!!DIRECTION FROM THE AUTHOR!!: ALL Chapter 3 from A-C shows the story of Ethan and Kei YEARS AGO. (Highschool days)
. . . . . .
"Uyyy Kei!!"
Napalingon ako ng may tumawag sa pangalan ko....
"Oh? nagulat naman ako sa'yo.. Hi Dominick" nakangiting sagot ko.
Well, Dominick Buenafe is my friend from Technology Program. Like me, hilig din nya ang music pero sa TP sya nag enroll dahil yun din ang gusto nyang course pagdating ng College. Kahit na nasa TP sya sumali parin sya sa Club namin, dati na daw kase syang nag jo-join sa mga Vocal Club, gusto pa daw nyang mapalawak ang mga kaalaman nya sa larangan ng musika.
By the way...sa school kase namin before section 1, we have 4 Top programs. Technology, History, Recreation and Arts Program. Hindi ko alam pero nakakatuwa kasi kahit highschool pa lang kami sobrang saya at thrilling din na mapasama sa acad program.
Medyo pressure kaya thrilling hehe kasi may maintaining grade, kaya kailangan talaga kaya mong ibalance ang acads sa extra essence ng program na pinili mo. Bukod sa nakatutulong ung program sa pag enhance ng skills namin pagdating sa larangan at passion na gusto namin, nakakatulong din ito para sa disiplina at pagbabalanse ng oras at effort namin sa academics.
Oh diba ang lakas maka College...
Nasa Arts program ako, and sa larangan ng Sining, pagkanta ang hilig ko. I belong to choir group or Vocal Club kasama ng mga kaibigan ko.
"Uhmm, by the way.... I have a little bad news..." seryosong wika ni Dominick.
Nagtaka ako "ay hala... Ano yun? Kinakabahan ako ha"
Bumuntong hininga si Dominick,
"Nakausap ko na si Neille kanina but unfortunately, ayaw niya sumali eh" ani nya."Hala, bakit daw?", nanghihinayang kong sagot.
"I hate to say this kaso... ayaw ka daw nyang makita eh, I think naiilang parin sya sayo" nahihiyang sabi nya.
Si Neille Claverde naman, sya yung lalaking gustong gusto ko since First year of highschool, but imagine kahit gusto ko lang sya grabe yung hugot ko ang lalim. Bare with me ganto ata magkacrush pag bata pa HAHAHA.
Ang problema kasi ayaw nya sakin eh, pero ganon naman talaga. Di naman sa lahat ng oras crush ka din ng crush mo. Paano ba naman, mataas ang standards nya sa babae. Oo pareho kaming nasa top program pero di pa din ako pasok sa standards nya, ewan ko ba. Feeling ko nga sa sobrang pagka crush ko don daig ko pang nanliligaw, lagi kong binibigyan ng regalo every holiday and occasions.
Ganun ako kadedicated kahit nauubos baon ko pambili ng materials na gagamitin. Sa 100 na baon ko sa isang araw, kahit di ako magrecess, makabuo lang ako ng mga arts craft na ipangreregalo ko for him.
Kaso kahit anong lambing at effort ang ipilit ayaw nya talaga sakin huhu, kaya pinipilit ko nalang na tanggalin yung nararamdaman ko sa kanya. Hahanap nalang ako ng ibang crush hmp.
Anyways, pina invite ko kay Dominick si Neille sa Vocal club namin, kaklase at kaibigan kasi sya ni Dominick eh, he also belongs to Technology Program. Mahilig din kasi si Neille sa music and sabi din ni Dominick sa Arts Program daw dapat sasali si Neille nung nag eenroll siya kaso mas passion niya ng Technology kaya napunta siya sa TP.
Nanghihinayang ako kasi nga ayaw niyang sumali, ayaw nya daw akong makita eh. Grabe sa kaartehan ang lalaking toh. Gwapo din naman kasi sya, maputi at matangkad, matalino din. Pero yung ugali nya, talagang minsan napapatanong ako kung bakit ko siya nagustuhan. Ayaw nga ng mga kaibigan ko sa kanya eh, crush ko lang nman daw kaso yung effort ko daig ko pa daw ang girlfriend.
YOU ARE READING
Still You, Only You
AcakA bittersweet love story. "Still You, Only You" is a fictional Romantic Comedy-Drama that is dedicated to all RitKen fans. WARNING: Although this is a fanfiction story, it is likely to contain some true events that occurred in real life. Please res...