"huy, manang, ikaw maghugas nito ha." sabi ni Lowr, sabay turo sa pinagkainan namin.linsyak! nakaka bilib ka rin. ang gandaganda ko ngayon, napanganga ko pa yang si Freya na babae mo sa ganda ko, pero nagawa mo pa rin akong utusan.
"opo, ser." inis kong sabi.
tumayo na ko para umpisahan ligpitin ang kinainan namin lahat.
"hon, doon tayo sa kwarto ko" sabi ni Lowr kay Freya'ng prosti.
choss lang! di talaga siya prosti. anak mayaman rin siya, pero tinatawag ko siyang prosti kasi sama siya ng sama sa lalaking may asawa na.
pero kawawa siya mukhang wala siyang alam na kabit siya.
hinawakan ni Lowr ang bewang niya at sabay silang umakyat sa kwaero niya.
'swerte mo ha, mukhang tabi pa kayo matutulog ngayong gabi' bulong-bulong ko.
pumunta na ko sa sink dala-dala ang mga hugasin.
...
hay grabe, pinunasan ko ang noo kong pinawisan, pagkatapos maghugas.
sayang yung damit ko basa na.
umakyat ako sa kwarto pero bago pumasok sa sariling kwarto narinig ko pa ang ingay ng dalawang naglalampungan na unggoy sa katabi kong kwarto.
"yieee! bunchy, wag diyan"
"tama na, bunchy."
h-ha? nagbanta ang mga luha kong tutulo.
pumasok na ko sa kwarto bago pa tumulo ang luha ko.
buset!
ako yung asawa tapos iba ang ka-honey moon niya.
umiyak na ko ng umiyak.
"kaasar!" sigaw ko.
sinugurado kong sarado ang pinto ng kwarto ko para di nila ko marinig.
kaasar ka, Lowr!
umiyak pa ko ng umiyak.
ng mapagod akong umiyak, naghilamos na ko sa banyo at nagpalot ng pantulog.
ZZzzzzzzzzz (sleep time)
...
days, days, later...
"huy babae, bumangon ka na"
nagising ako sa pagtawag sakin mula sa labas.
"bakit?"tanong ko.
kinusot ko ang mata ko.
"anong bakit? almusal na manang"
"anong sinasabi mo? sabi ko bakit mo ko tinatawag? gusto mo bang subuan kita ng almusal??" sarcasm kong tanong sa kanya.
napangiti ako.
buset ko. kapal ng mukha mo makipag-honey moon sa babae mo tapos sakin ayaw mo.
*bleh
dinilaan ko siya kahit di niya ko nakikita.
tinali ko ulit sa messy bun ang buhok ko, at pumunta sa cr para magmumog at maghilamos bago lumabas sa kwarto.
paglabas ko nakita kong nasa harap pa rin siya ng kwarto ko.
"oh, ba't andito ka pa? dun ka na sa babae mo" sabi ko sa kanya.
"wag mong tawaging basta babae lang si Freya ha, Girlfriend ko yun!" galit niyang sabi.
tumalikod na siya at naglakad.
YOU ARE READING
MY BOSSY HUSBAND
RomanceAzumi Sandoval-Monterroyo, is a secret daughter of a Single Multi-Billioner Businessman Eric Sandoval and a husband of a heartthrob businessman Lowr Monterroyo. Characters: Azumi Sandoval Monterroyo Lowr Monterroyo Eric Sandoval Kyle Del Real Freya...