I look at Jin desperately trying to gather all the courage rested within me.
"J-ji--"
"Hahaha grabe ka sumayaw" narining kong malakas na pagkakasabi ni Amanda.
"Minsan lang makaparty eh, puro work na kasi kaparty ko palagi" sagot ni Airra at nakarinig pa ko nang ilang malalakas na tawanan.
Mukang papabalik na sila mula sa dance floor.
"Oh ano lasing na?" pagbati samin ni Vans pagbalik nila.
Napabuntong hininga nalang, mukang ayaw talaga nang tadhana na ipaalam ko pa kay Jin yung nararamdaman ko para sa kanya.
"Anong lasing lasing inom paaa" pagduktong naman ni Drake sabay upo sa tabi ni Jin at nagsalin ng alak sa baso nya.
"Kamusta Mek, hilo pa?" tanong naman ni Airra at umiling naman ako bilang sagot.
"Kamusta sa dance floor masaya ba?" tanong ko naman sa kanila.
"Masaya sana kaso puro chaka naman nagsasayaw"
"Loka ka talaga, kaya hindi tayo nagkakajowa eh"
"Well, sisihin mo si Lee Min Ho at Seo Kang Joon"
At balik ulit kami sa dating set up, kwentuhan at tawanan.
"So sino susunod na magbababy shower?" pagbibirong tanong ni Daniel
"Gag*, baka ikaw" sagot naman sa kanya ni Drake.
At sinagot naman sya ni Daniel ng kanyang middle finger.
"Girlfriend nga wala, anak agad" singit naman ni Vans
"Ligaw ligaw din kasi, puro ligaw tingin kasi ang gawa eh" banat na naman ni Daniel
"Ala eh hangang tingin lang talaga eh"
"Ikaw ba Mek may boyfriend ka na?" biglang singit ni Shyna.
At lahat ng atensyon ay napatingin sakin.
"Huwag nyo na tanungin, nasa ibang dimension mga jowa namin" pagsagip naman sakin ni Airra.
"Nagsalita ang ikakasal na" pagbanat naman ni Lysa
"Bakit boyfriend ko parin si Levi (yung sa Attack on Titan) second lang si Kristan (fiance ni Airra)" pagsagot naman nito.
Lumipas ang ilang oras nagpasya akong lumabas muna sa Room namim para magcr at tingnan kung ano pa ang meron sa bar.
I felt a little tipsy na din sa dami ko nang nainom.
"Sorry" nasabi nung may makabanga ako sa hallway at natapakan ko yung sapatos nya.
"Ano ba yan, kabibili ko lang ng sapatos" halatang irita nasabi nung lalaki "Alam mo ba--" bahagya syang napatigil sa pagsasalita nung makita nya ko "Alam mo ba kung magkano bili ko dito?" parang nagpapanggap na inis parin nyang sabi.
"Sorry, hindi ko sinasadya" nasabi ko nalang.
"Ano!? Di pwedeng sorry lang yan" naamoy ko ang alak sa kanyang hininga, mukang lasing na din tong isa na to.
"Ano gusto mo!?" medyo nairita ko na ding sabi dahil wala na talaga ako sa mood kanina pa.
Parang sapatos lang parang ikakamatay na nya.
Aalis na sana ko nang hawakan nya ko sa braso.
"You know what, you're pretty, wanna join us nalang, para mapatawad kita sa pagtapak mo sa sapatos ko" insist pa nya.
"Sorry, but I have companies" pilit kong pagbawi sa braso ko kahit medyo nawawala na din ako sa balanse.
"Leave them, mas masaya kaming kasama" sira ulo ba yung isang to? Kanina lang tinatarayan ako, ngayon parang binebentahan na ko ng condominium unit.
"Ayoko nga, bitawan mo ko" inis kong sabi habang pinipigilan syang kaladkarin ako papunta sa isang private room.
"sumama ka nalang kasi"
"Sinong sasama?" nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Jin at ilang saglit lang ay nahatak na nya ko papunta sa likuran nya.
"Ano ba pare, kilala mo ba yan? ako nauna dyan wag ka na makisali" tanong nung lalaki na parang naghahanda sa suntukan.
"Boyfriend ko sya" pagsingit ko bigla "kaya pwede ba layuan mo na ko, kung hindi ipapaabugbog kita sa mga kasamahan nya sa mafia" I lied the most lame excuse in the world.
"m-mafia" halatang natakot na nasabi nung lalaki habang nakatingin lang sa kanya ng masama ni Jin.
"Sa susunod kase titingnan mo nilalakaran mo" halatang takot na nasabi nung lalaki sakin at mabilis na naglakad palayo.
"Ayos ka lang?" tanong sakin ni Jin, I felt the tenderness in his voice.
At sa hindi malamang dahilan ay bigla nalang akong napaiyak.
I was so scared and hurting at the same time, gulong gulo na ko.
Hindi ko alam kung ano na mangyayari sakin kanina kung hindi dumating si Jin. Pero dahil dito mas nahihirapan ako kalimutan sya.
Halatang hindi alam ni Jin kung ano gagawin dahil walang humpay ang pagiyak ko at pinagtitinginan na kami kami ng mga taong nagdadaan.
Tinapik tapik nya lang ako sa balikat at inalalayan na makabalik sa room namin.
"Oh, anong nangyari dyan?" bungad na tanong ni Vans nang makabalik kami ni Jin, patuloy parin kasi ako sa pagiyak.
"Mukang lasing na yan ah" pagbati pa ni Drake.
"Sino maguuwi dyan?" natanong ni Shyna
"Wala akong dala na sasakyan" sagot naman ni Airra "susunduin lang ako ni Kristan"
"Puno na kami sa car ko" singit naman ni Amanda.
"Ako na" sagot naman ni Jin "We're neighbors"
"ayun naman pala eh" nasabi nalang ni Shyna at tinulungan si Jin na paupuin muna ako.
"Ano Mek, okay ka pa?" narinig kong tanong ni Airra pero hindi na ko makasagot ng mabuti dahil nahihilo na naman ako.
"Asan yung car keys nya?" natanong naman ni Amanda habang hinahanap sa bag ko "Oh eto pala" nasabi nya nang makita yon at iniabot kay Jin.
"Wala ka bang dalang car ngayon Jin?" natanong naman ni Daniel at umuling naman si Jin bilang sagot.
"Mek kaya mo pa lumakad?" tanong naman ni Lysa habang inaalalayan ako tumayo pero montik ko nang mangungod muka ko sa lupa buti nalang naalalayan ako ni Jin.
"Kaya mo ba buhatin?" natanong ni Lysa kay Jin.
Nooo, Jin already has a family. Let me move on please.
Wag mo na ko tulungan Jin.
"Hindi na, kaya ko naman maglakad" pagiwas ko at pinilit maglakad ng pagewang gewang palabas ng pinto pero montik na naman ako madapa buti nalang nakahawak parin sakin ni Lysa.
Hahawakan sana ako ni Jin pero inilayo ko yung braso ko sa kanya.
"Ano ba Mek, wag ka na maarte, tinutulungan ka na nga ni Jin" pangangaral naman sakin ni Airra.
"Eto bag ni Mek" iniabot ni Amanda yung bag ko kay Jin at isinuot naman nya ito sa kayang leeg since hindi kaysa sa malapad nyang balikat yung strap non.
Inilalayan naman ako ni Lysa para mapasan ako ng maayos ni Jin.
"Tara na hatid ko kayo sa parking" sabi naman ni Airra at tinulungan nya si Jin na magbukas ng pinto habang pasan pasan ako.
Habang ako nakadukdok lang sa likod ni Jin at walang humpay na naman sa pagiyak.
I love Jin's smell, it makes my heart pound faster than a racing car. I love him... I LOVE HIM...
But I can't, I should not...
I how can I move on Jin?
BINABASA MO ANG
Muted
Romance"I keep my love muted for a long time and now I am ready to shout it out loud. I love you" - Meryn Kelly Tuazon