Chapter 4

3.5K 192 4
                                    


TAHIMIK sa mesa habang nanananghalian sila. Kanina pa pinagtatakhan ni Cathy ang katahimikan ng mga kaibigan. Pakiramdam niya ay may pinoproblema ang mga ito ngunit ayaw namang sabihin sa kanya.

"Ano ba talagang problema n'yo? Galit ba kayo sa akin?"

"Hindi!" Kaagad na sagot ni Lani. Halos mailuwa pa nito ang laman ng bibig, makasagot lang.

"Eh, bakit hindi n'yo ako kinakausap? Bakit para kayong may pinoproblema?"

Hindi na nagsisagot ang mga ito. Nagkunwa nang abala sa pagkain. Napailing-iling na lang siya at ipinagpatuloy na ang pagkain. Maya-maya ay napatingin siya sa mesa ng mga bellboys at kaagad niyang nakasalubong ang pamilyar na mga mata.

Ang mga mata ng bellboy-slash-callboy-slash-rapist. Bigla ay nakaramdam siya ng inis nang muli itong makita. Matiim ang pagkakatitig nito sa kanya. Tila pa may kalakip na galit ang tingin nito. Dahil marahil iyon sa pagkakatuhod niya rito noong isang araw. Day-off niya kasi kahapon kaya hindi niya ito nakita. Kaya marahil ngayon nito inilalabas ang galit sa kanya sa pamamagitan ng pagtitig na parang gusto siyang saktan. Subukan lang nitong gawan ulit siya ng pambabastos at irereport niya ito sa manager nito.

Ilang saglit pa at natapos na silang kumain. Matapos magsepilyo ay bumalik na siya sa trabaho. Tulak-tulak niya ang cart sa pasilyo ng tenth floor nang bigla ay may malakas na kamay na humila sa kanya. Napasinghap siya nang makilala ang may-ari ng kamay.

"Bitiwan mo 'ko!" Pagpupumiglas niya. Hindi siya nito pinansin. Hila pa rin siya nito at parang alam na niya kung saan sila patungo. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong humingi ng saklolo dahil kaagad nilang sinapit ang supply room. Pinilit siya nitong ipasok sa loob. Sa isang iglap ay nakasarado na ang pinto at muli ay natagpuan niya ang sariling nakasadlak sa likod ng pinto ng silid. Hawak nito ang magkabila niyang braso na idinikit rin nito sa dingding.

"Walanghiya ka! Anong gagawin mo sa 'kin? Bastos ka talaga! Rapist! Rapist! Saklolo!" She panicked.

"Kapag hindi ka tumahimik, rereypin talaga kita," banta nito na nakapagpatahimik sa kanya.

"Anong kailangan mo sa 'kin? Bakit mo ako—"

"You witch! Hindi mo alam kung anong kasalanan mo sa 'kin? Sinira mo 'ko," anito sa mapanganib na tinig. Tila naglalabas ng apoy ang mga mata nito sa galit.

Napanganga siya. "Sinira kita?" Bigla siyang napatingin sa ibabang bahagi ng katawan nito. Alam niyang delikado sa mga lalaki ang matuhod pero hindi naman niya gaanong nilakasan ang pagtuhod rito noong isang araw. "Nasira ko ang... ang ano mo?" Bigla siyang nag-alangan.

Sa pagkamangha niya ay nalangkapan ng pagkaaliw ang galit sa mukha nito. "Ang ano ko?"

"Ang... ang... ano mo..."

He laughed under his breath. "Magpasalamat ka at walang nangyari sa ano ko dahil kung nagkataon, pagsisisihan mo."

She gritted her teeth. "Kung wala naman palang nangyari sa ano mo, bakit mo ako kinaladkad papasok rito?" Singhal niya rito.

Bumalik ang galit sa mukha nito. "Dahil may kasalanan ka pa sa 'kin bukod sa ginawa mo sa ano ko. Sinira mo ang pangalan ko, ang pagkatao ko."

"Anong ibig mong sabihin?" Asik niya.

Nag-isang linya ang mga mata nito. "Magmamaang-maangan ka pa ngayon? Ikaw ang may kagagawan ng pagkalat sa buong hotel ng tsismis tungkol sa akin. Ipinagkalat mong callboy ako."

Nahigit niya ang paghinga. Hindi niya alam na ganoon ang nangyari.

"Lahat ng empleyado, pinaniniwalaan ang tsismis na ikinalat mo. Pati ang ilang guests. Nakasuntukan ko pa si Mon dahil nilait niya ang pagkatao ko. Pati si Ms. Luna, inalok ako ng pera sa pag-aakalang callboy nga ako. Alam mo ba ang ginawa mo? Puwede kitang idemanda sa paninirang-puri."

A Devil In Disguise [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon