"Si Ysa ka ba?"
"Ha? Hindi. Bakit?" Nagtataka kong sinulayapan si Maki na naka-upo sa shotgun seat.
"Kasi Ysa kang tanga." biro ni Maki at tumawa nang malakas.
Umirap ako. Hahatakin ko sana ang buhok niya kung hindi lang ako nagda-drive! Nasa loob kasi kami ng isang subdivision ngayon para sa driving lessons ko at si Maki ang nagtuturo sa 'kin mag-drive.
"Hindi ko na alam gagawin ko! Nag-sorry naman ako? Hindi ko alam kung anong sinabi kong masama para ma-offend siya!" I groaned out of frustration.
"E kung ikaw ba naman kasi ang tarayan at mapagkamalang waiter, teh, hindi ka maiinis? Eksenadora ka naman kasi!," Sambit ni Maki.
"Hiyang-hiya na nga ako, 'e! My god! Sana kinain na lang ako ng lupa!"
Hindi pa rin naaalis sa isip ko ang sinabi ng crush ko sa 'kin kagabi. Lalo pa nung naalala ko yung sinabi ni Luna. Tiga college of law daw, tapos lalaki!
Inaatake tuloy ako ng anxiety dahil iniisip kong baka yung crush ko nga yung nagsabi 'nun tungkol sa 'kin. Buong gabi ko tuloy iyon pinroblema at hindi ako nakatulog nang ayos. Hindi pa nakatulong na inaasar ako ni Maki ngayon.
"Paano ko ngayon ibabalik 'to?"
Tinitigan ko ang pink na panyo na nakalawit sa bag ko. Noong tuluyan na kasing umuwi ang crush ko kagabi ay may nalaglag siyang panyo na may naka-burda na 'Ausley'. Hindi niya siguro napansin na nalaglag niya kaya pinulot ko na lang.
"Ausley? So Ausley ang nemetiz ng feelanga mo?" tanong ni Maki noong kinwento ko sa kaniya yung sa panyo.
"Di ko sure!" sagot ko.
Sumagi na kasi sa isip ko kagabi pa lang na baka nga Ausley ang name ng crush ko. Pero parang impossible naman kasi kulay pink yung panyo? I don't think he likes pink, so maybe it's his sister's?
"Oh, eh ano nang plano mo ngayon?"
"Hanapin siya? Mag-sorry? Hindi ko alam!"
Napasabunot ako ng buhok at pinark ang kotse sa harap ng milk tea shop. Paano ko siya hahanapin? 'E hindi ko pa rin nga alam ang name ng crush ko! Ang tanging meron lang ako ngayon ay yung panyo!
I eventually shrugged my thoughts away. Saka ko na lang iyon poproblemahin kapag nandiyan na. Ang hirap din naman kasi kapag kailangan ko mag-sorry sa crush ko tapos hindi ko naman alam kung paano dahil first of all, I don't know his name.
Pero malalaman ko rin 'yon soon. Ako pa ba? I am Wesley Santiago, bitches. Daig ko pa ang BDO kasi I find ways.
Bumaba na kami ni Maki ng kotse at pumasok na sa loob ng milk tea shop. Kaunti lang din ang tao pero siguro dadami na 'to mamaya. Bagong bukas lang din kasi saka undeniable naman na masarap talaga ang milk tea dito.
"Anak ng pechay!"
Muntik na kong mapatalon nang bigla akong kinurot ni Maki sa tagiliran. Napatingin tuloy ako sa kaniya nang masama.
"Nandiyan mga pinsan ko, 'wag kang titingin!" He whispered so fast na hindi ko siya na-gets. Nakakunot lang ang noo ko sa kaniya ngayon, confused.
"Mga pinsan ko, nandiyan!" He repeated.
Nanatili ang tingin ko sa kaniya ng ilang segundo pa bago ko ma-gets yung sinabi niya. Agad nanlaki ang mata ko at lumingon sa malapit na table. Nandoon nga ang mga pinsan niya!
YOU ARE READING
Whispers Of The Past (Province Series #1)
Novela JuvenilProvince Series #1 After waking up from a long coma, Wesley Santiago tries to live a normal life again. She pursued her passion in acting, made new friends, and tried so hard to make up for the things she missed while she was on a long-term sleep. E...