"HIJO, 'wag ka nang bumalik sa Palawan. Dito ka na lang," hiling ni Doña Lora sa anak.
Napangiti si Aaron at kinumutan ang ina. Hindi naman pala malala ang sakit nito. Nagdahilan lang pala ito para mapauwi siya at makita siya. Nagkaroon lang ito ng mild influenza dahil sa sobrang stress sa trabaho. Isa ito sa mga directors ng korporasyon. Pinayuhan ito ng doktor na uminom ng gamot at magpahinga ng ilang linggo sa bahay at babalik na ang buong lakas nito.
Kahapon, nang dumating siya at nalamang maayos na ang lagay nito ay nagpasya rin siyang umalis kinabukasan ngunit pinigilan siya nito. At ngayon ay muli siya nitong pinipigilan sa nakatakda niyang pag-alis kinabukasan. Kailangan na niyang bumalik sa Palawan. He missed Cathy. Kung bakit naman kasi wala itong cellphone at wala ring linya ng telepono sa bahay. Hindi niya tuloy ito makausap upang kumustahin. Pero hindi bale, sa oras na makita niya ito, sasabihin na niya rito ang gustong sabihin over a dinner by candlelight sa picnic cloth sa helipad ng gusali ng hotel.
Ipagtatapat na niya rito kung sino talaga siya para mapanatag na ang loob niya. Kahit hindi niya gusto ang pagtatago ng tunay na identity rito ay may guilt pa rin siyang nadarama. Alam niyang maiintindihan nito ang dahilan niya dahil maunawain ito basta lang hindi niya ito bibiglain. Pinlano na niya ang mga sasabihin. Pinlano na niya ang unique dinner by candlelight na iyon na dapat ay naganap kahapon kung hindi lang tumawag ang kanyang ama para ipaalam ang kalagayan ng kanyang ina. Nakiusap na siya sa kakilalang waiter sa restaurant ng hotel na pahiramin siya ng mga gamit. Bumili na rin siya ng champagne.
He wanted that night to be special because that same night, he would propose marriage to her. Sa katunayan ay nakabili na siya ng singsing para rito na mula sa perang ipinadala sa kanya ni Ron, ang buong kabayaran nito sa vintage cars niyang ipinagbili rito.
He wanted Cathy to be his wife. He wanted to be with her forever.
"Hindi pwede, Ma. I need to be there by tomorrow." Kailangan na niyang gawin ang pinlano.
"Bakit ba noong huli tayong magkita ay hindi mo sinabi sa akin ang dahilan kung bakit nawiwili ka roon sa Palawan? Hindi pa rin ako makapaniwalang nagugustuhan mo na ang pagiging bellboy."
Napabuntunghininga siya. Hindi pa niya maaaring sabihin rito ang tungkol kay Cathy hanggat hindi pa niya naaayos ang lahat. Kapag nagtagumpay ang plano niya ay saka pa lang niya ihaharap si Cathy sa mga magulang.
"Pero natutuwa ako, hijo, at may nagbago na sa 'yo. Palagay ko ay natutunan mo na ang leksyong gustong ituro sa 'yo ng ama mo."
Natuto na nga siya at nagbago at hinding-hindi na siya babalik sa dati niyang buhay. At lahat ng iyon ay dahil kay Cathy.
"Nasaan na nga pala si Papa?" Nang dumating siya ay ito naman ang umalis.
"Bibisita raw sa isa sa mga hotels," kibit-balikat ni Doña Lora.
"M-MAGANDANG... hapon po," kinakabahang bati ni Cathy sa taong hindi niya akalaing makakaharap niya at makakausap ng sarilinan. Pinapasok siya ni Mr. Sanchez sa conference room at may tao raw na gustong kumausap sa kanya. Natural na magtaka siya kung sino iyon at kung bakit siya nito kailangang kausapin ngunit hindi na niya nagawa pang magtanong.
Bigla-bigla ay nakaharap siya sa pinakamataas na tao sa korporasyong may hawak ng hotel na pinagtatrabahuhan niya. Si Don Mateo Villarios. Sa tuwing dumadalaw ito sa hotel ay nakikita lang niya ito sa malayuan ngunit ngayon ay nasa harap na siya nito sa hindi niya malamang dahilan.
Pinasadahan siya nito ng nanunuring tingin mula ulo hanggang paa na lalo niyang ikinakaba.
"Maupo ka," utos nito sa maawtoridad na tinig. Maging ang mukha nito ay kakikitaan ng awtoridad na kayuyukuran ng kahit sino.
![](https://img.wattpad.com/cover/225532556-288-k703578.jpg)
BINABASA MO ANG
A Devil In Disguise [COMPLETED]
Romance*UNEDITED* *WATTPAD VERSION* Isang chambermaid si Cathy. Minsan na siyang nagkamaling umibig sa isang mayamang lalaki pero kabiguan lang ang napala niya kaya naging ilag na siya sa mga ito. Nakilala niya si Karl, ang guwapong bellboy na bagong katra...