[39] THE REASON BEHIND HER MASK AND THE SERIAL ABDUCTOR'S CASE

223 31 2
                                    

Chapter Thirty-Nine: THE REASON BEHIND HER MASK AND THE SERIAL ABDUCTOR'S CASE

Nakatanaw sa derelsyon ng papasikat na araw si Zoien. Makikita ang iba't ibang sinag ng araw sa kulay kahel na kalangitan. Napakagandang pagmasdan. Nakasandal ang dalaga sa katawan ng puno ng akasya na malapit sa malinaw na lawa. She decided to watch the sunrise for the last time, dahil ngayong araw ay ang naghahanda na sila pabalik sa Capital.

Pansamantala, babalik siya sa ordinaryo niyang buhay bilang si Zoienelle Madrigal. Isang hiram na identidad kung saan nararanasan niya ang maging normal.

Lumakas ang ihip ng hangin. Napapikit ang dalaga bago hinawakan ang napapayad niyang buhok. Inipit niya ang ilang strands na humaharang sa kaniyang mukha sa punong-tenga bago siya nagpakawala ng buntong hininga. Niyakap ni Zoien ang mga tuhod at pinagmasdan ang golden locket na nasa kanang palad.

"Dhalia Froede-Sy, Luther's wife. 12 years ago, she was diagnosed with Brain Cancer, that was also the time when my Mom and Luther argue about the Blue syrup then the WEB attacked us. Killed my parents and my brother. Luther was the one who shoot me but I survived." She murmured to herself while playing with the locket on her palm. "Blue syrup..." Mapait siyang ngumiti.

Her Mother was a known inventor, a scientist, a doctor, a chemist in short she is a prodigy. Dr. Zeiraphine Alvira. Tanyag sa buong mundo ang kaniyang Ina. Subalit, ang propesyong iyon ang naging dahilan ng nangyaring trahedyang sinapit ng kanilang pamilya dahil sa kagahaman at kasamaan ng tao. Nais nilang kunin ang 'blue syrup' sa pag-aakalang magagamot nito ang lahat ng sakit subalit ang hindi nila alam ay nilikha iyon ni Dr. Zeiraphine upang lunasan ang pagbabagong anyo ni Zoien which is now known as the retainer's liquid na may kakayahan na pabagalin ang pag-mutate ng unknown cells sa kaniyang katawan na nagiging sanhi ng pagbabagong anyo ni Zoien.

But right now, even the retainer's liquid can't handle the U-Cells in her veins. Dahan-dahan nagiging immune na ang mga ito. Napahawak sa noo ang dalaga. The reason why the Council's doesn't want anyone to know about her existence is beacause of her uniqueness. She also a threat and also a tool for protection.

Alin nga ba siya dalawa?

"You're here." Naagaw ng pamilyar na boses ang atensyon ni Zoien. Mabilis niyang itinago ang locket sa bulsa ng short bago binalingan si Devine. Nasa maamo nitong mukha ang pagtataka.

"Good morning. Ang aga mo, ah."

Ngumiti si Devine. May bitbit itong sketchbook at ilang drawing materials.

"Actually, I'm here to finish my work in our Art Subject. Friore already finished her work yesterday. And, I want to finish my work before we go back to the Capital. So, umn?" Sandaling tumigil siya sa pagsasalita bago lumipat ang tingin sa espasyo sa tabi ni Zoien."Is it alright of I sit beside you?"

Ngumiti si Zoien na halos lumabas ang dimple sa tigkabilang pisngi. "Of course, feel free to sit beside me." Umisog siya para bigyan ng space Devine.

"Thank you." Naupo na ang dalaga bago inayos ang mga gamit. Binuksan nito ang sketch book.

Napansin ni Zoien ang ilang art work ni Devine and they are all amazing. Hindi lamang ito magaling bilang support may itinatago rin pala itong kagalingan sa Art.

Pagkatapos ayusin ang mga gamit ay pinagmasdan ni Devine ang paligid. Malapit nang matapos ang kaniyang sketch ng lawa na napapalibutan ng magandang puno at ilang mga bulaklak. Idadagdag na lamang niya ang sunrise, to make it complete to her taste.

"Wow, you're pretty amazing. Maikukumpara na sa isang professional ang gawa mo." Puri ni Zoien habang pinanonood niya ang ginagawa ni Devine.

Mabilis ang kilos ng kamay ng dalaga sa pagguhit. Seryoso ang mukhang nakamasid sa langit habang patuloy ang pagkilos ng kamay.

PROJECT CHROME 1: Concealed Identity (COMPLETED)Where stories live. Discover now