Bulalakaw

2 0 0
                                    

/LU.NA\

Sa bawat lipat ko ng pahina sa librong binabasa, mas lalong di ko naiintindihan bakit pinasok ko ang pag la-law school.

"Luna nakapagtapos ka na ng Accountancy, bakit ka pa nag law school?"

Ika-bente tres na paninisi na ginawa ko sa sarili ko. Kasalanan to ni Lee Jongsuk eh kung bakit ako napa law school, sa kakanuod ko ng korean drama, feel ko na agad mag lawyer.

Pero ika nga ng inay, lahat ng bagay nakatakdang mangyari kahit pa hindi ako nanuod ng korean dramas, sadyang mapapasok ko ang law school.

"Nakakainis naman daming kailangan i memorize, pare-pareho lang naman ang requisites."

"Bakit ka pa kasi nag-aral ulit, ate? Magkalove life ka naman, baka maging laon ka. Napaka-bobo naman nito!" - (sambit ni Vex ang kababatang kapatid ni Luna)

"Kung makapag bobo ka naman diyan! Nagsalita ang wala ang napapatunayan!"

"Hindi  naman ikaw sinasabihan ko, itong kasama ko sa Mobile Legends, masyado kang apektado. Nahahalatang totoo."

"Kuya Claude!!! Ginugulo na naman ako ni Vex dito!"

*bumukas ang pinto*

"Vex, lumabas ka nga! Alam mo namang pikon yan. Papatulan mo pa." (Claude, ang pangalawa sa magkakapatid)

"Parang kinder naman to, nanunumbong. Diyan ka na nga."

Hindi ko alam paano ako nabuhay ng 24 years kasama itong mga walang kwentang kapatid na itsura lang meron. Ito ang dahilan bakit ayaw kong nag-aaral sa bahay, daming magugulo.

"Luna, kumain ka na." (Pang aaya ni Ren, panganay sa magkakapatid)

"Kuya naman, bakit kanin nalang ito?"

"Tagal mo kasi, ayan tuloy." (Panunukso ni Claude)

"Mag diet ka, taba mo na. Mahiya ka naman ang po-pogi namin tapos ikaw? Keep up naman." (Sumbat ni Vex)

"Kayo talaga, wag niyo nga inaasar 'tong si Luna baka hindi tayo tutulungan nito pag nakagawa tayo ng krimen, kapag naging lawyer na ito." (Wika ni Ren)

"Excuse me, hindi ako nag lawyer para ipagtanggol kayo kapag nakapatay kayo ng tao."

"Paano ba yan, guilty ako for killing so many beautiful hearts. Daming patay na patay sa akin." (Pang-aasar ni Vex)

"Ang kakapal ng mga mukha. Buhat sariling upuan, ganon? Maiwan na nga kayo, sa labas na ako kakain."

Bilis akong pumunta sa coffee shop na pinagta-trabahuan ng bestfriend kong si Mila. Bestfriend ko na siya since kinder, so we know each other very well.

"Ito na carbonara and latte mo. "

"Awe, you know me talaga."

"Bakit ka ba dito kumakain kasi? Araw-araw ka ba iniinis ng mga kapatid mo?"

"Sinabi mo pa." (Wika ni Luna habang kumakain)

"Alam mo, Lu. Kahit 24 hours ako asarin, okay lang kung kasing gwapo ng mga kapatid mo. Swerte mo naman, araw-araw mo nakikita ang napaka gwapong mukha ni Kuya Claude."

"Gusto mo benta ko siya sayo, wag mo na ibalik. Buy 1 take 3, minsanang offer lang to."

"Pwede ba installment ang payment? Hahahaha"

"Hay nako, ewan ko sayo."

Pagkatapos kong kumain, nakipag kwentuhan muna ako kay Mila. Hindi ko namalayan na mag a-alas dies na ng gabi.

"Mi, alis na ako."

"Ingat ka, Lu. Tumawag ka kapag nakauwi ka na."

Habang naglalakad ako pauwi, may nakita akong mabilis na liwanag sa di malayo. Napapikit ako dahil lakas ng ilaw na dumaan. Agad kong pinuntahan kung saan bumagsak ang ilaw, ng may nakita akong lalaking namahandusay sa daan at walang malay. Agad kong tinawagan sina Kuya Ren upang humingi ng tulong.

/SO.L\

*ajsudbdieonzkspsichcndospskznfjdislskjxidnskppwaljdbdbdnm*

Ano ba itong naririnig ko?

*Pag mulat ng aking mga mata.*

Sino sila? Bakit sila nakatitig sa akin? Nasaan ako?

"Huy, okay ka lang? Ilan ito?" - Tanong ng babae habang itina taas ang 3 daliri

"Alam mo ba pangalan mo?" - wari ng lalaking may salamin

"Saan ako? Sino kayo?"

Bakit ako napadpad dito? Ito ba ang kapalaran ko? Ito ba ang itinadhana ng kalawakan sa akin? Ano ba ang misyon ko sa lugar na ito?



mahal kong, solTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon