Chapter 37: Dancing Butterflies

25 1 2
                                    

Shadow's POV

Parang habang tumatagal ay umiinit ang katawan ko. Pinagpapawisan ako! Baka mabaho na ako nito?!

Patuloy pa rin kami sa paglakad ni Thundrake, magkalapit kami at hawak niya ang baywang ko na dahilan kung bakit ako pinagpawisan. Kabadong-kabado ako.. Sumulyap ako sa kanyang mukha at blangko iyon.

Pakiramdam ko ay may mali akong ginawa.

"Ah, eh.. Akerad pwede bang.." Para akong napipi nang seryoso niya akong minasdan. Bakas ang iritasyon sa mukha niya. Galit nga yata.

"What?!" Tumaas nang kaunti ang tono ng boses niya.

"I-iyong kamay mo sana, baka pwedeng tanggal--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko at mabilis siyang kumurap pagkatapos ay bumitaw at lumayo nang bahagya sa akin.

Bakit ganun parang...mali ako.

"Wait here. I'll just get my car." Hindi niya na ako tiningnan pa. Tumakbo siya papalayo.

---
Hindi na kami nag-usap pa sa biyahe.

I sneaked glances at him pero diretsa lang ang titig niya sa daan. Gusto ko sana makipag-usap sa kanya, kaya lang hindi ko alam kung paano. Nakauwi na kami wala pa rin akong maisip na sasabihin. Nitong mga araw madalas kasi na siya ang gumawa ng mapag-uusapan namin kaya nasanay ako.

Pagdating namin sa bahay ay mabilis ang kilos niya. Agad siyang pumasok sa kwarto niya.

5pm na. Nagbihis ako at naisipan na magluto. Ipagluluto ko na lang siya, iyong ikakatuwa niya! Tama, magandang ideya iyan Shadow. Malay mo, pagkakain ay pansinin niya na ako.

Habang busy ako sa kusina ay nakita kong bumaba siya sa hagdan dala ang isang aklat. Pagkatapos ay prente siyang naupo at isinuot niya ang kanyang reading glasses. Wow, bagay sa kanya.

Ang binabasa niyang aklat ay Business Adventures. Madalas kapag busy siya ay nakikita kong nagbabasa siya ng iba pang libro at lahat ng iyon ay tungkol sa business.

Balita naman sa Campus na matalino raw si Thundrake Adrienne Tan, bonus pa raw na mayaman at gwapo siya. Ngayon ay asawa ko siya papel at sinabi niya na mahal niya ako.

Tumigil siya sa pagbabasa at napatingin sa akin. Nagulat ako at umiwas na lang ng tingin kunwari ay nagpupunas ako ng lababo.

Binalik ko ang tingin ko sa kanya. Nakita ko siyang humalukipkip at mabilis na namang pumunta sa kwarto niya. Anong nangyari sa kanya?

Tinuloy ko ang pagpupunas at ganon na lamang ang pagkagulat ko...

Shet.

Nakakahiya! Para kang tanga Shadow! Kailan ba naging pamunas ang patatas?

Nasapo ko ang aking noo. Sa inis, tinapon ko ang kawawang patatas. Nakakahiya! Nakita ako ni Akerad na parang baliw..

Napagdesisyunan ko na uminom muna nang malamig na tubig para mahimasmasan.

Nagpatugtog na lang ako at nakinig sa mga awit ng All time low. Kumalma ako at nagsimula na ulit magluto ng Caldereta.

---
Alas otso na nang matapos akong magluto. Tiningnan ko ang niluto ko.. Parang sumobra yata.. Oriental fried rice, Caldereta, Chopsuey at Lumpiang Shanghai. May leche flan pa. Parang ha da sa fiesta. Hehe.

Sana magustuhan niya.

Nagkasalubong kami sa hagdan.

Napakabango niya. Bagong ligo ulit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Shadow (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon