I'm in rape:1

3.1K 32 2
                                    

Masaya kaming namumuhay ng pamilya ko, maayos ako. Nakakapag aral ako ng maayos, isa akong masiyahin na bata pala tawa sa lahat kahit ito man ay simple. Masunuring bata yan ang tawag nila sa akin ng mga taong nasa paligid ko. Walang pinoproblema kundi ang iniisip palagi kung paano ba magagawa ang mga gawain ko sa aming bahay.

Ako ay may dalawang kapatid babae at lalaki at pangalawa ako at ako ay may isang ama na laging nakaantabay para sa amin. Wala man kaming ina ay ayos lamang sa akin naaalagaan naman kami ng aking ama. Simpleng buhay yan kaming apat hindi man kami buo buo nang aming pamilya ay ayos lang.

Ako nga pala si aya labing isang taong gulang matalino simpleng babaeng nangangarap na maging isang guro kaya kahit kapos sa pera at mababang trabaho lamang ng aking ama ay nag sisipag ako na makapag aral para na rin makatulong ako sa lahat ng hirap niya para sa amin. Ginagawa ko ang makakaya ko para lamang sa kahit na ganitong paraan maibalik sa kaniya na worth it ang mga pinaghirapan niya para sa akin para sa aming tatlong magkakapatid.

Araw nang sabado walang pasok kami sa paaralan ng aking kuya, tumutulong kami sa aming ama. Habang ang kapatid naming bunso na babae ay naiiwan sa aming tiya sa likod bahay namin. Nagtitinda kami ng isda na nahuli ni ama at ni kuya. Nilalako namin ito para kahit papaano may maipang dagdag kami pang bili ng bigas at ulam sa sa susunod na araw. Ganito ang gawain namin ni kuya kapag araw ng sabado at gawain naman namin sa linggo ay ang magpunta sa simbahan upang mag pasalamat sa biyayang naibibigay ng panginoon sa amin araw araw. Kumpleto kami tuwing linggo dahil walang trabaho si ama kada araw ng linggo. At pag tapos ng mesa ay niyayaya kami ni ama sa perya. "Mga anak gusto niyo bang mag libot libot? Araw ng perya ngayong gabi." Tanong ni ama sa amin. " ama gusto ko pong mag laro doon sa hagisang piso." Ani ko
"Ako rin po ama gusto ko din po doon" tugon aliw ng aking kuya habang hawak hawak ang aming bunsong kapatid.
" tara na't tayo pumunta roon. Akin na muna si bunso" pumunta kami ni kuya sa hagisan ng piso. Masaya ang araw namin na iyon wala kang makikita na lungkot sa amin. Nilibot libot muna namin bago kami umuwi.

Please vote! Thanks

I'm In RapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon