"pare, araw-araw ka na rito ha?? wala ka na bang trabhao?" tanong ni Lowr kay Kyle.tama ka, kyle. mukhang wala ng trabaho yang kaibigan mo.
araw-araw ba naman nandito e.
"huh? anong sinasabi mo? HAHAHA. Ako yung tagapagmana ng company namin tapos mawawalan ako ng trabaho?" tumawa siya.
nag-iinuman sila dito sa sala.
kauumpisa pa lang nila kaya di pa sila lasing magsalita.
napatingin ako sa wall clock. 6pm na.
hayy...
naglakad ako papunta sa kusina para kumuha ng biscuit at juice.
doon ako kakain ng merienda sa kwarto ko.
baka mautusan pa ko nitong dalawa e.
pano ba naman kasi naniniwala itong kyle na to na yaya ako nito ni Lowr, kaya ayun inuutusan niya rin ako.
Buset! may maganda bang yaya??
umirap ako sa kawalan at naglakad na paakyat at papunta sa kwarto ko.
...
krringggggggg...
"hello, dad?" sagot ko sa tumawag.
"hello, anak, kamusta ka dyan? mabait ba sya sayo? sabihin mo sakin pag-hindi ah." sunod-sunod na sabi niya.
narinig ko ang mararahas niyang paghinga.
"dad, inom ka muna ng tubig. parang di ka ayos dyan dad, huh?" di ko muna pinansin ang tanong niya dahil nag-aalala ako sa kanya.
narinig ko na ang pag-inom niya ng tubig mula sa cellphone.
"okay lang ako dito, dad."sagot ko sa tanong niya kanina. "napapagod rin, pero diba ayun naman yung trabaho ng mga misis? ang asikasuhin ang asawa nila..."
'nakakapagod dad, kasi di niya ko tinatrato na asawa niya. kasi maid lang ang tingin niya sakin.' iyan yung mga salitang gusto ko sabihin sayo dad.
nakakapagod maging asawa niya...
napahagulgol ako.
"oh, ba't umiiyak ang prinsesa ko?" tanong ni daddy.
"nakakamiss ka lang po, dad." sagot ko.
"ako rin anak, namimiss ka rin ni daddy" sabi niya. "tahan na, nak. gusto mo ba bisitahin kita jan?" tanong niya.
"nako, dad. wag na po. alam kong busy ka po sa company natin. pasensya na po at hindi ko kayo matulungan sa company natin" paghingi ko ng paumanhin lay daddy.
ayaw ko pa kasi muna magtrabaho sa company.
gusto ko ayusin 'tong relasyon namin ni Lowr, umaasa kong mamahalin niya rin ako.
"sige dad, love you, mhuah!" sabi ko.
"love you too, nak" binaba niya na ang tawag.
napatingin ako sa orasan dahil tumutunog na ang sikmura ko.
di ko yata ito napansin dahil kanina pa ko nag-xbox dito.
tinignan ko muna ang mukha ko kung maayos ba.
naglagay ako ng pulbo bago bumaba doon sa kusina.
"azhumi, cheerds?"(azumi, cheers) yaya ni kyle sakin.
napatingin ako sa kanila, kasama na nila ang babae ni lowr ngayon si Freya.
nakita ko kung paano hinawakan ni Lowr ang bewang ni Freya.
YOU ARE READING
MY BOSSY HUSBAND
RomanceAzumi Sandoval-Monterroyo, is a secret daughter of a Single Multi-Billioner Businessman Eric Sandoval and a husband of a heartthrob businessman Lowr Monterroyo. Characters: Azumi Sandoval Monterroyo Lowr Monterroyo Eric Sandoval Kyle Del Real Freya...