Hindi ko na matandaan ang nangyari but I just found myself sitting infront of the bar counter. Nakaupo ako sa high toll. Katabi ko ng upuan si Florence habang 'yong babae namang tinawag nyang Patriz ay nandon sa loob at nag abot ng kape sa'min."Sober up!" nakangiting wika nya.
I mumbled a thanks bago uminom. The coffee taste good at unti unting nawawala ang hilo ko.
Naiilang lang ako kasi pucha, nakatitig sya sakin.
"So you are Laury, right?" Tumango ako.
"I'm Patricia but you can call me Patriz!" she offered her hand na agad ko namang tinanggap."I'm Laury. Nice meeting you, Patriz," I smiled.
"I finally meet you! Dati kasi ay sa mga pictures lang kita nakikia," wika nya at narinig kong naubo si Florence at bahagyang namula ang mukha bago pandilatan si Patriz. O...kay?
And wait, magkakilala sila? At pa'no ako nakilala nito ni Patriz? At pictures? Anong pictures?
And Patriz seems familiar. And they looked close ni Florence.
Mukhang nakita nya naman ang pagkalito sa mukha ko kaya napatakip sya ng bibig. "Oh, myghad! Don't tell me hindi mo ako nababanggit kay Laury?!" Sinamaan nya ng tingin si Florence.
Florence chuckled at bahagyang hinila ang kinauupuan ko palapit sakanya. Pucha, ano bang meron? Tsaka bwisit, nagsisimula nang sumasakit ulo ko.
Pabiro namang napairap si Patriz. "Ikaw, ah. Kapag dating talaga kay Laury, nakakalimutan mo lahat, e."
Hinalikan lang ako ni Florence sa pisngi at hindi pinansin si Patriz. Bwisit 'tong si Ignacio. Sa harap pa ni Patriz lumalandi, e.
"Nagmumukha pala akong FC sa'yo," wika ni Patriz na nakaharap sa'kin. "Hindi pala nyan sinabi ni Florence." Bumuntong hininga pa sya bago ilahad ang palad nya.
"Let's make a formal introduction," aniya at humagikgik. Hindi naman sya mukhang lasing. "I'm Patricia but they call me Patriz. I'm the owner of this bar." Wow. "--I mean my parents owned this bar pero pinamana na nila sa'kin so technically, ako na ang may ari." Humalakhak sya.
Natawa nalang din ako bago tanggapin ang kamay nya. "Laury."
Pagkatapos no'n ay nagsimulang magkwento si Patriz. She's bubbly. Habang si Florence naman ay nakasiksik lang sa leeg ko at pinaglalaruan ang mga daliri ko. He's kissing my fingers! Shit, di ko alam na nakakakilig pala 'yon.
Sabi ni Patriz ay nagkakilala daw sila no'ng nagbreak kami ni Florence. Okay, bumabalik sa utak ko 'yong katangahan ko noon.
"Don't get me wrong, Laury. Hindi ko intensyon na ipaalala sa'inyo 'yong darkest moment nyo but atleast, you guys are married na, right?"
Nagulat ako. "How did you know?" tanong ko. Wala naman kaming nababanggit sakanya na kasal na kami. Or maybe she have seen my ring?
Tumawa si Patriz. "Kilala ko na yan si Florence. Malamang itatali ka na n'yan."
She's right.
"Bakit nga pala hindi ka um-attend no'ng kasal namin?" tanong ni Florence. Akala ko hindi na'to magsasalita, e.
Napangiwi naman si Patriz. "I'm not a masochist."
"Ha? What do you mean?" tanong ko. May gusto ba sya kay Florence?
Napatingin ako kay Florence na bahagyang natigilan pero sumiksik ulit sa leeg ko at hinalikan ang balikat ko.
"Yeah, I once liked him-- no, maybe love him?" she answered. Pero mukhang sa sarili nya iyon sinasabi.
BINABASA MO ANG
Florence and Laury: The what if (COMPLETED)
FanfictionFAN FICTION OF @ShinichiLaaaabs' FLORENCE AND LAURY : )) . Thanks to @goldeninlove for the cover! Thank you! And cttro for the photo! ♡