Special Chapter - Miles (Part One)

7.3K 160 55
                                    

"Miles, may dala ka bang materials para sa Filipino? Gagawa ng project mamaya, 'di ba?" tanong ni Vin habang nakapila kami sa canteen para bumili ng lunch.

Oo nga pala, buti na lang pinaalala ni Vin. Magka-grupo kasi kami nun. Apat kami sa group—ako, si Vin, si Cheantal, saka yung transferee na si Ann Berlin. Paggawa ng diorama yung project. Ako naka-assign sa ilang art materials.

"Daan tayong bookstore bago mag-time. Bili lang akong construction paper," sabi ko. "Hindi kasi ako nakabili kahapon. Nakalimutan ko."

"Sige, baka magalit si Cheantal kapag kulang gamit natin. Baka bugahan tayo ng apoy."

Natawa ako sa sinabi ni Vin. Hindi kasi malabong mangyari yung sinasabi niya. Masungit at suplada kasi yun si Cheantal, pero maganda. Matangkad, maputi, singkit, matalino kaso ang tipid ngumiti. Parang galit lagi sa mundo.

Siniko ko si Vin. "Stupid. Someone might hear you. Isumbong ka pa kay Cheantal."

"Bakit? Totoo naman, ah! Katakot kaya siya. Buti pa si Abby approachable."

Si Ann Berlin? Lagi din ako sinusungitan nun, eh. No wonder magkabarkada sila ni Cheantal. Si Jamie lang friendlt sa kanilang tatlo.

"Crush mo?" I asked Vin.

"Baliw, hindi. Sabi ko lang approachable, crush na agad?" depensa ni Vin sa sarili. May sumilay na nakakalokong ngiti sa labi niya. "Baka ikaw? Lagi mo inaasar. Papansin lang, Miles?"

Napaisip ako sa tanong ni Vin. Crush ko ba yun? Parang hindi rin naman. Natutuwa lang ako kapag inaasar ko siya. Ang bilis niya kasi mapikon tas mamumula yung pisngi niya.

Pero hmm... maganda rin naman si Ann Berlin. Mas matangkad siya kay Cheantal nang kaunti. Maputi rin kaya mabilis makita kapag namumula. Laging nakaipit yung mahaba niyang buhok o kaya nakasuot ng head band. Payat si Ann Berlin, pero ang lakas kumain. One time nakita namin sila sa canteen during lunch break, siya yata nakaubos ng isang box ng pizza. Cute.

"Di ko crush yun," tanggi ko.

Vin's question lingered at the back of my mind, though. Hanggang sa mag-Filipino, iniisip ko yun. Ang alam ko kasi sa sarili ko si Cheantal ang gusto ko. Like I'm really attracted to her. Simula yata Grade 5 kami, crush ko na si Cheantal. Pero nung tinanong sa'kin yun ni Vin, di na nga naalis sa isip ko si Abby.

"Abby, bakit lagi kang pokerface?" wala sa loob na tanong ko. Naiwan kaming dalawa dito sa table namin sa library. Kumuha kasi ng reference material sina Cheantal at Vin para sa project namin.

Busy siya mag-gupit ng mga design para sa diorama namin, samantalang ako, walang ginagawa. I just kept watching her while she's cutting stuff.

Abby rolled her eyes. "Pakialam mo ba?" asar na sagot niya. She didn't even look at me. Panay pa rin ang paggugupit.

"Nahihiya ka siguro no? Sungki ka kasi."

Binaba niya yung hawak niyang construction paper at gunting bago ako binalingan. The first thing I noticed was her reddening cheeks. As in parang kamatis na namumula. But what really caught my attention was her eyes.

Kulay brown pala mata niya? Chocolate brown. Ang ganda titigan. Hindi nakakasawa.

"Alam mo kung wala ka namang sasabihin mabuti, tumahimik ka na lang." I knew she was controlling her anger because we're inside the library. Kung wala siguro, baka hinampas na niya ako at para kaming aso't pusa na maghahabulan sa hallway.

Mas lalo kong pinakatitigan si Abby. "Cute ka naman, eh. Sungki nga lang talaga."

Namula lalo pisngi ni Abby. "Bwisit ka, alam mo yun?"

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon