Hi.guys pasensya na tagal kung mag-update Hihihi. Busy kasi. Saka ongoing ako sa paggawa ng mga karugtong nito. 😁But anyways ito na naman akess. Enjoy reading ka Watty. 😊
Agad akong nagulat nung may tumawag sa pangalan ko.
Joy? Dinig kung tawag na familiar yung boses niya.
Nilingon ko siya subalit hindi ko makita kung nasaan yung tumatawag sakin.
Ba't ka nandito? Sabi nito sakin.
At agad naman akong napasabi. Sino kaba? At bakit mo ako kilala.
Di mo pa nga nasasagot yung tanong ko eh.
Wala akong paki-alam kung nasaan ako hindi ko din ito alam. Sabi ko sa kanya. Maaari bang magpakita kana kung sino kaman. Tugon ko sa lalaking familiar sakin yung boses.
Kung wala ka naman palang pakay dito umalis kana. Galit niyang sabi.
Napabuntong hininga naman ako. Huh, ano bang sinasabi mo at saang lugar ba to? At bakit mo ako pinapaalis. Sabi ko at agad kuna siyang nasilayan. Nakatalikod siya at nakatingin sa malayo. Sino kaba? Sarkastiko kung tugon. At agad naman siyang humarap. Nagulat ako ng bigla ko siyang masilayan. At agad siyang lumakad papalapit sakin. Di ako makapaniwala kung totoo ba tong nakikita ko.
Joy. Walang dahilan para tayo'y magkitang muli.
Carl. Ikaw ba yan. Kunot noo kung saad.
Joy. Umalis kana or else ako ang aalis.
Carl. Miss na miss na kita laking pasasalamat ko at tayo'y muling nagkita.
Ngunit wala itong dahilan Joy.
Ano bang sinasabi mo Carl. Ni minsan ba naging mahalaga din ba ako sayo. Sabi ko sa kanya.
Subrang napakahalaga mo sakin Joy.
Eh, bakit gusto mo akong lumisan. Bakit mo ako gusto paalisin.
Sapagkat panaginip lang ang lahat ng ito. Nananaginip kalang Joy.
Hindi ako nananaginip Carl. Nakikita at nakakausap nga kita eh. Carl please wag mo akong iwan. Pagmamakaawa ko.
Joy ito na ata ang dahilan para sabihin ko sayo na, hindi ako lumisan sa tabi mo dahil lang sa kagustuhan ng family ko. Sasabihin ko sayong naging parte kana din ng buhay ko napamahal kana sakin at napamahal nadin ako sayo. Mahirap many ika'y iwan pero alam kung ito ang dahilan para patuloy kang magpakatatag hindi lang sa sarili mo kundi para din sa family mo. Tandaan mo Joy kahit wala na ako sa tabi mo mananatili ka parin sa puso't-isip ko.
At tuluyan na ngang lumisan si Carl.
Carl. Please wag mo akong iwan. Pagmamakaawa ko sa kanya. Mula sa kinatatayuan ko wala na akong nagawa kundi tignan nalang siya habang papalayo hanggang sa hindi kuna siya masilayan. At doon na ako napahagulhol sa pag-iyak.
Joy...Joy... Joy..? Joy gising ano bang nangyayari sayo. Rinig kung tawag sakin ni Mama. At agad naman akong naalimpungatan. Dahil sa pagsampal sakin ni Mama na agad kung ikinagising.
Joy. Ano bang nangyayari sayo huh. Tugon sakin ni Mama habang kita ko sa kanyang mukha na may bahid na takot dahil nga sa nangyari sakin.
Ma. panaginip lang pala talaga ang lahat ng yun. Umiiyak ko pang saad kay Mama.
Ano bang panaginip ang pinagsasabi mo Joy huh. Di kuna alam kung anong gagawin habang ginigising kita eh nagsasalita at umiiyak habang tulog.
Ma. nakita ko lang kasi sa aking panaginip yung taong naging kasa-kasama ko naging kaibigan ko nung High school po kami eh. Sabi ko kay Mama.
Bakit nasaan na ba siya ngayon Joy huh.? Sambit sakin ni Mama.
Nasa ibang bansa na po Ma. Saad ko.
Ah kaya naman pala.
Wait lang Joy ikukuha muna kita ng tubig. Sabi ni Mama.Sige po Ma salamat po. At agad na ngang kumuha si Mama ng tubig.
At agad kung naisip yung mga pinagsasabi sakin ni Carl sa panaginip ko. Totoo kayang naging parte din ako ng buhat niya at totoo din kaya yung sinabi niya na napamahal na din siya sakin. Pero alam kung wala naman kahulugan ang lahat ng yun eh dahil panaginip lang naman ang lahat ng yun at kailanman ay hindi magiging totoo.
Joy ito na yung tubig oh uminom ka muna.
At agad ko naman itong kinuha at ininom. Salamat po Ma. Saad ko kay Mama.
Sige na Joy maiwan na kita 2:33am palang naman ng madaling araw pahinga ka muna dyan. Pag-papaalam sakin ni Mama.
Sige po Ma. Maikling saad ko. At agad ng sinarado ni Mama yung pinto.
Binuksan ko muna yung bentana sa may kwarta ko at agad akong napatingin sa kawalan di nadin ako makatulog that time dahil nga sa nangyari. Inaliw kuna muna ang paningin ko sa mga naggagandahang bituin. Lumipas ang ilang minuto ay agad kuna ulit sinara yung bentana at bumalik na nga ako sa aking higaan 2:55am palang naman that time at tumulog na nga ulit ako.
YOU ARE READING
Memories
Short StoryShe is Joy Hernandez a simple woman who wishes to live a beautiful life. A dream come true without interruption. And find the man for him without a rival.