Kabanata 3

39 6 5
                                    

Kabanata 3 : Forgotten

"Mukhang masama ata ang araw mo ngayon, anak," sabi ni manong Berto habang kumakain kami ng hapunan.

Napansin niya sigurong nakabusangot parin ang mukha ko. Bakit ba kasi pumunta pa ang babaeng 'yon dito kanina? Nainis tuloy ako.

"Dito ba pumunta ang babaeng labas kaluluwa ang suot kanina?" Natawa ako bigla sa tanong ni Mang Berto.

Labas kaluluwa naman talaga ang suot ng Vida na 'yon kanina. Akalain mo, nagshorts pa siya kung halos lumabas na rin ang puwet niya. Gano'n din ang pantaas niya, may pa cleavages pa siyang nalalaman. Akala mo kung malaki ang hinaharap niya, e 'di naman. Ewan ko ba talaga kung may respeto pa siyang natira sa sarili niya.

"Opo, Mang Berto," sagot ko. "Nabigla nga po ako sa pagdating niya. 'Di ko naman 'yon kilala."

Nakita kong dumilim ang mukha niya habang nakatingin sa 'kin. Mukhang hindi ito makapaniwala na hindi ko kilala ang babaeng 'yon kanina.

"Sigurado ka ba, 'nak na hindi mo 'yon kilala?"

Bumuntong hininga ako bago sumagot, "Sige na nga. Opo, kilala ko 'yon. Nakilala ko sa party kahapon. Desperado siguro sa kaguwapuhan ko kaya pinuntahan ako."

Humalakhak naman kaming dalawa dahil do'n. Habang kumakain nagkwentuhan kaming dalawa. Binahagi niya naman ang kaniyang anak. Ngayon daw ay parehong pareho kami ng sitwasyon. Pero ang masakit lang ay naging sila ng girlfriend niya. Mas masakit 'yon. Kahit sabi ni Mang Berto six months lang ang tinagal nila, masakit parin 'yon. Mahal niya ang girlfriend niya, e. Kahit nga ako hindi naging kami ni Rogue pero masakit nang bumitaw siya sa kung ano ang meron kami.

Takte. Bakit ko ba naisip ang tungkol sa'min ni Rogue?! Hindi ko na dapat pang inaalala ang mga 'yon dahil malakas ang kutob kong hindi na kami magkakabalikan pang ulit.

"Gusto ko pong makilala ang anak niyo, Mang Berto. Sa darating sana na kaarawan ko ibig kong dalhin mo siya dito," nakangiting sabi ko.

"Hindi ka ba uuwi sa inyo?"

"Hindi ko po alam," pag-aalinlangan ko. "Baka hindi talaga. Alam niyo naman si Dad, business palagi ang inaatupag. 'Di ko nga alam kung natatandaan niya pa ang kaarawan ko."

Napaismid ako nang maalala ang nakaraan kong birthday party. Dad never showed up. Ni greetings sa text, tawag, o messenger, wala. Kahit regalo nga lang walang siyang nabigay. Tatlong araw pa bago siya bago naka-uwi. Hindi man lang siya nag-late greeting sa'kin. What a mess.

Sabi ko nga sa sarili ko mukhang ampon ako ni Dad. Si Mom naman nasa states. May ibang pamilya na. Gano'n din siya, hindi niya naaalala ang birthday ko. Sana nga naging hangin na lang ako. Tutal, wala namang nakakapansin sa 'kin.

"Pasensya ka na, Kev. Mukhang napaalala ko tuloy ang birthday mo last year." Nalungkot din ang mukha ni Mang Berto.

Saksi kasi siya sa mga pangyayari noong gabi na 'yon. Siya at ang mga kaibigan ko ang nando'n. Buti nalang kasama ko pa no'n si Rogue. Siya lang ang tanging bumuo ng pagkukulang ng mga magulang ko. Syempre, kasali na rin do'n ang mga taong uma-ttend sa party ko. Masakit mang balikan pero kung tutuusin, naging masaya naman ako. Pero noon nga lang 'yon. Noon lang.

"Ayos lang po 'yon," I assured, but the reality of what I feel still shows within my expression. "Sanay naman po ako e."

Kinain kami ng katahimikan. Tanging kubyertos lamang ang lumilikha ng tunog sa mga sandaling 'yon. Sigurado akong naiinis si Mang Berto sa sarili dahil mukhang nasobrahan na siya ng tanong tungkol sa 'kin. Alam ko kasing ayaw niya akong nakikitang malungkot. Gusto niya napapangiti niya ako. Napapansin niya daw kasi na palagi nalang ako nalulungkot. Minsan naman umiiyak. O 'di kaya'y lasing. Palagi nalang akong nasasaktan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon