"Ready?"Tumango ako bago bitawan ang hawak kong lipstick. I put all my make-ups on my luggage.
"I'm ready. Let's go," I said. Hahawakan ko pa lang ang handle ng maleta ko nang kuhanin na iyon ni Florence. He looked at me before he smiled.
He's wearing a Khaki shorts paired with his grey V-neck shirt. While I was wearing a peach dress with an asymmetrical hem with my sandals. Inayos ko rin ang pagkakalagay ng Cartwheel hat sa ulo ko.
Nang makalabas na kami sa hotel na tinuluyan namin ay may nakaabang na na dalawang tauhan sa tabi ng White Van. Mula dito sa kinatatayuan namin ay natatanaw ko ang kalmadong dagat. Malamig pa ang simoy ng hangin dahil madaling-araw pa lang.
Kinuha ng dalawang tauhan ang mga maleta namin at inilagay iyon sa likod ng sasakyan. Pinagbuksan ako ng pinto ni Florence bago kami pumasok sa loob ng Van.
Gentleman talaga.
Lumipas ang minuto at pinahinto ni Florence ang sasakyan sa isang coffee shop.
"We haven't eat anything this morning," he said. Napatango naman. Hindi kami nakakain kanina sa suite dahil nagmamadali kami.
Iniwan ko ang suot kong hat bago kami pumasok sa loob ng shop.
"Tables for two, Ma'am, Sir?" tanong no'ng waiter. Napailing kami. Magte-take out nalang siguro kami dahil may hinahabol kaming oras.
Dahil madaling araw pa lang ay iilan pa lang ang costumers kaya mabilis kaming napunta sa counter.
"What would you like to have, Ma'am, Sir?" tanong no'ng babae sa counter.
"Two Caf'e au Lait, one Espresso and..." sabi ni Florence. Humarap s'ya sa'kin. "...Cuppucino?" tanong nya.
Kung dati ay ayaw na ayaw ko ng kape o ng kahit anong may kinalaman sa kape, ngayon gusto ko na. Pero mas gusto ko si Florence.
Shit, pati ba naman dito ang landi ko?
I nodded. "Yup and four pieces of this bread." Itinuro ko 'yong tinapay na nasa tapat namin.
Nilingon ulit ni Florence 'yong babae sa counter at tumango. "Yes, that. And please add four pancakes."
Florence hand snaked on my waist. Nilingon ko sya pero nakatingin lang sya ng diretsyo sa harap.
Dito pa talaga pa-simpleng lumalandi. Hindi pa ginawa sa suite kagabi. Joke!
Inulit ng babae 'yong order namin. "Is there anything you want to have, Ma'am, Sir? If none, please seat over there and give us fifteen minutes. Thank you."
We sat on the nearest chair. Napahikab ako.
"Are you still sleepy? You can sleep on the Van later. Gigisingin nalang kita kapag nasa airport na." Tumango lang ako sa suhestyon ni Florence bago ako humilig sa dibdib nya.
He started caressing my hair. He's also busy planting soft kisses on my forehead.
Tangena, hindi ako kinikilig.
Pagkalipas ng labing-limang minuto ay dumating na nga ang order namin. Agad kaming lumabas ng coffee shop at bumalik sa Van.
"Kuya, here." Inabot ni Florence ang dalawang kape sa driver at sa lalaking nakaupo sa driver seat. Inabot nya rin ang dalawang tinapay at dalawang pancake pero tumanggi ang dalawa.
"Nako, Sir. Okay na po kami dito sa kape." The driver shook his head. Pero dahil mapilit kami ni Florence ay wala na silang nagawa kundi tanggapin iyon at kainin.
BINABASA MO ANG
Florence and Laury: The what if (COMPLETED)
FanfictionFAN FICTION OF @ShinichiLaaaabs' FLORENCE AND LAURY : )) . Thanks to @goldeninlove for the cover! Thank you! And cttro for the photo! ♡