I'm in rape:6

1.5K 12 0
                                    

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko parang napako ako sa tindi ng kaba ko, hindi ko alam pero ang aga pa kasi para hintayin si ama ng ganito ka aga. Sana pala ay ginising ko muna si kuya dan.

"Aya! Paki bukas ng pinto kanina pa yata diyan si uncle trenk sa labas" si kuya.

Salamat naman at gising na siya at natiyempuhan niya na ganto, nawala na ang pangamba sa dibdib ko.

"Aya anong oras na magigising na si ama nakatayo ka pa riyan? Napapano kaba? May sakit kaba mukhang wala ka sa sarili"  nangangambang ani ni kuya sabay salat sa aking noo pero umiwas na lamang ako baka kung ano pa ang tanongin niya.

"Wala akong sakit, sige na ikaw nalang ang magpapasok kay uncle trenk.  Magluluto na ako kailangan kung pumasok ng maaga, meron kaming praktis ng martiya"

" sige... Aya...magdala kanang gamot mamaya pag pasok mo sa school baka ano na iyan"  tumango na lamang ako dala na ito siguro kanina nang kaba hindi pa rin kasi tumitigil sa pag tibok ng mabilis itong puso ko.

Natapos na ako sa pagluto ng umagahan, inayos ko na muna ang baon namin na kanin at ulam kay ama, kay kuya dan at sa akin. Pag katapos niyon ay madali na akong dumiretso sa kwarto namin ni aika. Nakasalubong ko pa nga si ama binati ko lamang siya ng magandang umaga at dali dali na ako sa itaas.

Pagka labas ko ng aking kwarto nag aaalinlangan pa ako kung magpakita pa ba ako kina ama, pero kailangan at kukunin ko din ang pagkain ko.
Hindi na ako nagdalawang isip kahit kinakabahan dahil nga andoon si uncle trenk. Pumunta ako sa kusina nakita ko silang tatlo, nagawi ang tingin sa akin ni uncle trenk iba ang pagkakatingin niya sa akin parang isang babaeng gusto akong makuha iyan ang alam ko.at nararamdaman ko sa nakalipas na araw at hanggang ngayon.  Iniwas ko na lamang ang tingin ko sa kaniya kinuha ko na lamang ang aking pagkain at sabay paalam sa kanila na mauuna na ako.

"Ama, kuya dan... A-at uncle t-trenk mauuna na po ako"
Hindi ko mapigilan na mautal sa harap niya siguro nararamdaman niya na naiilang na ako sa kaniya buhat ng sinabi niya sa akin ang salitang iyon. 

Lumabas na ako ng aming bahay sinimulan ko na ang paglalakad, nakakasalubong ko ang mga kapit bahay naming mag aaral na gaya ko.
Binibilisan ko ang paglalakad para maka sabay ko pa si janice, maaga kasi iyon pumasok siya kasi ang may hawak ng susi ng classroom kaya siya ang taga bukas. Halos patakbo na nga ang lakad ko,  ng  nasa compound na nila ako sakto ang pag labas niya kasama niya din ang kuya josh niya tropa ni kuya.

"Janice!janice... Sabay na tayong pumasok"

"Ang aga mo yata ngayon aya.. Himala at ang aga mo, tara na sumabay kana sa amin ni kuya josh" sabay ngisi nang pang asar. Alam niya kasing crush ko ang kuya niya, tinignan ko na lamang siya ng masama dahil baka mahalata ni kuya josh.

"Oo nga halina kayo at maaga din ako" sabay lingon sa akin at ngumiti.

"Kuya josh may tanong ako sagutin mo ah tutal naman malayo pa tayo sa school kwentuhan muna tayo". Ani janice.

"Oh sige ano ba iyon? Ikaw din aya ah sagutin mo rin ang tanong ko ah"

"Kuya... Sino gusto mong babae?

Napatingin ako kay janice dahil doon sa tanong niya, kahit ako ang tatanongin niyan mahihirapan akong umamin.

" ano kaba janice...kuya josh wa-----

"Wala pa akong nagugustuhan magugustuhan pa lang. Hahaha"

"Ay engot! Hmmp.. Ewan ko sa'yo tara na nga"

Natawa na lamang ako sa itsyura ni janice, HAHAHAHA hindi ako makatawa baka mag transform ang babaitang iyan.

"Janice.. Mamaya may sasabihin ako sayo pero atin atin muna"

"Oo.. Halika na iwan na natin si kuya, mukhang may makakasama naman siya"

Tumingin ako sa gawi ni kuya josh, at nakita ko ang mga tropa nila kuya dan. Pati si kuya dan andoon na rin.


"Haysssssstttt.... Nakakapagod ang martiya na iyan ang init init pa. Buti nalang kung may pa libreng malamig na tubig manlang, hindi ba sila naaawa sa ati n. Huhuhuhuhu! Kawawa naman ang beauty ko friend, tignan mo ikaw hindi haggard pero bakit ako sinabon ko naman  bakit ganun.huhuhuhu! Ang daya, ang daya talaga".  Parang timang itong kaibigan ko pati ang eskinol na patalastas sa tv. Hayyss ewan ko, tumayo ako at kinuha ko ang tubig ko sa bag at iniiabot ko ito sa kaniya.

" ito oh tubig. Sa susunod babaita magdala kanang tubig mo, ikaw talaga!"

Benelatan lang ako ng bruhang ito, bakit ba ako may kaibigan na ewan.

Matapos ang praktis namin ng graduation tumambay kami dito sa aming tambayan sa may likodan ng school. Dito kami madalas pag wala kaming klase,

"Oo nga pala.. Ano nga pala iyong sasabihin mo sa akin, parang seryoso ka kanina eh. Tungkol ba iyan sa kaarawan mo sa miyerkules? Wag kan---  bago pa humaba iyong mga tanong niya nilamukos ko na iyong mukha niya.

" pshhhhh pshhhhh... Ang daming tanong hindi iyon, masiyado ka talaga."

"Eh sensya na libre buag pag may handa kang pancit bihon na niluluto ni mang ben. Hehehe"  napa ayos siya ng upo at sumeryoso kapag alam niyang hindi ako nagbibiro ay umayos siya.

"Tungkol doon sa nakaraan na usapan natin doon sa nangyari sa anak ni aling pasing kay vivian... Nagbabahala ako" kumunot ang kaniyang noo, at sabay sabi ng.

"Bakit nangyari na ba sa iyo o baka muntik na?

" kilala mo naman si uncle trenk diba? May sinabi siya sa akin.. Alam mo ba kung ano"

"Ano?"

" na kung hindi ako anak ng aking ina nagustuhan niya na ako, may matino bang magsasabi ng ganun sa kaniyang pamangkin"

"Aya... Kung ako sayo lumayo layo ka doon, hindi mo alam ang takbo ng isip at galawan nun." 

Iyon ang huling usapan namin ni janice bago namin nasipan na hapon na pala masiyado kaming nag enjoy sa pag kekwentuhan. Iniwanan pa ako ng mga salita ni janice.... "Mag iingat ka sa mga lalaking kakaiba ang kilos at tingin sa iyo lalo na maganda ka at hindi halatang magdodose ka pa lamang"

Please vote. Thanks

I'm In RapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon