Sabi nila mas lalong lumalalim ang pagtingin mo sa isang tao kapag inilihim mo ito. Kapag itinago mo ito, mas lalo pa itong sasabog at magwawala.
Pero anong magagawa ko..
Wala akong lakas ng loob na sabihin at umamin sa kanya.
Maraming dahilan, at maraming humahadlang, hangang sa maisip ko na lamang na wag na... Wag ko nalang ipaalam..
Dahil alam ko na..
Alam ko naman..
Na hindi nya ito masusuklian..
Itatago ko na lamang, umaasa na balang araw mawawala din itong nararamdaman ko.
Pero bakit?
Pero bakit ganito?
Bakit parang habang mas tumatagal ang panahon, mas lalong lumalalim pa ang pagtingin ko sa kanya...
---
Kalilipat ko lang sa aking bagong condo unit kaya abala ako sa pagaayos ng mga gamit. Lakad dito, buhat doon habang naghahabulan ang dalawa kong alagang pusa na montik ko nang matapakan. Kakaalis lang nila Mama na tinulungan ako maglipat at magayos ng mga gamit, at ngayon inaayos ko na lamang ang mga ornaments at maliliit na detalye ng unit.
Ito ang unang pagkakataon na mamumuhay ako magisa. Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot dahil dito. Sanay kasi ako na kasama ang aking mga magulang at kapatid sa bahay kung saan may katulong akong magluto at maglinis ng bahay.
Malayo kasi sa aming bahay ang lugar ng bago kong pagtratrabahuhan kaya nagpasya ako na kumuha na ng sariling unit. Naisip ko din na matanda na din ako para umasa at makitira pa sa aking mga magulang, at nakaipon na rin naman ako kahit papaano.
Masaya umuwi sa bahay kung saan may nakahanda nang hapunan pagkauwi mo sa trabaho. Pero nais ko na din maging independent at tuklasin pa ang mga bagay bagay magisa.
Napaupo nalang ako sa sahig pagkaayos sa sofa set sa may living area. Maliit lang ang unit ko, pero maaliwalas dahil sa mga malalaking bintana at puting pintura sa pader. Hinarang ko ang papatakbo kong puting pusa at niyakap ito ng labag sa kanyang kalooban.
Nilibot ko ng tingin ang buong paligid kung saan maayos na nakalagay ang mga bago kong gamit. Pero agad din akong napabuntong hininga dahil sa katahimikang bumabalot sa paligid, wala pang isang araw ay nalulungkot na ako.
Binaba ko na si Mallows ang aking odd eye na puting pusakal at pumasok na ako sa aking kwarto. Inayos ko ang salansan ng mga libro at notebook sa aking bagong book shlef hangang sa makita ko ang luma kong libro sa analytical geometry. Kinuha ko ito at dinala sa study table ko.
Binuklat ko ito sa eksatong pahina na 143, at tulad parin ng dati, nakasulat parin dito ang pangalan nya.
Jin 🖤
Napakawak nalang ako sa pangalan nya habang inaalala ang mga pangyayari noong kolehiyo palang kami. Hangang ngayon bumibilis parin ang tibok ng aking puso kasabay ng mga panghihinayang sa mga maaaring mangyari kung sakaling nagkalakas loob ako na umamin sa kanya.
Ano na kaya nangyari sa kanya? Nakagraduate kaya sya? May girlfriend na kaya sya? May asawa na ba sya at mga anak?
Isinara ko na yung libro at maayos itong ibinalik sa book shelf malapit sa aking study table.
Nahiga na ako sa aking kama habang nakatitig sa kisame, hangang sa abutan na ako ng antok.
Kinabukasan nagmamadali akong maligo at nagbihis dahil malapit na ako malate sa trabaho, hindi dahil nalate ako ng gising kung hindi napasobra ang pagsnooze ko sa alarm ko.
BINABASA MO ANG
Muted
Romance"I keep my love muted for a long time and now I am ready to shout it out loud. I love you" - Meryn Kelly Tuazon