1

2 0 0
                                    

"Sandra,  you will be joining me,  and other general manager of the company for the 3 week seminar to Hawaii. Tomorrow you can prepare your things and papers to bring during the seminar for we are going to Hawaii the next day. "
"Ah, bakit po ako yung isasama ninyo maam? "
"Bakit naman hindi? Eh ikaw yung assistant ko? "
"Ayy, Oo nga po. "
"sige na,  bumalik ka na sa trabaho mo,  pwede kang umuwi ng maaga ngayon,  para masimulan mo nang ayusin ang mga gamit mo."
"Alis na po ako maam"
"Ayy,  wag muna,  ito yung listahan ng mga dadalhin nating mga papeles,  ihanda mo rin ang mga iyan. "
"Ahh, eh,  kayo po ano po ang gagawin ninyo?"
"Marami akong gagawin ngayon, bakit gusto mo akong tulungan? "
"Tulad po ng ano?"
"Bakit andami mong tanong?  Bumalik ka na nga sa upuan mo. "

Bago pa lamang ang companya na pinagtatrabahuan ko..  Ginawa ito ng magkaibigang katatapos lamang sa kolehiyo.  Bestfriend ika mo ang dalawa.  Hindi man ganun kayaman ang mga pamilyang pinagmulan nila, may kaya naman kung mailarawan ang dalawa. 
Kausap ko kanina ay ang boss ko na si maam Clarisse, mabait naman si maam ang problema masyadong sarcastic kung magsalita kaya kadalasan ay napagkakamalang suplada.  Walang boyfriend, kasi naniniwala sya na ang taong para sa kanya ay hindi pa pinapanganak ng nanay nya.  Matalino, maganda,  matangkad, may magandang hugis na katawan..  Siya yung tipong masasabi mong perpekto. Yun nga lang wala namang perpektong tao na ginawa si God kaya mayroon talagang malaking BUT.....  Isa sa mga "but" ni maam Clarisse ay hindi sya madaling pakisamahan, masyadong malamig ang trato niya sa ibang tao lalo na kung hindi niya kakilala.  Suplada,  manhid,  walang puso,  hindi palangiti at iba pang pwede mong masabi sa kanyang pag-uugali.

Bumalik na ako sa upuan ko. Pagka-upo ko pa lamang ay bigla naman dumating si maam Dianne ang kaibigang kasosyo ng boss ko sa negosyo..
"Sandra nasa loob Si Clarisse? "
Hindi pa man ako nakakasagot ay naglakad na papasok sa opisina ni maam Clarisse si maam Dianne. Kaya pinabayaan ko na, magkaibigan naman yung dalawa.
Si maam Dianne kung ilalarawan ay halos magkatulad lamang sila ni maam Clarisse pagdating sa pisikal na kaanyuan,  maganda,  matalino, matangkad subalit chubby na may curve itong si maam Dianne. Isa pa sa kaibahan nila ay sa pag-uugali,  talagang napaka opposite,  kung si maam Clarisse tahimik si maam Dianne baliktad,  maingay yan, di natatapos ang sinasabi,  jolly masyado. Approachable kumbaga ang dating ni maam Dianne samantalang cold naman masyado itong si maam Clarisse kaya nakakapagtaka kung paano sila naging magkaibigan.  Sa napag-alaman ko,  nagkakilala silang dalawa noong nasa hayskul pa lamang sila.  Umiiyak umano si maam Dianne sa tabi ng malaking puno na nasa loob ng kanilang campus dahil hindi pinansin ng long time crush niya noon,  malakas umiyak si maam Dianne, sa panahon naman na iyon ay nag-aaral sa malapit si maam Clarisse at nagulo ang kanyang tahimik na pag-aaral sa malakas at masakit sa taingang iyak ni maam Dianne kaya nilapitan niya ito upang sana ay pagsabihan subalit-datapwat-sapagkat sa hindi makapaniwalang pangyayari ay niyakap siyang bigla ng umiiyak na Dianne at hindi binitiwan hanggang sa makatulog na ito habang nakayakap pa kay maam Clarisse. Doon nagsimula ang kanilang pagiging magkaibigan.
Nagtataka kayo kung paano ko nalaman?
Ang nagsabi lang naman nito ay ang kaharap ko ngayon na napaka-seryoso at napakagandang si Maam Mika,  isang doktor. Kaibigan siya ni maam Clarisse mula elementarya halos magkapareho kasi ang ugali nila. Medyo wierd nga lang itong si maam Mika,  kung feeling nya close kayo magkukwento lang iyan bigla sa iyo. Mahilig sa tahimik na lugar. Siya ang parang nanay sa magkakaibigan lahat ng plano dumadaan sa kanya.
"Maam Mika, nasa loob po sina maam Clarisse at Maam Dianne. "
Tanging nasabi ko na lamang.  Tumuloy na siyang pumasok sa opisina. 
Ang tatlong ito ay tila hindi mo mapaghiwalay, iba-iba man ang kanilang ugali nagkakaintindihan pa rin ang mga ito. Kaya wag na kayo magtanong.
Balik na naman ako sa trabaho at paghahanda sa mga papel na dadalhin namin sa Hawaii. Bakit nga ba ako nasali sa kwentong ito?

The Practical LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon