Abby Wag ka na kasi bumalik sa Switzerland. Alam ko maganda dun pero wala naman kami dun. Baka mamiss mo kami ng sobra.
Cheantal Andun trabaho ko no. Saka alam niyo naman bakit ko to ginagawa.
Jamie Oo naman, Chie. Support ka namin kahit iiwan mo kami ulit after ng kasal ni Abby and Miles. 😞
Abby Basta wag kang tatakas sa araw ng kasal ko, ah? Ikaw maid of honor ko. Kakalbuhin talaga kita if di ka sisipot.
Cheantal Di naman ako ganun, Abby. Duh. 🙄 Besides, I'm okay already.
Jamie Sinabi mo yan, ah? May rehearsal dinner mamaya. Sipot ka rin ha? Mag-girls night out na rin tayo at mini-bridal shower for Abby. Yung tayong tatlo lang. Last bonding natin as single ladies tayong tatlo.
Abby Ay bet ko yan! Hahaha! Samantalahin na natin habang nandito si Chie. Labas ba tayo?
Cheantal Sa bahay na lang ni Jamie. Para walang panggulo sa paligid.
Jamie Okay! Call ako dyan. Ako na bahala sa pagkain saka drinks.
》》○《《
Love 💖
1:17 PM
Love, mag-girls night out kami after ng rehearsal later. Sa bahay lang ni Jamie. Okay lang ba?
Of course, Abby. Sunduin ba kita pagkatapos?
Hmm, baka tomorrow na ng umaga. Dito na ako magsleep para makapahinga ka rin.
Okay, sige. Enjoy your bonding later, ha? Text ka lang pag magpapasundo ka or may kailangan.
Yes, love! 💖 Thank you! Breakfast date kayo bukas. I love you!!!!
I love you too! Can't wait to marry you, baby. 8 days to go. 🤩
》》○《《
INSTAGRAM
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.