Habang nagbabasa ako sa mga papeles na dapat pirmahan at ayusin biglang pumasok sa opisina ko ang nakapout at nagpapacute na si Dianne, hindi ko alam kung ano na namang kwento ang dala nito.
"Bessy, masakit. "
Tinaasan ko na lamang siya ng kilay, ano kayang nakain nito.
" Hindi ka magtatanong? "
Ano naman ang itatanong ko. Eh, alam kung sasabihin din naman niya ito sa akin sa huli.
"Wala ka talagang sasabihin? "
"Ganito kasi yan, pumunta akong tagaytay kahapon, nakita ko si Josh may kasamang ibang babae.. Waaaaaahhhh. "
At sino nanaman itong si Josh kaya? Naisip ko. Bawat alis nito sa opisina pagbalik may ibang natitipuhan naman. Kaya balik trabaho ulit ako, magkukwento naman yan kahit walang nakikinig.
"Si Josh nakilala ko sya sa mall, nahulog yung dala kong libro, tapos tinulungan nya ako. Ayon ang cute nya kasi may dimple tapos nakangiti pa. Tapos nun nag-usap kami, kumain, nagtext-text tapos nagkikita minsan akala ko kami na yun pala.. Huhuhu beshyyyy mashakit." maingay pa niyang kwento may pa drama-drama pangnalalaman..
"Bakit mo naman nasabi na kayo na eh, hindi naman nanligaw sayo at mas lalung hindi nagtanong sa iyo, ba't ba kasi ang assuming mo eh. "oppppsss nasabi ko.
"Alam mo namang kulang sa pansin yang kaibigan mo ba't ka pa nagtataka. " sumbat pa ng kakapasok lamang na si Mika.
"Ano bang meron ba't andito kayong dalawa sa opisina ko? "
"Namiss kita eh. "walang buhay na sabi ni Mika walang sense kausap tong isang to eh.. Nagkakabuhay lang yan kung ang topic ng usapan ay tungkol sa trabaho nya o di kaya ay bagong chismis sa buhay namin.. Tinaasan ko na lamang sya ng kilay at nagpatuloy sa ginagawa ko. Nag-usap silang dalawa na feeling wala ako sa harap nila. Kaibigan ko ba talaga ang dalawang ito. Hindi ata nila pansin na busy ako at pwd silang pumunta sa opisina ni Dianne at doon nalang mag-usap. Hayyyssst.After four hours of talking, biglang tumahimik ang paligid kaya napatingin ako sa kanilang dalawa.
"Problem?"
"besheyyy, bakit nga ba hanggang ngayon ay wala ka pang boyfriend? "tanong nitong dianne na naubusan na ata ng topic sa usapan nila ni Mika na tanging sagot lamang ay "oh" sa usapan nila.
"sa tingin mo bakit nga ba? "
"hindi naman sagot yan eh. "
"Walang lumalapit diyan na lalaki dahil natatakot sa pagmumukha niya. " nakakabwesit na sagot naman nitong si Mika.
"woooy maganda kaya itong friend natin, ikaw din naman Mika ahh walang boyfriend eh bakit nga ba wala kayong mga boyfriend eh maganda at successful naman kayo." nagkatinginan na lamang kami ni Mika. Problema ba namin yun eh sa walang nanliligaw at mas lalong walang lumalapit kaya paano kami magkakaboyfriend nyan, alangan namang kami ang manligaw. At isa pa itong nagtatanong sa amin wala rin namang boyfriend. Feeling maganda ang relationship ang peg Dianne?
Napatanong din naman ako sa sarili ko nyan at hindi ko alam ang sagot kaya tumahimim na lamang ako.
Hindi na namin sinagot ang tanong ni Dianne binago na lamang ni Mika ang usapan at napag-usapan na rin ang pag-alis ko papuntang Hawaii for the next few days at ang mga trabaho na maiiwan kay Dianne pag-alis ko. Sinabi kong kailangan namin mag-usap bukas para sa iiwanan kung trabaho sa kanya dahil kahit kaming dalawa yung may-ari nitong kompanya ay parang ako yung gumagawa sa lahat.Oras na para umuwi kaya pinalayas ko na ang dalawa at naghanda para sa mga dadalhin ko pauwi.
For my three weeks seminar and workshop with the general manager sa company kailangan kung iwan ang lahat ng trabaho kay dianne kaya I ready all the papers needed to be prioritized and instructions to be given to her kasi minsan nawawala sa tamang huwisyo ang babaeng iyon kapag nakakakita ng gwapo.
Pag-uwi ko sa bahay ay inihanda ko naman ang mga gamit na dadalhin ko kahit next/next day pa ang alis.
I always think the best of the company kaya minsan nawawalan ako ng oras para sa sarili ko at sa mga taong nakapaligid sa akin. Napaisip din naman ako sa tanong ni Dianne, bakit nga ba walang nanliligaw sa akin, bakit walang lumalapit.
Ito ang mga tanong na bumagabag sa akin bago ako matulog.
![](https://img.wattpad.com/cover/225593116-288-k163887.jpg)
BINABASA MO ANG
The Practical Love
RomanceLove vs. Practicality Anong pipiliin mo? Ang hanapin ang tunay na pag-ibig o ang pagiging praktikal para sa iyong sarili.? Mali ba ang magmahal ng todo? Mali bang piliin ang sarili kaysa taong nagmamahal sa iyo? Anong mararamdaman mo kung ang ta...