One

150 6 0
                                    

CHAPTER 1 - The Encounter

Louise Madisson Cruz

           Asan ba ako? Nagpaikot-ikon yung tingin ko sa buong paligid. Nasa isang field ako, punong-puno ng iba't ibang klase ng bulaklak ang field na ito. Grabe, ang ganda!! Super ganda.

          Palinga-linga ako ng may napansin akong malaking puno sa tuktuk ng isang bundok. Color pink kasi ang mga bulaklak na tumutubo dun kaya sobrang eye catching siya. Naglakad ako papunta dun. While walking.. Bigla kong napansin yung suot ko. Isang white na dress. Bakit ako nakadress? Anong meron? Tapos puti pa. Teka...

          "Am I dead? Nasa heaven na ba ko?" napatigil ako sa paglalakad at nagisip. Wala naman akong naaalalang na aksidente ako or something. "Nope. Di pa ako patay, sure ako!" Tapos biglang napaisip ulit ako.. Hindi kaya pangkasal to? Wehh? Imposible. Wala nga akong boyfriend eh. Oo na, ako na NBSB.

          Nagpatuloy nalang ako sa paglakad. Ng makarating ako sa may puno, napansin kong may tao dun sa may tabi ng puno. Lalaki. Nilapitan ko siya at nagaalinlangan kung kukulbitin ko ba siya o hindi. Eh kasi naman, baka jejemon 'to or mala- Vice Ganda na pipilosopohin lang ako. Hala, o baka naman, rapist 'to, or monster, or baka kidnapper!

         HALAAA! Baka nga kidnapper to at siya yung nagdala sakin dito. Eh kaso... wala na'kong ibang choice! Kaming dalawa lang kaya yung tao dito! Ayun kinulbit ko na si mystery dude.

          Dahan dahang lumingon yung lalaki. Yung para bang mga nasa movies? Ng makaharap na ito ng tuluyan,

*kriiiiiiiiing* *kriiing* *kriiiiiiiiiiiiiiiiiing*

          Yung.. yung mukha nung.. Yung ulo nung lalaki.. ALARM CLOCK?! Waaaa. Palapit siya ng palapit sakin. Ako naman paatras ng paatras. Omg, dead end na. Cliff na kasi yung nasa likuran ko. Palapit pa rin siya ng palapit. Huhu patayyyy.

*kriiiiiiiiing* *kriiing* *kriiiiiiiiiiiiiiiiiing*

          "AHHHHH -- arayyy." hinimas himas ko yung likuran at pwet ko. Grabe ang sakit! Kung di po obvious, nahulog ako galing sa kama. Ang weird naman kasi nung dream ko. An alarm clock for a head? Luhh, strange.

          Tumayo nako at chineck ang oras mula sa alarm clock ko. O___O Late na ako!! Late na ako!! Ano ba naman yan! Yung alarm clock kasi. Ang mahal mahal ng bili ko dun tapos palpak din pala. Kaasar!!!

          Putek, may report pa akong kailangan asikasuhin. Ang terror pa naman ng prof namin dun. Hayyy. Pumara na ako ng jeep at sumakay na. Masgusto ko kasing magcommute kesa magcar. Sayang naman yung gas. At hassle pa sa pagpark. Medyo na aawkwardan na nga lang ako. Yung mga pasahero kasi nakatingin sakin. Pano ba naman kasi yung buhok ko ang gulo gulo. Di pa kasi ako nagsusuklay kakamadali tapos ang dami ko pang dala na cartolina para dun sa report ko. Hiya ko naman dun sa baklang palaka na tinaasan ako ng kilay kaya nagsuklay na ako.

          Bumaba na ako sa may gate ng Princeton University. Yes, aabot pa ako. Woo!!! Papasok pa lang ako ng university ng biglang may nahulog na cartolina. Buti nalang hindi nahulog dun sa may putikan.. Umuulan kasi kaya medyo basa yung kalsada. Syempre gentlemen nung mga lalaking dumadaan. Hindi manlang ako tinulungan. Bait nila grabe!! -__- Pinulot ko na yung mga cartolina ng biglang..

*BEEP* *BEEEEP*

          "Ay butiki, baboy, bakla, tomboy!!!! Putek naman, ano ba?!" Nakakainis. Yung.. Yung damit ko basang basa na. Puro putik na. Tapos yung mga cartolina ko!! Basang basa na rin! They're ruined, ugh! Pano na ako makakapagreport nito?! Patay ako kay Ma'am Dasma nito eh!! Humarap ako dun sa sasakyang nakahinto sa may gate. Kasalanan to nung driver!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

And I hate that I love you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon