darling, don't forget to VOTE. COMMENT. AND SHARE. LOVELOTS. MWUAH.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 A Writer's Perspective (Completed)Where stories live. Discover now