Chapter 27: FORGIVENESS IS THE KEY

99 11 0
                                    

▪•▪•KEI'S POV▪•▪•

.......... KUYA'S WEDDING RECEPTION .......

Kasal ni kuya ngayon.... imbis na magsaya ako, dinaig ko pang namatayan.

Hay nako Kei... sarap mong tawanan

"Oh... bakit parang ang lungkot lungkot naman ng made of honor ko?" tanong ni ate Elly pagkalapit nito sakin.

Ngumiti ako ng pilit "Sorry ate ha.... marami lang po talaga akong iniisip"

"Bakit, may problema ba?"

Tumingin ako sa mukha ni ate "Hmmm ate.... may itatanong ako sayo, ok lang ba?"

Umupo sya sa tabi ko... "Sige bunso, ano ba yon?"

Huminga ako ng malalim, "Ate... paano mo nalaman na si kuya na yung para sayo?"

Ngumiti sya sakin "Hindi ko din alam bunso eh.... basta bigla bigla mo nalang mararamdaman yun" hinawakan ni ate Elly ang kamay ko "Hayaan mo bunso, balang araw mahahanap mo na rin yung para sayo"


** 3 HOURS LATER **

............ BAHAY...........

Pagkauwi namin sa bahay dumeretso agad ako sa kwarto ko....

Hanggang ngayon wala pa din ako sa sarili ko. Di ko alam ang gagawin ko

Humiga ako sa kama ko at niyapos ang unan sa tabi ko..... nakatulala lang ako, mugto na ang mata ko pero Hindi pa din ako makatulog.

Hanggang sa unti unti nang nagsimula ang paglabas ng mga luha ko, sunod sunod ang pagpatak nito...

"Bakit ganto kasakit?...." tanong ko habang nakayapos sa unan ko.

"Lord bakit si Ethan parin yung hangad ko.... bakit sya pa rin yung gusto ko? kung hindi sya ang para sakin bakit pa ko naghihirap ng ganto?"

Iyak ako ng iyak sa sakit na nararamdaman ko.

Dahil sa sakit na yon wala na kong pakialam sa mga nasa paligid ko. Kahit tumatawag sa phone ko ang mga kaibigan ko.... Hindi ko sila sinasagot.

Nailalabas ko mag isa ang lahat ng problema sa puso ko.... lahat ng sakit at kirot..... na kahit ilabas ko man ang nararamdaman ko masakit pa rin.

**Door opens**

May umupo bigla sa kama ko...

"Nak..... ayos ka lang ba?" tanong ni mama.

Tumingin ako sa kanya at nakita ni mama ang mukha kong punong puno na ng luha.

Pinaupo nya ko at pinunasan nya ng kamay nya ang mukha ko...

"Anak, nung minsan pa kita napapansing ganyan.... wala ka sa sarili mo, tapos lagi kang tulala..." inayos nya ang buhok ko "Alam kong may problema ka... pede ko bang malaman kung ano yon?"

Lalo akong naiyak sa tanong ni mama.
"Ma, sorry ha...."

Kita ko ang pagtataka sa mukha nya, "Bakit?.. bakit ka nagsosorry?"

Nilakasan ko na ang loob ko at desidido na kong aminin Kay mama ang sikreto kong hanggang ngayon di pa nya alam.

Lalong dumami ang luhang pumatak mula sa mga mata ko.... "Ma.... diba dati may lalaki akong iniyakan, si Ethan... tanda mo pa ba?"

Still You, Only You Where stories live. Discover now