Isa kang Grab driver for the summer. Wala ka rin namang magawa sa bahay, kaya napag-isipan mong mag-sideline na lang muna. Naka-hazard ka sa isang street sa Cavite. Naghihintay ka nang mag-bobook sa'yo. After 5 minutes, may notification sa cellphone mo. May nag-book, ang pangalan ay John Paulo Nase.
John Paulo Nase... John Paulo Nase? Binasa mo ulit ang pangalan ng nag-book sa'yo. John Paulo Nase nga. Tiningnan mo ang picture niya. Nanlaki ang mata mo. Ibig sabihin nito... si Sejun ang sakay mo today. You accept it. Shet, si Sejun nga 'to, sabi mo sa sarili mo. Nagmaneho ka papunta sa kaniyang location.
Huminga ka nang malalim. Chill ka lang, Y/N. Grab driver ka. Hindi 'to meet and greet. Natawa ka sa sarili mo. Nakita mo na si Sejun sa malayo. Itinabi mo ang sasakyan kung nasaan siya. Binuksan niya ang pinto sa backseat, nagsabi ng good morning, at sumakay.
"Good morning din." Sagot mo sa kaniya. Medyo kabado ka kasi sa katunayan, si Sejun ang bias mo. Nagmaneho ka na patungo sa pinned location. Hindi mo namalayan na tumutugtog ang Alab mula sa iyong playlist. Narinig mo si Sejun na sumasabay sa kanta. Naisip mo, ang ganda ng boses niya. Tiningnan mo siya through the rear-view mirror. Nakatingin siya sa labas habang kumakanta. Napaka-effortless nang pagkanta niya, pero ang ganda ng boses.
Napansin niya na nakatingin ka sa kaniya. Ngumiti siya. Binalik mo ang tingin mo sa daan, dahil na-fluster ka. "Alam niyo po ba 'yung SB19?" Tanong ni Sejun sa'yo. "Ah... oo. Fan talaga ako. Nahihiya lang akong i-acknowledge ka." Narinig mo siyang tumawa. Naramdaman mong umiinit ang iyong mga pisngi.
"Bakit mo kailangang mahiya? Ako lang 'to. It's nice to meet an A'TIN." Tiningnan mo muli siya mula sa rear-view mirror. Nakatingin na siya sa'yo, at nakangiti. 'Yung ngiting kita ang braces niya. Napangiti ka rin. Nahihiya ka kasi talaga. "Wait, pwede mong itabi saglit? Lipat ako diyan sa harap." Sabi niya sa'yo. "Ha? Bakit?" Tanong mo sa kaniya. "Wala lang."
Itinabi mo ang sasakyan. Baka mamaya mababa i-rate sa akin nito 'pag hindi ako sumunod, naisip mo. Pero sa totoo, kinakabahan ka na. Bumaba siya at lumipat sa harap. Katabi mo na siya. Nagkatinginan kayo. Ngumiti siya at nag-seatbelt. Nagmaneho ka na ulit. "First time ko lang ata makachempo ng Grab na 'yung driver ka-edad ko." Sabi niya sa'yo. "Sideline lang ngayong summer," Sagot mo.
"Anong pangalan mo? Sorry, 'di ko binasa kanina sa app."
"Uh... Y/N."
"Nice to meet you, Y/N. Ako si Sejun."
"Alam ko." Tumawa ka."Medyo malayo 'tong dance studio na naka-pin, ah." Sabi mo sa kaniya. "Ah, diyan kasi kami usually nag-papractice." Tumango ka. Tumahimik kayo nang saglit. Nag-stop muna kayo sa daan dahil traffic. Tiningnan mo siya, at nakatingin siya sa'yo. Namula ka. Bakit 'to nakatingin sa akin? May dumi ba sa mukha ko?
Bigla niyang inilapit ang kaniyang kamay sa mukha mo. Nagulat ka. "Wait, aalisin ko lang 'yung buhok sa mukha mo." Sabi niya sa'yo. Inalis niya ito. "Okay na." Unti-unti nang umuusad ang mga sasakyan sa daan. Gumagalaw na ulit kayo. Binalik mo ang tingin mo sa daan.
Si Sejun ay nakatingin sa litratong nakaipit sa compartment mo. "Sino 'to, jowa mo?" Casual niyang itinanong. "Hindi, kapatid ko 'yan. Ang tagal ko nang huling nagka-jowa. Panget ng experience ko eh." Sagot mo sa kaniya.
"Bakit naman?"
"Ah... niloko kasi ako. Two years ago na 'yun, pero hindi ko magawang mag-try ulit."
"Tsk. Sinayang ka lang niya."
Tumaas ang kilay mo, at tumingin ka sa kaniya saglit. "Bakit naman?""Ha? Tingnan mo sarili mo sa salamin."
"Huh?" Tumawa ka.
"Sa lahat ng Grab drivers na na-book ko, ikaw pinaka good-looking."Tiningnan mo siya, at natawa ka. "Bakit?" Tanong niya sa'yo. "Hindi ko alam kung seryoso ka ba, eh." Sinabi mo sa kaniya. Binalik mo ang tingin mo sa daan.
"Seryosohin kita." Sabi niya.
"Huh?" Nagtaka ka. Anong pinagsasabi nito?
"Wala." Ang sagot niya sa'yo.Before you know it, nakarating na kayo sa pinned location. Itinabi mo ang sasakyan sa may sidewalk. "Okay, dito na tayo." Sabi mo sa kaniya. "Okay." Kinuha niya ang wallet niya. Bigla mong na-realize na aalis na siya. Na-realize mong baka ito ang first and last na pagkikita niyo. Might as well ask him for a picture, 'di ba?
Binigay niya sa'yo ang bayad niya. "Thank you, Y/N." Bubuksan na dapat niya ang pinto, ngunit napatigil siya nang bigla mong sabihin, "Pwedeng magpa-picture?" Nahihiya ka talaga, ngunit gusto mo rin ng memory from this unexpected encounter. "Of course."
Tinanggal mo ang cellphone mo sa cellphone holder. Pumunta ka sa camera at pumwesto kayong dalawa para mag-selfie. Sobrang lapit niya sa'yo. Inakbayan ka niya. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha mo. Nag-selfie kayo nang dalawang beses.
Tiningnan mo ang pictures niyo. Sa unang picture, pareho kayong naka-smile at nakatingin sa camera. Sa pangalawang picture naman, naka-smile pa rin kayo, pero nakatingin na siya sa'yo. Unti-unting namula ang mga pisngi mo. Ayaw mong aminin, pero kinikilig ka. Bakit niya ba kasi kailangang tumingin sa akin?
"Sejun... Thank you!" Ang sabi mo sa kaniya. "You're welcome." Ngumiti siya at binuksan ang pinto, ngunit napatigil siya. Bigla niyang itinanong sa'yo, "'Yung number mo dito sa Grab, ito ba personal number mo?"
"Oo. Bakit?"
"Para alam ko kung saan kita tatawagan."Nag-bye siya, ngumiti sa'yo, at bumaba na sa sasakyan.
BINABASA MO ANG
SB19 One Shots [ongoing]
FanfictionHello, mga A'TIN! This book contains SB19 one shots, imagines, and AUs. All events in the story are fictitious. All characters, places, and such are used in a fictitious sense. Events that seem based on real life are coincidental. Language: English...