I'm in rape:24

407 6 0
                                    

GABI NA pero nandito pa rin ako nakaupo sa labas hindi ko alam kung papasok pa ba ako sa loob o hindi na.

Naiintindihan ko naman kung galit sila sa akin, hindi naman ako mag papaka impokrita.

Sa mga sandaling nandito lamang ako sa labas ang dami kung iniisip, pero ang lahat ng iyon iisa  lamang ang solusyon. Hindi niya ako titigilan hangga't hindi niya ako nakukuha, siya lang naman yung taong hangal at walang ginawa kundi ang parusahan ako ng ganito.

Kani kanina lamang pagka tapos ng usapin namin ni tiya andeng may tumawag sa akin, hindi ko alam kung paano nito nakuha ang cellphone number ko. Nakakapagtaka na wala namang nakakaalam niyon kundi si kuya arise at kuya marco lamang at pati si detective cortez kaya paano nito nalaman?

Paano niya nalaman?

Sa pag iisip isip ko hindi ko alam na may isang tao pala ang nakatayo sa harap ko. Hindi ko pa man nakikita ang mukha nito pero ramdam ko na mapanganib ito.

Dahan dahan kung itinaas ang aking ulo sa pagkakatungo.

"Anong..p--panong n-nakapasok--

Hindi ko naipag patuloy ng itutok niya sa akin ang bagay na hawak niya.

Naghihintakutan ang pakiramdam ko ngayon, hindi ko alam kung gagalaw pa ba ako.

Sa buwan na tiniis ko at protektahan ang sarili ko babagsak at babagsak pa rin pala ako sa kaniya.

" wag kaang gagawa ng ingay kung gusto mo pang mabuhay ang ama mo"

Alin sunod lang ako sa kaniyang sinabi, nakalayo na kami sa pinag r-rooman ni ama at hanggang ngayon ay nakatutok pa rin ang baril na hawak niya sa aking ulo.

Nakapikit lang ako at nananalangin na sana may tumulong sa akin.

"Bitawan mo ang baril mo at pakawalan mo ang babaeng iyan"

Salamat sa diyos at may isang kasamahan nila kuya marco ang nakabantay dito sa likod ng hospital.

Dahan dahan akong binitawan nito at ako naman ay lumapit sa pulis na nakakita sa akin kanina.

"Itaas mo ang kamay mo. At ihagis mo ang baril mo"

Ngunit ng akala ko'y bibitawan nito ang baril ay hindi pala kasing bilis ang kilos nito at ang inisip ko ay tumakbo.

Nanginginig ako sa takot na baka maabutan niya ako, binilisan ko ang pag takbo at nung nakita ko na ang mga pulis na mga kasamahan nila kuya marco.

Hindi na ako nag atubali na lumapit sa dalawang pulis na kilala ko, hingal na hingal ako ng lumapit ako sa kanila.

"Oh aya bakit hinihingal ka anong nangyari?"

"A-andito s-siya! Andito s-siya"

"Sino?"

"S-si uncle trenk po nandito siya, andoon po. Binaril niya po yung kasamahan niyo ng pigilan nito si uncle trenk."

I'm In RapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon