TDG 1

1.1K 15 2
                                    


Serenity Pov

Hello I'm Serenity Haiashi Henrous the one and only and the beauty queen of the world! Charot Hahaha

17 years old and magbibirthday next month so excited na si me kasi mag 18 na ako sa June 2 kyahhh.

"Hoy ateng para Kang kiti kiti dyan kala mo binuhusan ka ng asin sa likot tapos nakangiti ka pa dyan!" Panira ng moment tong kaibigan ko eh. Pano ko ba naging kaibigan tong gagang toh.

Sya si Ventri Vialis Cortest 17 years old malayo pa birthday ng gagang Yan kaya wala ato pake hehe.

"Panira ka din minsan Ng moment VV. Ano ba kailangan mo?" Binatukan naman ako nito. Ang bayolente talaga nito minsan kaya iniisip ko talaga pano ko toh naging kaibigan.

"Gaga ka kanina pa ako dito dada ng dada Hindi mo nama ako pinapakinggan! Yong report natin bukas kailangan na yon at yong pinapagawa ko sayo ng part ng report nagawa mo na ba?" Hayst ayon lang pal---

"What?! Bukas na yon?! Bat di mo sinabe!" Pinisil nito Ng madiin Ang pisngi ko kaya napa aray ako sa sakit.

"Tangengot ka kanina pa ako dito ngawa ng ngawa tapos di ka pala nakikinig sakin! At oo bukas na yong report at nasisiguro ko na yong binigay ko sayong part ng report Hindi mo pa ginagawa!" Binitawan nito Ang pisngi ko kaya napahawak ako dito.

Masakit yon ah parang Ang bigat ng kamay jusko feeling ko laylay na yong pinaka maganda Kong cheeks.

"Grabe ka naman gagawin ko naman talaga kaso tinatamad lang ako" bigla na naman nitong pinisil Ang pisnge ko kaya napaaray na naman ako sa sakit.

Grabe napaka bayolente talaga nito. Kawawa magiging boyfriend nito. Well nbsb yan at sa dami Ng manliligaw nya wala syang sinagot kaya ayan no boyfriend at bitter SA MGA lalaki.

"Aba Ang aga aga Ang iingay nyo! Bumalik kayo sa mga upuan nyo!" Nagsi ayos kaagad kami dahil sa bagong dating na teacher.

Teacher namin sa Math jusko bat naman kasi math Ang sunod na sub eh hayst.

As usual discuss tapos sagot saglit tapos quiz. Ayan naman lagi ginagawa kapag math eh.

Buti nga naiintindihan ko minsan tinuturo ng teacher namin sa Math eh.

"Okay pass your paper class at attendance nyo na din Yan kaya Kong sino Ang Hindi gumawa absent." Grabe napa strict talaga ng teacher namin sa Math jusko.

"Dismiss" napahinga naman ako ng maluwag ng mawala na si sir sa harap hayst break time na din sa wakas.

"Tara punta na Tayo sa cafeteria baka mawalan tayo ng uupuan." Kaagad naman akong tumayo at sabay kaming lumabas ng classroom ni VV.

Pagdating namin sa Cafeteria ay pinagtitinginan kami ni VV I mean Sakin lang pala. Well nakakakuha naman talaga ng atensyon Ang pananamit ko.

Manang kasi ako manamit kaya Hindi na kataka taka na mapapansin nila sa isang katulad ko na nag aaral sa isang private na Manang manamit.

Eh ito naman si VV well maganda naman sya sexy pero walang balak mag boyfriend Ang Gaga.

"Ahh VV ako na pala mag hahanap ng uupuan natin ah Ikaw nalang umorder alam mo naman Kong anong pagkain Ang kinakain ko diba?" Kaagad naman itong tumango Sakin kaya nagsimula na akong maghanap ng table.

Nakita ko sa Isang bakante na table na walang tao kaya kaagad akong pumunta doon pero kaagad natigil dahil sa biglang pagsama ng presensya na naramdaman ko.

"Kong ako sa kanya Hindi na ako pupunta dyan."

"Oo nga lalot kakaibang istudyante Ang nakapwesto sa table na iyan"

Tinignan ko Ang mga istudyante na nakatingin sa akin na wag na akong tumuloy sa pwesto na iyon.

Gustuhin ko man pero wag na siguro. Umatras ako at pinalibot Ang paningin sa paligid at nakita ko pa isang bakanteng table kaya doon nalang ako pumunta at umupo.

Nawala na din Ang naramdaman ko kanina Ng umatras ako papunta sa table na iyon.


"Oh bat Parang natatae ka dyan na Ewan." Biglang sulpot ni VV na may dalang pagkain.

"H-Ha? Ah wala wala" sabi ko dito at tinulungan nalang sa pagbaba nong dala nyang tray.

Habang kumakain kami ni VV ay pinag uusapan namin Ang gagawin sa report bukas.

Nasa kalagitnaan kami Ng pagkain ni VV ng bigla kaming nakarinig ng sigaw.

"AHHHHHHHH!!!!"

Pero pansin ko sa mga istudyante na parang wala silang narinig dahil busy sila sa kanilang pagkain at kwentuhan.

"Uy bat ka natigilan dyan? May problema ba sa pagkain?"biglang tanong sa akin ni VV.

"Narinig mo ba yong sigaw Ng isang istudyante?" Nagtaka naman sya sa tinanong ko.

"Sigaw? Gaga ka gutom lang yan. Ikain mo nalang." Mukhang pati si VV Hindi nya din narinig Ang sigaw na iyon.


Ako lamang Ang nakarinig ng sigaw na iyon. Natapos na kaming kumain ni VV at kaagad na kaming bumalik sa Classroom.

Habang nasa klase ay lutang ako. Hindi ko alam Kong bakit dahil siguro sa sigaw na iyon.

Wari Kong sigaw na iyon ay parang may nakita o may humahabol sa kanya.


Uwian na at lutang pa din ako. Hayst bat ko ba kasi Iniisip yon.
"Uy!"

"Ay butiking walang buntot! Ano ba!" Humagalpak ito ng tawa kaya sinamaan ko sya Ng tingin.


"Nakakatawa yon? Hulog kita dyan sa may bintana eh!" Tumawa lang ito kaya napasimangot ako.

"Makabag ka Sana bwisit toh!" Aba Ang Gaga tinawanan Lang talaga ako kaya ayon binatukan ko.

Sya naman ngayon Ang sinamaan ako ng tingin."tingin ka dyan dukutin ko yang mata mo eh."

"Gaga eh sa nakakatawa kasi yong itsura mo kapag nagugulat ka hahaha Hindi ko mapigilan matawa." Napasimangot ako lalo. Bala sya sa buhay nya. Kaagad ko Itong iniwan sa classroom at naunang umalis.

Kaagad naman itong nakahabol sa akin at kumapit sa braso ko. "Para Kang tuko Kong makakapit ka eh noh." Inirapan Lang ako nito.


Bago kami makalabas Ng building ay kaagad naming nakita ni VV Ang isang grupo ng babae at lalaki.

Naramdaman Kong napakapit Ng mahigpit sa akin si VV. Kaya tinignan ko ito na nagtataka.

"Hoy anyare sayo? Grabe ka makahawak sakin tatanggalan mo ata ako ng braso eh." Pero napansin Kong Ang putla nya.

"Bilisan nalang natin." Maikli nyang sabi sakin kaya mas lalo akong nagtaka pero baliwalain ko nalang baka masama pakiramdam nya.

Nadaanan namin Ang grupo na iyon at napansin Kong nakatingin sila sa akin pati na din Kay VV.

" Tss"

Problema Ng mga yon at nakatingin sila sa Amin ni VV? Mga abnormal ata mga yon eh.

*************************
A/;please vote and read
THANK YOU!

The Demi Goddess FS#2[COMPLETED]✓Where stories live. Discover now