Art Hoe - Justin

57 3 0
                                    

    Bilang isang graphic designer, naimbitahan kang pumunta sa isang digital art expo. May exhibition ang mga Filipino digital artists. Nais mong magbigay ng suporta sa mga colleagues mo na mag-didisplay ng kanilang art.

Pagpasok mo sa venue ay medyo marami na ang tao. Hindi ka big fan ng malalaking gatherings or parties, pero you treat this event as an exception. Kahit mag-isa ka lang, okay lang sa'yo, dahil ang ganda naman ng mga naka-exhibit.

    Nakasuot ka ng black turtleneck shirt, khaki flare pants, at boots. Dala-dala mo ang gamit mo sa isang handbag. Hindi ka nag-back down sa accessories today. As a creative person, may interest ka rin pagdating sa fashion.

    Nagsimula ka ng magtingin-tingin ng mga pieces. Medyo marami ng tao sa venue. Nagpunta ka sa isang corner na puro old TVs ang naka-display. Sa bawat TV ay may imaheng nakikita. Binasa mo ang description at nakalagay dito ay sa bawat imaheng nakapaskil sa TV, may depiction ng mga pangyayari sa Dekada '70. Napatango ka. Hilig mo talaga ang mga ganitong uri ng pieces, 'yung may representation ng history.

    Napansin mong may tumabi sa'yo. Tiningnan mo kung sino ito. Isa siyang lalaki na may katangkaran, nakasuot ng beige knitted sweater, black slacks, at boots. Ang una mong napansin sa kaniya ay ang red na beret niya.

    "Mukhang art hoe." Bulong mo sa sarili mo. Tiningnan ka niya.
    "Anong sabi mo? Art hoe?" Sabi niya sa'yo. Hindi mo inaasahang maririnig niya ang sinabi mo.
    "W-wala."
    "Kung art hoe ako, bakit mo tinitingnan artwork ko?"

    Napatingin ka sa kaniya. Tiningnan mo ang pangalan ng artist. Justin de Dios. "Ikaw si Justin de Dios?" Ang tanong mo sa kaniya. "Oo." Bigla siyang umalis. Hala, pikunin. Suplado. Naisip mo. Napabuntong-hininga ka na lang. Hindi mo naman sinasadyang mainsulto siya.

    Kinuhanan mo ng litrato ang artwork ni Justin. Nagandahan ka rito ng husto. Pagkatapos nito, napagdesisyunan mong mag-ikot sa venue para makita ang iba pang pieces. Gusto mo ring hanapin si Justin para mag-sorry.

    Matapos ang saglitang paglalakad, nakita mo si Justin na nakatambay sa may mga animated images. May kausap siya, pero umalis din naman agad. Naglakad ka papunta sa kaniya para i-approach siya. Kinalabit mo siya sa likod.

    Lumingon siya. "Hi." Sabi mo. "Bakit?" Tanong niya. "Sorry about doon sa kanina. Sorry kung naasar ka or na-offend in any way." Sincere mong sinabi. "Hmm..." Ang reply niya sa'yo.

    Bigla siyang nag-smile. "Okay." Ang sabi niya sa'yo. Ngumiti ka rin. "Ako nga pala si Y/N." "Justin." Nag-handshake kayo. "Nga pala, Justin, nagustuhan ko 'yung piece mo on Dekada '70. Very meaningful and uncanny." Ang sabi mo sa kaniya.

    "Thank you. Artist ka rin ba?"
    "Graphic designer. Nandito ako para suportahan mga exhibit ng colleagues ko. Mukhang hindi ko pa sila nakikita, though."
    "Oh, okay. By the way, sorry kung naging suplado ako sa'yo, Y/N. Pagod lang talaga ako." Tumawa siya.

    "Bakit naman? Busy?"
    "Busy sa work. Hindi ito 'yung main kong work, eh."
    "Hmm... artista ka ba?"

    "Medyo?" Tumawa ulit siya, at idinagdag niya, "Bakit mo naman nasabi 'yun?"
    "Honestly? Mukha kang artista." Sagot mo sa kaniya.
    "Ah, so pogi ako?" Pang-asar niyang tanong.
    "Bahala ka diyan." Sagot mo sa kaniya. Pero ang totoo, napopogian ka talaga sa kaniya.

    "Y/N, gusto mo bang sumama sa akin kumain? May cafe dito sa venue. Medyo nagugutom na rin ako eh." Sinabi ni Justin sa'yo. "Sure." Ang sagot mo. He offers his arm with a smile. You hold onto it. Napa-smile ka rin.

    Naglakad kayo papunta sa cafe habang nag-uusap. Ikaw ang unang nagsalita. "Gentleman ka naman pala." Ang sabi mo sa kaniya. "Oo. 'Di lang halata sa una. Sorry ulit, ah." "Ano ka ba, dapat ako 'yung mag-sorry."

    Nakarating na kayo sa cafe. Nagpunta kayo sa empty table for two. Inalalayan ka niya sa pag-upo. Umupo siya sa tapat mo. After nito ay nag-order na kayo. Nag-usap muna kayo while waiting.

    "Y/N, may performance ako bukas. Alam kong kakakilala ko pa lang sa'yo, pero gusto sana kitang i-invite para panoorin kami." Sabi niya. "Performance?" "Oo. P-pop idol ako, kung alam mo ibig sabihin noon." "Wait. Kaya pala parang familiar ka. Nakita na ata kita sa Asap or something." Natawa siya.

    "So... pwede ka ba bukas?"
    "Sige. Wala rin akong pasok bukas, so might as well." Nag-smile ka sa kaniya.

    "Nagustuhan mo ba 'yung exhibit?" Tanong niya sa'yo.
    "Oo naman. Lahat maganda."
    "Isa lang kaya maganda doon."
    "Huh?"
    "Ikaw. Ikaw maganda."

    Tinitigan mo siya na parang hindi ka makapaniwalang sinabi niya 'yun. "Kaya talaga ako nagpunta sa piece ko noon. Ilang beses ko na nakita sarili kong piece, pero kailangan kong makita kung sino 'yung magandang nakatingin sa gawa ko."

    "Medyo naasar ako sa'yo noong una, pero 'yung totoo is hindi ko kasi alam kung paano ka i-aapproach nang maayos. Kaya buti na lang ikaw nag-approach the second time around." Dagdag pa niya. Napangiti ka na lang.

    Dumating na ang pagkain niyo, at masaya kayong kumain.

SB19 One Shots [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon