[4] EMPIRE UNIVERSITY

508 71 21
                                    

"Ano!" Halos mabasag ang eardrum ni Zoien matapos marinig ang malakas na pagsigaw ni Felt.

Kasalukuyan silang nasa dining area at habang kumakain ay kinuwento niya ang parte kung saan ay lilipat siya ng school—sa mismong Univerity kung saan kasalukuyang nag-aaral sina Courtney at Feltesia. Subalit, malaki ang pagtutol ni Felt.

Napatayo pa ito mula sa kinauupuan at malatigreng nakatingin kay Zoien. "Are you saying na mag-aaral ka sa school namin? Nababaliw ka na ba! Nandun din si Courtney! Sa tingin mo anong mangyayari kapag nagkita kayo! Gusto mo bang maging malungkot ang pinsan ko!"

Hindi siya makakapayag sa sinabi ni Zoien. Nais niyang ilayo mula sa kaniya si Courtney dahil alam niya kung gaano masasaktan ang kaniyang pinsan once na malaman nito na nandirito sa Pilipinas ang step daughter ni Homer.

Zoien sighed. "Calm down, Felt."

"Calm down! Sinasabihan mo akong kumalma! Sa tingin mo magiging kalmado ako sa narinig ko! Sasaktan mo si Courtney!"

Nalungkot si Zoien sa narinig na napansin ni Felt.

'Oops, I think I hit a nerve p...p-ero I don't care! Mas mahalaga ang welfare ni Courtney kaysa kay Zoien! Tama!' saad niya sa isipan.

Nagpakawala ng buntong hininga si Zoien saka matipid na ngumiti kay Felt.

"Alam ko ang nasa isip mo, Felt. At iginagalang ko ang nararamdaman mo dahil nais mong protektahan si Courtney. Naiintindihan ko, pero kailangan mong kumalma dahil hindi tayo magkakaintindihan kung papairalin mo ang galit mo sa akin. Just... just calm down first then listen to me, alright?" Mahinahong pahayag ni Zoien na ikinakalmado ni Felt.

Umupo siyang muli at uminom sa kaniyang mug na may lamang hot choco.

"So, first of all. Si Grandpa Sevastian ang nag utos sa akin na pumasok sa Empire University but it doesn't mean na labag sa loob. At, kung nag-aalala ka tungkol sa welfare ni Courtney if ever nagkita kami. Well, nais ko lang sabihin na hindi niya ako kilala. I also know na ilang beses siyang nag-hired ng ilang propessional investigator para mag-investigate tungkol sa pagkatao ko but wala sikang nakuha. I'll made sure na walang makakilala sa akin maliban na lamang kung bibigyan ko ng permiso na makilala ako. Tulad mo. Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin?"

Pinaningkitan ng mata ni Felt ang kaharap. May katotohanan ang sinabi ni Zoien, alam niya ang tungkol sa mga hired investigator ni Courtney. Sa kabila ng pagiging propesyunal nila ay nakakapagtaka na walang nakuhang kahit na anumang impormasyon ang mga ito tungkol sa babae kahit picture ay wala. Kung paano nangyari iyon ay wala siyang alam. Hindi pa niya makikilala si Zoien kung walang ipinadala si Flare na litrato nito.

"Ipagpalagay natin na gano'n nga ang sitwasyon. Paano ako makakasigurado na wala kang gagawing masama?"

Kahit na kailan, hindi niya ibaba ang depensa niya pagdating kay Zoien. May dahilan kung bakit ito nandito. Kailangan niyang alamin ang tungkol sa bagay na iyon. Siguradong koneksyon ito sa pamilya ni Courtney. Kung may balak itong mas sirain pa ang kaniyang pinsan. Siya na mismo ang pipigil sa masamang balak nito.

Pilit na ngumiti si Zoien sa isipan. Hanggang ngayon kasi ay nakikita niya kung gaano katindi ang paghahangad ni Feltesia na protektahan mula sa kaniya si Courtney. Wala pang tiwala sa kaniya si Felt. At hindi niya ito masisisi. Mas matimbang para rito si Courtney kumpara sa kaniya na dalawang araw pa lamang nakasama. Nag-iisip din si Felt na may gagawin siyang masama sa pamilya ni Courtney na ikinangiwi niya. Mahirap talaga ang kaniyang posisyon sa pamilyang Mondragon. Masama agad ang tingin sa kaniya.

PROJECT CHROME 1: Concealed Identity (COMPLETED)Where stories live. Discover now