Nagmadali kang umalis ng bahay para makapila kaagad sa favorite chicken wings place mo sa may UP Town. Fifth anniversary ng restaurant na 'yun, kaya may promo sila. Sinikap mong makarating doon kaagad, kahit 1 hour late ka na sa opening hours nila.
Pagdating mo sa restaurant na 'yun, ang haba ng pila. Ikaw ang huli sa pila as of now. Ang promo kasi nila ay for every dozen of chicken wings, may libreng half dozen of wings na flavor of your choice. Puwede raw iba sa flavor ng dozen na in-order mo. Ikaw naman 'tong takam na takam, kasi favorite mo ang chicken wings.
Wala ka nang magagawang iba kundi pumila at maghintay. Marami nang kumakain sa loob, at 'yung mga kasama mong pumila ay waiting sa tables. Puro grupo ang mga nakapila. Nakita mo ang isang waiter na pumunta sa grupong nakapila sa pinakaharap. Kinuha niya ang order nila at pinapasok sila sa loob. Malaking bawas ang grupo nila sa pila.
Napansin mo na hindi na ikaw ang huling taong nakapila. May mga dumagdag ng iba. 'Yung nasa likod mo, mukhang mag-isa rin katulad mo. Hindi ka naman malungkot na mag-isa ka lang. Gusto mo nga 'yun eh, para sa'yo lahat ng wings.
Hindi mo naman sinasadyang tumingin sa nasa likod mo pero napansin mong nakasuot siya ng polo shirt na may flames, chains, slacks, at boots. Mukha siyang e-boy. Buti na lang nag-cecellphone siya at hindi ka niya napansin.
Binalik mo ang atensiyon mo sa pila. May pumasok ulit na grupo. Umuusad na ang pila, and before you know it, pangalawa ka na after ng isang grupo. Hiningi ng waiter ang order ng grupong nasa harap mo. In 10 minutes daw ay puwede na silang pumasok. Nagpunta sa'yo ang waiter pagkatapos.
"Table for?" Ang tanong niya sa'yo.
"One." You answered.
"Wait, two po talaga 'yun. Nakalimutan lang niya ako."Napatingin ka kung saan nanggaling ang boses na sumingit sa usapan niyo ng waiter. Nanggaling ito sa e-boy na nasa likod mo. "Okay po. Table for two. Balikan ko po kayo to get your orders." Ngumiti ang waiter sa'yo bago umalis.
Tiningnan mo siya. "Ano sa tingin mong ginagawa mo?" Tanong mo sa kaniya. Halata sa boses mong asar ka. "'Wag kang magalit, please. Gutom na gutom na kasi ako. Chicken wings 'to, eh. Ililibre kita ng one dozen ng wings basta pumayag ka lang na mag-share tayo ng table. Hindi na kasi ako makapaghintay."
Napatigil ka. Ililibre niya ako ng one dozen. So, ibig sabihin nito, may kasama pa 'yung half dozen. In total, may libre akong 18 pieces ng wings. Kung tutuusin, wala na akong gagastusin kundi rice, dip, at inumin ko. Nag-isip-isip ka. Mukhang magandang deal naman 'to.
"What do you say?" Tanong niya sa'yo.
"Dapat sinabi mo sa akin agad na ililibre mo ako, para hindi kita tinarayan." Ngumiti ka sa kaniya. Sino ba naman ako para tumanggi sa libre? Nag-smile din siya. Napansin mo na ang cute pala niya.Bumalik na ang waitress from before. May dala siyang menu, at iniabot niya ito sa inyong dalawa. Pinili mo ang one dozen buffalo wings, tapos 'yung flavor ng libreng half dozen ay garlic parmesan. Iyon din ang in-order ni E-boy. Umalis na pagkatapos ang waiter, at pinapasok niya ang grupo sa harapan mo.
"Wow, galing. Pareho tayo ng order." Ang sabi mo sa kaniya. "'Yun favorite ko, eh." Ang sagot niya sa'yo. "Favorite ko rin 'yun." Tahimik kayong naghintay pagkatapos. Unti-unti nang nagiging okay sa paningin mo si E-boy. Una, ililibre ka niya. Pangalawa, pareho kayo ng favorite flavors.
"Um, anong pangalan mo?" Tinanong ka niya. Tiningnan mo siya. "Y/N." Sagot mo. "I'm Ken." Inabot niya ang kaniyang kamay. Nag-handshake kayo. "Bakit wala kang kasama kumain ng wings?" Tinanong ka niya. "Ayoko ng may kaagaw sa wings, eh." Ang sagot mo. "Same. Huwag kang mag-alala, hindi kita aagawan."
Pinapasok na kayo sa loob ng restaurant. "Your orders will be served in 15 minutes." Sabi ng waiter. Nag-thank you kayo pareho. Sa first 1 minute na nakaupo kayo, tahimik lang kayo. Ang awkward kasi, eh. Pero, ikaw ang naunang nagsalita dahil hindi mo na matiis ang awkwardness.
"Um... Ken?"
"Oh?"
"Sorry kanina kung natarayan kita. Nagulat lang kasi ako na biglang may ka-share na ako ng table."
"Ako nga dapat ang mag-sorry. Hindi muna ako nagpaalam agad."
"Okay lang."
"Hayaan mo na lang akong bumawi by treating you." Nag-smile siya. Hala, bakit ang cute niya?"Well, okay. Parang date lang, ah." Ang banat mo sa kaniya. Natawa siya. "Kung gusto mong gawing date 'to, okay lang. Walang kaso sa akin." Ang sagot niya sa'yo. Nag-blush ka nang kaunti. Binawi mo ang sinabi mo. Hindi mo in-expect na lalandiin ka niya pabalik. "Joke lang naman kasi." Ang sabi mo.
"Ano ba 'yan, seryoso pa naman ako." Ang sagot niya. Hala, parang tanga 'to. Buti na lang, dumating na ang orders niyo. Dahil doon ay napigilan mo ang kilig mo. Ang bango ng chicken wings, shet. Excited ka nang kumain.
"Itadakimasu!" Binulong ni Ken, pero narinig mo.
"Ay, weeb." Pang-aasar mo sa kaniya.
"Luh. Try mo rin kasi manood ng anime."
"Grabe naman 'to, pikon. Nanonood din ako ng anime.""Weh? Talaga?" Inaasar ka niya. Hindi mo alam kung bakit, pero 'yung asaran niyo ay parang asaran ng dalawang taong close. "Oo nga, bwiset 'to. Kumain ka na lang diyan, kundi gagamitan kita ng rasengan." Tumawa siya bago kumain.
"Y/N."
"Oh?"
"Picturan kita na may hawak na chicken wings."
"Huh?"
"Sige na."Pumayag ka na lang. Naghawak ka ng dalawang chicken wings at nag-smile. Kumuha siya ng picture mo. "My new favorite person and my all-time favorite food." Sinabi niya sa'yo , at ngumiti pagkatapos.
"Y/N, after this, let's meet again."
BINABASA MO ANG
SB19 One Shots [ongoing]
FanfictionHello, mga A'TIN! This book contains SB19 one shots, imagines, and AUs. All events in the story are fictitious. All characters, places, and such are used in a fictitious sense. Events that seem based on real life are coincidental. Language: English...