[18] GLIMPSE OF THE PAST

321 56 5
                                    

"The past you tried to hid."

CHAPTER 18:

(Florence, Italy)

Walang mababakas na emosyon sa mukha ni Homer habang siya'y nakaupo sa sariling puwesto. Mataman siyang nakikinig sa mga sinasabi ng buong council.

As the Head of the LIA, one of his duty is to attend the meeting under the Council's order. Kahit pa ngalay na ang kaniyang p'wetan dahil sa mahabang oras na pagkakaupo. Mas nakakangalay pala ang maupo kaysa ang tumayo. Nagpakawala siya ng buntong hininga.

Inisa-isang tingnan ang mga kasama sa maliit na silid. Nagpatawag ng urgent meeting ang head council dahil na rin sa sunod-sunod na pag-angat ng crime rate sa bawat bansa. Ultimo terorismo hindi nagpatalo. Tulad na lamang nang nangyari noon sa New York, City kung saan napakaraming namatay.

Sept. 11, 2001. Apat na eroplano ang na-hijack. Ang dalawa sa kanila ay sinadyang ibunggo sa WTC (World Trade Center.) Ang isa ay ibinagsak sa pentagon at ang huling eroplano ay bumagsak sa kagubatan.

Thousands of lives were killed that day. Isang araw lamang iyon. Ilang sandali subalit marami ang nasawi. Hanggang ngayon, para iyong peklat na hindi mawala sa alaala ng lahat. And in order to avoid that from happening again, nagtulong-tulong ang lahat ng agency upang masolusyunan at mas maagapan ang gano'n pag-atake ng kaaway.

Kaya naman sisiw lamang ang pag-upo ng apat na oras para lamang makinig sa lecture.

"That's for today. Dismissed."

Tila nabuhayan siya ng dugo dahil sa narinig.

"But, Homer. You stay."

Na mabilis din naglaho.

Isa-isang nawala ang holographic feature ng bawat dumalo. Ang natira na lamang ay si Homer at ang Head ng Council.

"How long, do you plan to be stubborn?"

Una pa lamang na salitang lumabas sa bibig nito ay alam na niya kung saan patungo ang usapan. It was as if her daughter Zoien is in front of him. Nagging him non-stop.

"I have so many stuck up job to finish. If this talk is personal. You should have visit me here and talk to me personally. Not in holographic form."

Mas lalong dumilim ang ekspresyon ng mukha ng kausap ni Homer. Hindi nagustuhan ang narinig.

"Ama mo pa rin ako Homer. Matuto kang gumalang," diin ng Don.

"Tama ka, ama kita. Dapat alam mo kung ano ang sagot ko sa katanungan mo," tugon ni Homer.

Everything that had happened to him, is because of his father. Kung hindi lamang ito ang Head ng council o mas maganda kung hindi niya ito Ama. Maaring normal pa ang kaniyang buhay. Hindi kumplikado. Walang inaalala. Normal tulad ng karamihan.

Subalit, isa lang iyong pangarap na hindi niya kailanman maaring makamit. Dahil ngayon, ang katotohanan. Nasa posisyon siya kung saan maraming responsibilidad sa kaniyang balikat. Maraming buhay ang nasa kaniyang mga kamay ang dapat niyang panatilihing ligtas.

'Suck to be me,' daing niya sa sarili.

Ang tanging hangad niya ay makasama ang kaniyang pamilya. Na mahirap gawin sa ngayon. He abandoned them because of this job and heavy resposibilities. Na kahit na kailan ay hindi niya maaring takbuhan.

"Don't blame me for your outcomes Homer. Hindi ko sinabing lubayan mo ang pamilya mo. Hindi ko sinabi na magpakalayo ka. Hindi ko sinabi na gawin mong miserable ang buhay mo." Sunod-sunod na lintanya ng Don na siyang ikinatikom ng bagang ni Homer.

PROJECT CHROME 1: Concealed Identity (COMPLETED)Where stories live. Discover now