I'm in rape:5

1.5K 17 0
                                    

Hatinggabi pasado ala siyete tapos na kaming kumain nang gabihan, andito ako sa kusina naghuhugas ng plato,baso at kutsara.
Samantalang sina ama at aika ay nasa sala pinapanood nila ang paboritong nilang penikula sa telibisyon. Si kuya dan naman ay nasa kaniyang kwarto tinatapos ang kaniyang assignment, ako naman at tapos na sa assignment ko. Tinapos ko na kasi iyon sa school para pag uwi ko sa aming bahay ay gawaing bahay nalang ang aking pagkakaabalahin.

Natapos ko na ang pagliligpit ng aming pinagkainan pumunta ako sa sala para makapag pahinga.

"Ama" tawag pansin ko sa aking ama.
"Bakit aya?"

"Uminom na po ba kayo ng inyong gamot?

" oo...pinainom na ako ni kuya dan mo"

"Nang huling tignan ko ang mga gamot niyo ito ay paubos na diba?"

"Wag kang mag alala anak ko. Binigyan naman ako ng kuya andoy mo ng gamot ko,  kaya wag kanang mangamba"
Sabay senyas sa akin na lumapit ako sa kaniya.

"Ama..."  Tanong ko ulit sa kaniya
"Hmm.."
" iyong sinabi niyo po sa akin kanina. Yung pong nakikinig ako sa mga kapit bahay natin"

"Kung ano ang narinig mo na tungkol sa mga pangyayari dito sa ating bayan ay wag mo nang bigyang pansin, masiyado ka pang bata para intindihin ang bagay na iyon. Isipin mo ang buhay mo, maliwanag ba aya"

"Pero ama nais ko lamang po malaman kahit sa murang edad ko hindi ko maiwasan na hindi alamin ang lahat sa mga nangyayari dito sa mundo"

"Ano ba ang gusto mong malaman aya anak, ang mga karahasan iba iba lamang ang dahilan." Nakuryos ako sa sinabi ni ama, anong karahasan na iba ang mga dahilan.

"Dito sa atin madaming makasalanan" pagpapatuloy na kwento ni ama.

"Ama...tanong ko lang po ganun rin ba ang ginawa ng makasalanang tao doon sa babaeng pinatay kagabi?"

Nginitian lamang ako ni ama,"Isa kana ngang ganap na dalaga aya, sa murang edad mo na magdodose inaalam mo na ang ganiyang pangyayari" Hindi naman lahat ay nagiging makasalanan gaya ng talagang makasalanan na sa umpisa pa lamang. Alam mo ba kung bakit ang isang mabait na tao ay nagiging makasalanan"

Ako ay napatango na lamang dahil sa gusto kong malaman ang mga sagot sa aking pangamba.

"Nagiging makasalanan sila dahil sa mga mapang abusong makasalanan  na tao, kaya doon sa nangyaring pagka matay ng dalagang iyon kagabi inabuso siya nang wala kalaban laban mabait ka man o hindi"

Madami pa sana akong itatanong kaso anong oras na pala, may trabaho pasi ama bukas.
"O siya hali na at matulog na kayo alas otso na may pasok ka pa bukas aya anak si kuya mo siguro tulog na iyon"

Natapos ang usapan namin ni ama na hindi ko naisasabi sa kaniya ang sinabi sa akin ni uncle trenk.



Kahit na kulang ako sa tulog dahil sa alas dose na ako natulog ay ay maaga akong nagising para mag luto ng aming umagahan. Hindi naman na makakapag luto si ama ng aming agahan pagod na rin naman iyon dahil sa trabaho.

Pagkababa ko nagulat ako sa aking nakita. Anong oras pa lamang  bakit andito na siya tinignan ko ang orasan namin na nakasabit  ala singko bente kwatro pa lamang ng madaling araw.

"Aya! Pabukas ng pinto diyan na lamang ako maghihintay kay kuya ben"

Si uncle trenk bakit andito siya ng ganito ka aga bigla akong kinabahan at hindi makagalaw sa kina tatayuan ko.

Please vote.thanks

I'm In RapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon