seventy-two

181 10 8
                                    

friday; 19:40 <narration>
  
   

huminto ako sa pagtakbo ng malapit na ako sa convenience store. napahawak pa ako sa tuhod ko habang hinihingal. tinakbo ko lang naman ng walang tigil ang mula sa bahay namin hanggang dito.

napaangat ang tingin ko sa unahan at nakita ko si axiel na nakasandal sa isang pader habang naka-cellphone at kagat-kagat ang isang straw sa banana milk niya.

umayos naman ako ng tayo at lumapit sa kanya.

"axiel."

lumingon nama sya saakin at umayos ng tayo saka binulsa ang cellphone.

"akala ko ba mas mauuna ka kaysa saakin?"

napakamot nalang ako sa ulo ko at dahil doon ay natawa sya.

"here." abot nya saakin ng isang chocolate milk drink na nakahanda at may straw na.

"thanks." i simply replied.

nagsimula na kaming maglakad hanggang sa naisipan naming kumain sa isang cafe na malapit lang rin. nag-order lang kami ng chocolate cake at bubble tea kahit kagagaling lang namin uminom kanina.

"i saw your ig post before, sobrang packed ng schedule mo. nakaka-stress nga iyon." he remarked.

"oo nga e. ewan ko nga anong meron sa september at sobrang busy ko." wika ko at nakita ko naman syang napangiti lang saakin.

"anong gagawin mo after ng finals? i mean, less than two months nalang yun." tanong niya.

"walwal." i smiled, slyly that made him chuckled while shaking his head.

our conversation went well as usual. talking stuffs about school, org, and life. kung ano-ano lang ang pinag-uusapan namin.

napatingin naman ako sa orasan ko at nakitang bago pa lang nag-11 ng gabi.

"ayoko pang umuwi." sambit ko at napasandal sa railings na nandito sa gilid ng pedestrian crossing.

isang tawid na lang at kunting lakad ay bahay na namin. pero ayoko pa talagang umuwi.

"don't overdo yourself. weekend naman bukas may time ka pa for your plates." wika niya at sumandal na rin sa tabi ko.

"iyon na nga. kakatapos lang ng isang redo plates kahapon tapos another due on tuesday na naman." i sighed, looking at the traffic light change.

"matatapos rin yan."

"ikaw ba? ano pinagkakaabalahan mo sa acads mo ngayon?" tanong ko.

"wala naman. just some accounting stuffs you wouldn't understand." he shrugged.

matapos yun ay isang katahimikan ang bumalot saaming dalawa. nakatingin lang rin ako sa traffic light na mailang ulit na nagpapalit ng kulay. kunti nalang ang dumaan na sasakyan dahil late na. wala na rin ako masyadong nakikitang naglalakad.

"axiel, may tanong ako." tanong ko habang tutok pa rin ang paningin sa unahan ko.

"hmm?"

"do you like me?" walang paligoy-ligoy na tanong ko.

i glanced at him at kita kong napako lang rin ang paningin nya sa paanan niya. binalik ko naman ang tingin ko sa harap ko.

"alam mo kasi nakakainis ka. panay lang ang joke mo kaya di ko na alam alin ang joke o hindi sa pinapakita mo—"

"oh. i like you."

.

courting you ¦ ryujunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon