CHAPTER 1: MY JOB

801 11 0
                                    

"Magandang- magandang- magandang tanghali infinites!!! 

narito nanaman tayo para makinig ng favorite love songs nyo 

Kaya request na at baka yan ang susunod na iplay ko,  time check it's already 12:25 pm

kasama pa rin ninyo ang binibining laging tagapaalala, na nag iiwan sa inyo ng katagang:

'ayos lang kung sa lovelife ay waley, basta't ang utak nyo naman ay havey na havey'

 ang nag iisang Ms. Kei on 88.8 infinite FM, walang hangganang saya"

Ito ang 9th time kong magsalita sa radyo on air,  sawakas after few years natupad din ang gusto kong magpart time job as Radio DJ.

By the way, I'm Kei Zandra Neda , Age? 25 years old. I'm actually a licensed psychologist but since di pa ko makabyahe papuntang ibang bansa, nagpursue nalang ako na maging DJ and song writer muna dito sa Pilipinas, di man kataasan ang sweldo nitong pinili ko, eh nag eenjoy naman ako. 

Bukod sa pagiging DJ ay nagsusulat din ako ng mga kanta na binebenta ko naman through uploading online. More on mga banda at mga underrated artists talaga ang madalas na bumibili ng lyrics na ginagawa ko. One song can gain 9.1 cents per minute, not bad na rin for me kasi madalas kung ano yung pinakamahabang kanta na magawa ko, ay yun yung nabibili kaagad ng mga artists. And ofcourse, para mas nakahahalina sa tenga ng mga nakikinig, nilalapatan ko rin ito ng tono na ginagawa ko lang through costumizing sounds from every kind of thing na mahanap ko. 

Music is my life, that's why hindi na rin ako nahirapan to adjust my self after I decided na mag take a break muna on my degree since licenced psychologist naman na ako. Dapat kasi talaga, nasa Canada ako ngayon. Ayoko kasi munang ituloy yung trabahong dapat ay ginagawa ko sa ngayon, hindi sa hindi ko mahal yung tinapos ko kundi sa ayoko din munang iwan ang mga magulang ko. Since single at di pa naman ako nagkakaroon ng sarili kong pamilya, all I want now is to be with my parents na muna, syempre para makabawi rin ako at maalagaan ko sila.

Family? well, we live happily and peacefully at our sweet home. Just me with my mama, papa and kuya.. dalawa lang kaming magkapatid and yes bunsutil ako HAHAHAH at dahil kaisa-isa akong babae ay talagang istrikto ang papa ko. Biruin mo 25 na ko, malapit nalang mawala sa kalendaryo ang edad ko ayaw pa rin niya na mag boyfriend ako HAHAHHA. Maswerte nalang si papa, kasi hanggang ngayon wala pa rin naman akong pake sa ganung bagay. 

And ayon segway na sa tanong na "lovelife?", well I'm single at wala pa akong balak na pumasok sa isang relasyon, nakakadala ang mga lalaki at hindi naman sa panghuhusga pero feeling ko halos lahat sila pare-pareho lang... at dahil focus muna ako sa trabaho ko, eh mabuti na yung umiiwas sa sakit ng ulo.

..................................................................

"Oyyy mamsh ang galing mo kanina ha, woooohhhh idol talaga kita!!" sabi sakin ni Cindy habang naka videocall kaming dalawa.

"Awww salamat baby, makinig ka every 12:00pm ha"

"Oo nman mamsh , lagi ko nga inaabangan eh"

By the way, si Cindy Perez ay isa sa mga kaibigan ko. Pangalwa sya sa pinakamatanda saming magkakaibigan. She treat me like her second mother kahit na mas matanda pa sya sakin. HAHAHA, sa totoo lang para kasi syang bata kung umasta kaya totally di halatang mas matanda sya sakin. Ever since highschool kasi simula nung nagkaclose kami, ako na lagi ang nasa tabi nya para gabayan at paalalahanan siya bilang kaibigan nang sa gayon ay matulungan ko sya sa mga bagay na di nya maintindihan. That's why she calls me "mamsh" or pag minsan "mami".  Sobrang busy sya sa pagpapaandar ng sarili nyang restaurant, oo she graduated culinary degree at nakaka proud kasi natupad niya rin yung sariling resto na gusto niyang ipatayo.  Sa sobrang busy halos isang buwan din ang inaabot bago kami magkita, abala din sya sa pagca-cater sa mga kasal kaya sabi nya pag kinasal daw ang isa saming magkakaibigan ay sya na daw ang bahala sa catering hahaha, sosyal ang gaga.

Still You, Only You Where stories live. Discover now